BM's
Pinakatitigan ni Bryce ang asawa. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil nakayuko ito pero alam niyang may mali. Sa paraan pa lang ng pagkakabigkas nito ng sorry, parang may halong mabigat na emosyon na hindi niya mawari. Naglakas na siya ng loob na lumapit sa tabi nito. Ginagap niya ang isa nitong kamay.
"Baby." Pagkuha niya ng atensiyon kay Colette. "Why are you saying sorry?"
Hindi pa rin ito umimik. Ilang segundo na ang lumipas nang sa wakas ay diretso na itong tumingin sa kanya. And his wife is about to cry. Nataranta siya nang tumulo ang mga luha nito. Panay ang hingi ng sorry. Niyakap lang niya ito upang pakalmahin.
"S-sorry. Sorry. S-sorry. I'm really really sorry. H-hindi ko na naman alam. K-kung alam ko lang... K-kung alam ko lang. I'm sorry hindi ko talaga a-alam."
Naguguluhan man ay patuloy lang niya itong pinakalma.
"Shhh. It's alright. Baby, it's alright. Shhh. I'm here. I'm here. Please stop crying." Pang-aalo niya sa asawa kahit lintong-lito siya sa biglang inakto nito. Ayaw niyang nakikitang ganito ang asawa niya. Doble ang sakit na nararamdaman niya kapag nakikita niya itong umiiyak.
Ilang minuto ang lumipas ay kumalma na rin si Colette.
"Baby. Tell me what's wrong, hmmm?" Sapo-sapo na niya ang hugis-puso nitong mukha.
"I... I had a m-miscarriage." Mahinang usal nito na tila hirap na hirap bigkasin ang mga salitang iyon. May ilang butil na naman ng luha na muling umagos sa magaganda nitong mga mata.
Siya naman ay hindi alam ang mararamdaman. Shock is written all over his face. May kung anong pumiga sa kanyang puso sa sinabi ng asawa. It hurts. Parang may nawala sa pagkatao niya nang mga oras na iyon. It is the same feeling when Colette left him months ago. But seeing his wife's in a state like this, it is even more heartbreaking.
"W-we had a b-baby." Sambit niya. Tila tinakasan siya ng kanyang lakas. Nakakapanghina ang balitang iyon.
Nagyuko ng ulo si Colette.
"I'm sorry..."
Muli na naman itong umiyak. He put his wife in his arms. Letting her know that it's okay. That she got nothing to say sorry for. Dahil kung masakit para sa kanya na nawalan sila ng anak, sigurado siyang triple ang nararamdaman ni Colette.
Her pregnancy was unexpected because he always pull out whenever they had sex. But he knew, withdrawals is not a hundred percent safe so there's always a chance for his wife to get pregnant. And she did. But they already lost it.
Kaya pala ganoon na lang ang paalala sa kanya ni Odalie kanina bago siya tumungo sa silid ni Colette.
"Colette is very sensitive right now. Just be careful with your words and actions. Sana lang maging maayos na kayo. She needs you."
Marami-rami na ang nakakaalam ng relasyon nila ni Colette but he doesn't care now. Kung maaari nga lang ay ipagsigawan niya sa buong mundo na asawa na niya ito para lang matigil na ang mga pumapantasya sa kanyang asawa pero hindi niya maaaring gawin iyon para na rin sa kaligtasan nito.
"I'm not mad, baby. It's okay. Hush. Please stop crying." Pag-aalo niyang muli sa asawa.
Minutes later and Colette finally calmed down. He laid her wife to sleep. Hindi siya umalis sa tabi nito hangga't hindi ito nakakatulog. Lumabas lang siya ng silid nang masigurong mahimbing na ito.
Pagkalabas niya ay dumiretso siya sa balkonahe na nasa dulo ng hallway. He went outside and lit his cigarette. He rarely smoke. Only in times like this na marami siyang iniisip. This will help him relax a bit.
He puffed a smoke upward. Pagkatapos ay itinukod niya ang dalawang kamay sa barandilya. Namumula ang kanyang mga mata dahil sa pinipigilang luha.
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...