Sammy POV
Gabi na rin pala. pero hindi parin ako nakakakain simula kaninang tanghali. yung Asungot na Ungas kasi na yun eh. ay teka...makababa na nga. I'm sure tulog na si Mama. atsaka...nakatulog ba talaga ako ng gutom?
pachoosy ka pa kasi kanina ng susubuan ka na ng crush mo.
tumahimik ka nga konsensya! hindi ko crush yung kabayo na yun! psh. asa.
dahan dahan akong bumaba ng hagdan. ay patay na ang ilaw, hmmm. tulog na nga si Mama at Papa. pumunta ako sa Kusina at kumuha ng cookies sa Ref. bango~
"Para kang tanga."
"Ayy kabayo! ahhh kabayo nga!!"
nagulat ako ng bigla umilaw at nakita ko si Maxx na nakatayo sa may pinto. anong ginagawa nyan dito?
"hoy ungas! anong ginagawa mo dito? gabi na ah umuwi kana!"
"pinatulog ako dito ni Tita. at pwede ba? wag kang sumigaw. nakakarindi sa tenga yang boses mo eh."
aba! si Mama talaga! bat nagpatulog sya dito ng Hayop? mukha bang zoo ang bahay? aysht. nagulat ako ng agawin nya saken ang cookie KO.
"akin nalang ah. salamat."
"Hoy asungot na kabayong ungas! akin na yan gutom na gutom na ako eh!!"
mabilis syang tumakbo paakyat sa guessroom. nakakainis sya. naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. bat ba ang sama-sama nya? wala syang puso.
"kainis ka talaga."
Maxx POV
hahaha! yung mukha nya kanina. napaka panget! pasalampak akong dumapa sa kama habang kukakain ng cookies. ano kayang ginagawa nun sa baba ngayon? wala pa namang pagkain doon naubos ko kanina yung mga stock na foods. takaw ko ba? di naman, sinadya ko lang yun para walang matira sakanya. bwahahaha.
"ang sarap nyang asarin. napaka cute."
wait...did I say 'napaka cute'? ahaha nadala lang ako ng kasiyahan. masilip nga.
lumabas ako ng guessroom saka sya sinilip sa baba. nakaupo sya sa sofa at nakayuko.
"nakakainis talaga sya. wala syang puso. hindi ba nya naisip na baka mamatay ako dito sa gutom? bwisit sya! kahit kelan di ako magkakagusto sa tulad nya!"
parang bigla may kumirot sa puso ko. hayst. kung hindi lang ako naaawa eh. bumaba ako ng hagdan saka sya nilapitan pero di nya pa ako napapansin kasi nakatalikod sya.
"oh"
inabot ko sakanya ang box ng cookies. nilingon nya ako. dang! umiiyak sya! ano bang ginawa ko? nagpaiyak ako ng babae. tsk, minus pogi points din yun.
"bat kaba umiiyak? napaka iyakin mo talaga."
tumayo sya saka ako tinulak.
"ang sama-sama mo talaga! I hate you! I hate you I swear I hate you so much--"
tinakpan ko na ang bibig nya. tsk, ang ingay eh. baka magising pa sila tita at tito eh.
"alam ko na yan. sige na kumain kana. baka mamaya MAMATAY KA PA. pfft"
tiningnan nya lang yung cookies. tsk ayaw pang kunin eh. hinawakan ko ang kamay nya saka nilagay doon ang cookies.
"pagkatapos matulog kana."
inis syang umupo sa sofa at sinimulang kainin ang cookies. tingnan mo'to, di man lang nagthank-you. psh pasalamat sya binigyan ko pa sya eh.
"hoy pagong magthank-you ka!"
inirapan nya ako. "why should I? eh kasalanan mo rin naman eh. at duh, luto to ni mama kaya akin to!"
hayy. oo na maldita. umupo ako sa tabi nya at nakinood narin ng tv. pero wala naman sa tv ang atensyon ko eh. nasakanya. nakatingin lang ako sakanya. ang cute pala nya pag kumakain. ngayon ko lang ulit iyon napansin. yung labi nya ang pula. parang gusto ko tuloy halikan. teka ano ba'tong naiisip ko? 14 years old palang kami kaya hindi pa yun pwede.
"o-oh...bat ka nakatingin saken?" tanong nya ng puno ang bibig. bata pa nga talaga sya
hindi ko namalayan papalapit na ng papalapit ang mga mukha namin. ang nasa isip ko nalang ngayon ay halikan ang mapupula nyang labi. sh*t nakaka tempt naman kasi eh.
"h-hoy k-kabayo anong---"
"ssshh"
nilagay ko ang hintuturo ko sa labi nya. malapit na...malapit na malapit na.....
"Mga batang ito. bat ba ang ingay ingay nyo?! matulog na kayo dahil hating gabi na!"
natulak ko sya dahilan para mahulog sya sa sofa ng marinig ko ang boses ni tito sa taas.
"Arrayy ko naman Maxx! ano bang prob- ay! Papa he-he."
nakatingin lang kami kay tito na ngayon masama ang tingin samen.
"naghahalikan ba kayo?!"
"no, were not." sabay naming sagot
nakatingin parin saamin si Tito. kinakabahan na nga ako sa mga mata nya eh. parang anytime sisipain na nya ako palabas ng bahay.
"....hahaha. sayang naman. sige na, matulog nalang kayo. tch makwento nga ito kay honey."
oh--kay...that was...WEIRD.
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionSometimes I HATE him...but Sometimes I LOVE him... makulit sya, pang-asar, playboy, astigin at mayabang. sino ba namang magkakagusto sa katulad nya? 14 years old palang ang dami ng ex! pero...minahal ko parin sya. hindi ko alam kung bakit... basta a...