1-Her

12.1K 169 8
                                    

(Hi! Please don't forget to leave a comment, vote every chapter and follow my account, to inspire me more and give you more updates.)

BM's

"Dude, I'm telling you. You really need to get laid. Look at you. Ang layo pa ng biernes santo pero yung mukha mo pang semana santa na." Said his asshole of a friend Achilios Downey na bahagya nang namumungay ang mga mata dahil sa nainom.

"Can you just leave me alone, you brute?" Iritado niyang wika dito.

"Sige, ikaw bahala. But in case you change your mind---

"I won't. Leave." Matigas niyang sabi pagkatapos ay sinalinan muli ng alak ang kanyang baso at tinungga.

Mukhang nakaintindi rin ang luko-luko niyang kaibigan at iiling-iling na lang na nilayasan siya. Napaka-babaero talaga ng isang ito.

Sumama siyang mag-inuman sa mga ito sa bahay ng doktor na si Argel Quizon-- na kapit-bahay lang din ng bahay nila kaya wala siyang dahilan para tumanggi. DK member din ang nasabing doktor.

Isa pa wala siyang maisip na gawin ngayong araw. He's bored and fucked up.

He doesn't want to go at Studio Nine either and work his ass off there. The air in his office is suffocating and he just can hardly take the controversies that their family has that have been revolving around the news and internet.

Hindi rin siya pwedeng magpunta sa DKRC dahil dalawang buwan siyang suspendido roon matapos niyang makipag-away sa kapwa din niya member na si William Alonzo-- turned out to be his biggest rival in Gabbrielle's heart.

Dammit!

Idagdag pa ang ilang patong-patong na kasong kinahaharap ngayon ng kaniyang senador na ama na si Arthuro Gamboa sapagkat napagbibintangan itong kasabwat ng isang corrupt na senador na si Jaime Gonzalez na sangkot rin sa mga mabibigat na ilegal na gawain na sa tindi ng kapit ay hindi makulong-kulong.

Dahil doon ay maraming mga netizens ang humusga sa kaniyang ama at sa kanyang buong pamilya. Nadamay pa ang Studio Nine na gustong ipasara ng ilang kongresistang hindi kapartido ng kanyang ama.

At kasalanan lahat iyon ng isa pang gago at traydor niyang kaibigan na si Steven Lo na isa palang FBI secret agent. Matagal na pala nitong iniimbestigahan ang pamilya niya, his father specifically, kaya ito pumasok bilang isang TV host sa Studio Nine.

At ang pinaka-masaklap sa lahat, patuloy pa rin silang nakakatanggap ng mga death threatening notes na hindi nila sigurado kung galing ba sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama o may iba pang gumagawa ng mga iyon.

Hindi madali ang mga kinahaharap niyang problema at ng kanyang pamilya kaya hindi siya masisisi ng mga gago niyang kaibigan kung hindi talaga maipinta ang kanyang mukha ngayon. Nabulabog lang naman ang kanilang not so private life na siya niyang pinakaiiwasan sanang mangyari.

May kapatid siyang babae at natatakot siyang pati ito ay madamay. Matigas pa naman ang ulo nito. Labas pa rin ng labas kahit nagkakagulo na. Pero kahit paano ay nagpapasalamat siya dahil marunong pa din itong sumunod sa kanya kapag nakikita nitong seryoso na ang sitwasyon.

"Ey, guys. Take a look at this." Narinig niyang sabi ng isa pang babaero niyang kaibigan na si Zzayden Greene.

Nakatalikod siya sa mga kaibigan at mag-isang umiinom sa bar counter. Wala siyang pakielam sa pinag-uusapan ng mga babaerong 'yon. Patuloy lang siya sa paglagok ng kanyang alak. Ang may-ari naman ng bahay na si Argel ay nagluluto sa kusina ng pupulutanin nila. That doctor has a talent in cooking.

"O. Anong meron diyan?" Boses naman ni Achilios na halatang curious sa tono ng pananalita.

"Woah! Whoah! Whoah! Tuloy na talaga next week 'yan? I'll go." Excited naman na sabi ni Darius Klatten. Pinsan ng presidente nila sa DKRC na si Mauricius Klyde Klatten.

DKRCS: Mr. CEO's Kept WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon