Chapter 20:My Hero<3

103 7 0
                                    

Sammy POV

Nagsuklay lang ako ng buhok tapos naglagay ng pulbo at konting lip shiner. Tiningnan ko ang kabuuan ko. Wow...ang ganda ko pala talaga. Sexy..hahaha.

"Anak andyan na mga kaibigan mo sa baba."sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Opo Mama."

Kinuha ko na yung pouch ko saka lumabas ng kwarto.

"Ang ganda talaga ng anak ko."

"Syempre. Mana ata ito sayo. Hahaha"

"Naka nambola ka pa. Sigw na hinihintay ka na nila sa baba."

Bumaba na ako sa sala. Naabutan ko silang tatlo na nanonood ng t.v sa sala.

"Tara na guys."Bungad ko sakanila.

"Oh andyan na pala si Sam eh."sabi ni Jaydee saka pinatay ang t.v at nagsitayuan na sila.

"Hanep chix oh. Haha baka lalo kitang macrush-an  Sam ah."

=_=

Loko lokong Jaydee. "Tara na nga. Dami nyong alam. Bibili pa tayo ng dress, at ikaw Jaydee bumili ka ng Bikini mo."nagsitawanan kaming lahat pati si Mama sa may hagdan. Yung ekspresyon ni Jaydee napaka epic lang eh  hahaha

"Sa gwapo kong ito? Ipapasuot mo ng bikini? Ha! Kokonte nalang kaming mga gwapo."

"Whoa. Ang hangin grabe!"pang-aasar ni Chrysta. "Jusko hula ko electricfan ang kinain mo kaninang umaga. Hahaha"dahdag pa ni Chloe.

"Hay nako tara na nga. Ma alis na po kami."

"Sige mag-iingat kayo ha? Hoy Jaydee. Ikaw na bahala sa mga babaeng ito"

"Opo Mama-este Tita."

"Hahaha. Bye tita"humalik lang ang kambal sa pisngi ni Mama.

"Ako rin po tita pa-kiss."lalapit na sana si Jaydee kay mama ng batukan ko sya. Hahaha. "Aray ko naman Sammy. Ang bayolente mo."

"Halika na nga."

Lumabas na kami ng bahay.

Pupunta kami ngayon sa mall para bumili ng dress na susuotin namin  bukas at si Jaydee naman bibili ng suit.

Super excited na talaga ako para bukas. Lalo na ngayong nalaman kong kakanta pala ako. Yung mga classmate ko kasi eh sinabi nila sa president namin na magiintermision daw ako. Hahaha

Sumakay na kami ng taxi papuntang MOA. Pagdating doon dumeretso agad kami ng jollibee..nagutom ako eh.

"Ang takaw mo talaga no?"Sambit ni Jaydee sa likod ko.

"Oh? Tapos? Ikaw ba hindi?"sagot ko ng nakataas-kilay. Wala lang trip ko lang tarayan si Jayd ngayon eh. Hahaha

"Naks. Suntukan na yan! Hahaha."magiliw na sigaw ng kambal. Pambihira ang ingay lang po nila at marami ng taong nakatibgin saamen.

"Tumahimik na nga lang kayo. Highblood si Madam heartbroken eh. Hahaha"

=_=

"Gusto mo sipa Jaydee?!"huminto naman sya sa pagtawa..pumila na lang ako. Ganito kami eh tuwing magkakasama kaming apat. Maggulo, makulit, maingay.

Pagkakuha namin ng in-order umupo na kaming apat sa bakanteng table dito sa loob ng jollibee.

"Alam nyo ang weird lang eh."tumingin kamin kay jaydee habang nginunguya ang sari-sarili naming order.

"Ano nanamang weird?"Chloe

"Pansin nyo? Si Mcdo ang kapal ng make-up. Si Jollibee naman nakapolo nga wala namang pants."

*cough-cough*

Putek na Jaydee to. Nabilaukan tuloy ako sa kinakain kong Burger. Ang daming alam eh.

"Okay kalang Sam?"

"Tumahik ka na nga lang! Ang ingay-ingay mo!"

Promise kami lang ang maingay dito dagil sa mga tawanan namin. Loko-loko talagang Jaydee eh.

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa boutique na pagbibilihan namin ng dress. Ang kyu-cute ngang mga dress.nila eh. Pero isa lang ang naka agaw ng pansin ko.

That black dress.

Ang elegante nya kahit simple lang sya. Kukunin ko na sana ng may humawak din dito. Tiningnan ko ang babae.

"Sorry Sammy nauna ako. Tak, lagi ka nalang kasing second eh. Look ang ganda nitong dress...at mas bagay ito saken."

Si Chelsea nanaman. Lagi nalang sya ang kaagaw ko sa mga gusto ko.

Pero di ko parin binitawan ang dress kahit pareho na naming hawak ito.

"Ako ang nauna. At MAS bagay ito saken. Wala ngang kashape-shape yang katawan mo eh."sagot ko

Halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"Excuse me?! May shape ang body ko!"inis nyang sigaw kaya naagaw na namin ang atensyon ng mga tao dito.

"Ah talaga? Sorry di kasi obvious eh. Hahaha"

"Sammy. Tama na yan"

</3

Oh andito na pala ang boyfriend nya. Na ipinagtatanggol sya. Ang sweet.

"Maxx oh inaagaw nya saken itong dress."

Psh. Paawa pa ang bruha. Nakakainis. Tiningnan ako ni Maxx saglit.

"Sige na Chels bigay mo na yan sakanya. Maghahanap nalang tayo ng mas maganda dyan okay?"

"No! I want this one."

"Hindi naman bagay sayo yan eh. Mas maganda yung pinili ko kanina para sayo."

Inaalo nya si Chelsea. Grabe amg sakit nila sa mata. Napasaakin nga itong dress feeling ko talo parin ako.

"Baby tara?"

Napatingin kami kay Jaydee ng akbayan nya ako sa harap nila Maxx.

T-teka....baby?!

"Yan na ba yung napili mong dress? Wow. Bagay sayo. Im sure magmumukha kang manika dyan."

Nakatitig parin ako sakanya. Ano bang ginagawa nya? Baby??

"K-kayo na?!"hindi makapaniwalang tanong ni Maxx. Ako lang ba ito o talagang may pain akong nakita sa mga mata nya?

"No-"

"yes bro kami na. Let's go baby?"

Hinawakan ako ni Jaydee sa kamay saka hinila na papuntang counter. Wait.....

What was that?!

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon