Sammy POV
*RINGGGG*
"Tara!!"
hinila ako ni Maxx sa kamay dahilan para mapatakbo rin ako tulad nya. anong trip neto? bigla-bigla manghihila ng kamay. psh.
"ano ba bitawan mo nga ako!"
pero parang wala syang narinig kaya pinabayaan ko nalang. bahala sya kung anong trip nya sa buhay. pakikisamahan ko nalang. kesa makipagaway pa ako sakanya.
"sakay."utos nya ng makasakay na sya sa bisikleta ko. tingnan mo'to makautos akala mo pagmamay-ari nya yang bisikletang yan. duh, akin kaya yan.
"bakit ba? saan ba kasi tayo pupunta?"
"sasakay ka o sasakay ka?"
-_-
"choices ba yun? psh. uuwi na ba tayo?"tanong ko ulit
"aysh! hindi pa. basta may ipapakita ako kaya sumakay kana kasi!"
sumakay nalang ako sa likod nya. ano kayang ipapakita nya? naku! naeexcite ako!
"hoy Maxx. baka dalhin mo ako sa kahit saan ha. hindi pa ako handang makipagtanan. pero kung pipilitin mo ako bakit hindi."
"hahaha. hoy naririnig mo ba yang pinagsasabi mo? bakit naman kita itatanan? sa katakawan mong yan hindi kita kayang alagaan. tak, ang lawak ng imaginations mo."
ayun. pinagtawanan lang ako. aysh. nagjo-joke lang eh. pasalamat sya nage-enjoy ako dito sa likod habang nakayakap sa bewang nya.
"hoy Maxx kamusta yung paa mo okay na ba? hindi na ba nagka-cramps?"syempre nag-aalala rin naman ako sakanya no.
"anong nagka-cramps? wala naman ah?"
"eh diba sabi mo kanina naninigas yung nasa baba?"
nahampas ako sa likod nya ng bigla nyang i-break ang bike. aray ha. nananadya ata talaga sya eh.
"aray ko naman Maxx magdahan-dahan ka nga!"
"pfft.....hahahahahaha"
-_-
"ano bang nakakatawa?!"
hindi parin sya humihinto sa pagtawa. tsk, nasapian ata eh.
"kasi-hahahahah-seriously-hahahaha-Sam-hahaha"
-_-
"ewan ko sayo!"
bumaba na ako ng bike. ngayon ko lang napansin ang ganda pala dito. anong lugar kaya ito? ngayon ko lang ito napuntahan. as in. may mga puno. tapos ang daming bulaklak sa paligid. umupo ako sa damuhan saka sumandal sa puno.
wow, so refreshing.
nung napagod na ata si Maxx kakatawa umupo na sya sa tabi nya. psh, pagkatapos nya akong pagtawanan tatabi sya saken.
"Sammy"
tiningnan ko sya. itinaas nya ang kamay nya. anong ginagawa nya?
"akin na yanga kamay mo."utos nya saka kinuha ang kamay ko. idinugtong nya iyon sa kamay nya. at na-amaze ako sa nakita. nakagawa kami ng heart shape gamit ang kamay namin. at sa likod non may mga stars na nabuo na hugis puso. parang ginaya lang ng kamay namin ang hugis non.
"wow..."mahina kong sabi. ang ganda. pero mas nagulat ako ng hawakan ni Maxx ng sobrang higpit ang kamay ko. tiningnan ko sya. nakatutig lang sya saken. ano to? bakit...parang kinikilig ako. ang lapit kasi ng mukha ni Maxx sa mukha ko eh. yung parang konting galaw ko lang magki-kiss na kami.
"Sam-Sam"
*dugdug-dugdug*
tinawag nanaman nya akong samsam. lalo tuloy bumilis ang heartbeat ko.
"Gusto mo kwentohan kita?"tanong nya. napatango-tango nalang ako. pero nakatingin parin kami sa isa't-isa.
"Isang araw may isang gwapong bata na si Maxx..."
imbis na magreact nakinig pa ako. ano bang kwento yan? pati ba naman jan dala parin nya kayabangan nya? haha.
"Na nagkakagusto sa isang magandang Sammy..."
0_0
"Minahal nya si Sammy simula elementary. at kelan man hindi iyon nabawasan. graduation...magtatapat na sana si Maxx kay Sammy. kaso...sinampal sya ni Sammy nung hinalikan nya ito sa pisngi. sobra syang nasaktan. sobra syang nagalit. "
hindi ko na alam ang gagawin ko. totoo ba ito? o isang magandang panaginip lang? gusto rin ako ni Maxx simula pagkabata? wow....
"pero kahit ganon...ni minsan hindi nya naisip na maghiganti kay Sammy...kasi sabi nya ang prinsesa nya, dapat inaalagaan nya. kasi pag laki nya 'he will marry his princess'...Tuwing nakikita nyang ngumingiti si Sammy...nababawasan ang galit nya...at ngayon...may guato syang sabihin sa Sammy nya..."
hinawakan nya ang pisngi ko. ano ba to bakit ba ako kinikilig. umayos ka nga Sam. wag kang magpahalata.
napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko. ang sarap. para akong kinukuryente na ewan. pagdilat ko nakita ko syang nakatingin parin saken.
"I love you Sammy Cruz"
mas lalong namula ang mukha ko. totoo ba talaga ito? aysh. mahal nya rin ako. sa sandaling ito..nakakimutan kong 14 years old palang kami. eh anong masama as long as hindi naman kami nagpapabaya sa pag-aaral diba? we love each other. in fact. yun ang gusto ni Mama at Papa even his parents. ang maging kami so let it be.
"pwede ba kitang maging prinsesa Sammy?...Girlfriend na kita diba?..."
ano bang sasabihin ko? oo? ihh. kinikilig pa kasi talaga ako eh. ano ba!!
...
"Sammy...Girlfriend na kita diba?..."Nagpuppy-eyes pa sya. aww ang cute. hindi ko na napigilan ang sarili kong kurutin ang pisngi nya.
"sige na nga. kawawa ka naman eh. haha"
nakangiti nya akong niyakap. ngayon ko lang naisip...
pwese rin palang magmahalan ng malaya ang mga bata.
"I love you my princess..."
****
A/N: wiih! ang lame. haha. guys comment naman kayo oh. gusto ko lang malaman kung okay ba. ayan hah! ginawa ko na lahat para maging nakakakilig ang chapter na ito. don't forget to comment and vote. kamsahamnida guys :)
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionSometimes I HATE him...but Sometimes I LOVE him... makulit sya, pang-asar, playboy, astigin at mayabang. sino ba namang magkakagusto sa katulad nya? 14 years old palang ang dami ng ex! pero...minahal ko parin sya. hindi ko alam kung bakit... basta a...