Chapter 1:Spark<3

331 10 0
                                    

Sammy Pov

*RINGGGGGG*

"Anak, bilisan mo na! naghihintay na sa baba si Maxx!"

"hmmm."

dahan-dahan akong bumangon ng kama ko. I'm still sleepy. puyat ako, kainis kasi eh.

"Sammy!!"Mama

"Andyan na po! excited lang?"

parang tinatawag pa ako ng kama oh. pero sige nalang, baka mamaya makurot nanaman ako sa pwet eh. padabog akong bumaba ng sala. I saw him there, prenteng nakaupo sa sofa.

"Astig Maxx ah. feel at home? push mo lang yan."pang-aasar ko

tiningnan lang ako nito, as usual iisnobin lang rin ako.

"bilisan mo na nga lang. late na tayo oh. pagong ka talaga."

"kung makalait ka. hoy! nasa pamamahay ka namin ha kaya umayos ka."

"Maliligo ka ba o ako na mismo magpapaligo sayo?"

0.0 oh-kay. sabi ko nga. maliligo na. anu ba naman yan.

araw-araw nandito na sya. pano, mag-bestfriend ang mga parents namin kaya gusto nila maging close narin kami. kaya nga andito yan eh, kasi sabi ni tita sunduin nya daw ako araw-araw para sabay pumasok ng school.

he hates me, and I hate him too....pero aaminin ko, gusto ko sya. ewan ko nga rin eh kung paano nangyari yun. basta ang alam ko lang paggising ko sa umaga, gusto ko na sya.

para nga kaming aso't- pusa nun eh...pero ibang version yung amin. pagong at kabayo. hahaha.

***

"bilisan mo! ang bagal. so ano? rarampa ka pa?"

"eto na nga diba?! palibhasa kabayo ka kaya ang bilis mong maglakad!"

bwiset. eh halos tumakbo na nga ako eh mahabol ko lang sya. kanina pa ako hinihingal ha! itong si Maxx kasi eh. that's why ayoko syang kasabay kasi feeling ko mamamatay ako sa pagod.

"bilis Sammy 5 minutes nalang!"

"Oo nga-"

hindi na ako nakapagsalita ng bigla nyang higitin ang kamay ko. hawak nya ito na as in sobrang higpit. ako lang ba'to o talagang may kuryente na dumaloy sa katawan ko galing sa kamay nya.

ano ba yun? robot kaya sya? ah ewan ang alam ko lang ngayon...kasing bilis nyang tumakbo ang heartbeat ko ngayon.

nakarating kami sa classroom na lutang parin ako. that feeling. ang sarap sa pakiramdam. parte ba yun ng love? yung ang daming effects. una may kuryente, tapos nagslowmo ang paligid, pangatlo hindi man lang ako napagod sa pagtakbo namin.

"huy Sammy!"

napailing ako saka sya tiningnan. nakaupo na pala kami sa chair namin.

"h-ha?"

"tsk. lutang ka nanaman. sabi ko peram ako ng assignment mo. hindi kasi ako nakagawa eh."

"sa isang kondisyon?"

napasinghap sya. sanay na sya sa ganito. yung bawat favor namin sa isat-isa may kondisyon.

"fine. ano yun?"

"hold my hand, again."

hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na sabihin sakanya yun. basta ang alam ko lang, feeling ko lumilipad ako nung hawak-hawak nya ang kamay ko. ang weird nga eh.

"what? at baket naman?"

umiling ako.

"wag na nga lang!"

haharap na sana ako sa harap ng maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko. otomatik akong napalingon sakanya ulit. nakatitig lang sya sa kamay namin.

naramdaman ko naman yung parang tumatambol sa may bandang dibdib ko. I wonder kung ano kaya yun.

may sakit na kaya ako sa puso?...o baka epekto lang ito ng pagkakagusto ko sakanya.

sa totoo lang wala pa akong masyadong alam about Love. duh, 14 years old palang ako 2nd year high school.

"oh,okay na? yung notebook akin na nga."

hindi na nya hinintay ang sagot ko at agad na nyang kinuha sa bag ko ang science notebook ko.

"salamat."sabi nito

***

buti naman at Break narin namin. hindi ko na hinintay si Maxx, hindi naman kami nagsasabay nun pag Recess eh. hindi naman kasi kami close, pero pag naguusap kami wala ring awkward feelings. wala lang, nasanay narin naman kasi kami sa presensya ng isa't- isa.

"Sammy!"

nilingon ko ang tumawag, si Chloe lang pala...bestfriend ko.

"oh?"

"hindi mo man lang ako hinintay. tara sabay na tayo."

yumakap sya sa braso ko na akala mo magkasintahan na kami.

pag dating sa canteen pumila na kami agad. hayy buti nalang at wala masyadong tao. gutom na ako eh.

"Chelsea."

"oh, ikaw pala yan Maxx. halika sabay na tayong kumain."

"ang sweet mo talaga."

"naks! ako pa? hahaha!"

napatingin ako sa likod. aysh. iba nanaman ang girlfriend nya? pambihira. ang playboy talaga nya ha. kahapon lang sila pa ni Ricah eh.

"huy Sammy!!"

"ay Sammy nga!"

"ikaw. lutang ka nanaman. sabi ko halika na dun sa bakanteng table naka bili na ako ng foods natin."

tumango lang ako saka sumunod na sakanya.

yan ang isa sa pinaka ayaw ko kay Maxx....

playboy sya.

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon