CF's
Pagal ang pakiramdam ni Colette nang makarating sa safehouse nila ni Bryce. Hindi lang talaga siya makatanggi kay Stevie na samahan ito dahil alam niyang ngayon mas higit na kailangan nito ng kaibigan na masasandalan at hindi isiping wala itong karamay. Isa pa ay sinusulit na din nila ang pagkakataon dahil mukhang magiging madalang na ang kanilang pagkikita sa napipintong pag-alis nito sa VMPH.
Inaasahan na niya ang galit na Bryce na sasalubong sa kanya pagpasok niya sa condo nila ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang madadatnang katahimikan sa loob. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Kakaba-kaba pa naman siyang umuwi kanina sa isiping galit na galit na naman sa kanya si Bryce.
Hindi na niya inabalang magsindi ng ilaw sa living room at tuloy-tuloy ng pumasok sa silid. Ganoon na lang ang pagsinghap niya nang makita ang ayos ng kwarto nila. There were scattered red rose petals on the carpet. There were also cute heart shaped candles forming a path towards the verandah outside.
Namilog ang kanyang mga mata nang dumako ang kanyang paningin sa kama. May mga rose petals din doon at may kasama pang isang tangkay naman ng long stem rose na kulay pula rin. Humakbang siya papalapit roon nang may mapansin siyang nakabilot na papel sa tangkay ng rose. Kinuha niya iyon at binuklat ang nakabilot na pula rin ang kulay. Gayon na lamang ang kaniyang pagsinghap nang mabasa kung ano ang nakasulat roon. Parang bulang naglaho ang pagod na kanyang nararamdaman.
Happy anniversary, baby.
She smiled. Naalala pala niya.
May pagka-romantiko rin pala ang lalaking 'yon.
Lumingon siya sa kaliwa ng maramdaman ang pag-ihip ng panggabing hangin mula sa nakabukas na sliding door. Nililipad ang kulay puting manipis na kurtina na tumatakip sa pintuan ng verandah. May bulto ng lalaki siyang naaaninag mula sa labas.
Mas lumapad ang kanyang ngiti. And she's starting to get emotional. Bryce is standing there outside with two hands in his pockets. Looking at the city lights far down seriously. Yes. Alam niyang seryoso ang anyo nito kahit nakatalikod.
Bitbit pa rin ang rosas ay marahan siyang lumakad palabas ng verandah. Muli siyang napasinghap. Pati pala roon ay may romantic set up na inihanda si Bryce.
"Tatayo ka na lang ba diyan?"
Oh... that very manly voice. It always made her shiver.
Umikot itong paharap sa kanya na seryoso pa din ang anyo. Nakapamulsa pa rin. Hindi na niya napigilan ang sariling dambahin ito ng mahigpit na yakap. She felt him stiffened for a while pero gumanti na rin ng yakap maya-maya. She let herself savor this moment now that she's in his arms. His warm embrace really felt so good. They can stay like this forever. How she wish they will.
"Happy anniversary." Bulong nito sa kanya.
Maluha-luha siyang nag-angat ng tingin dito at nananatili pa ring nakayakap ng mahigpit. Ayaw niyang mawala sa init ng katawan nito kahit isang segundo lamang. Did she heard it right? Nangyayari ba talaga lahat ng ito ngayon? Hindi ba siya nananaginip lang?
"Aren't you gonna say anything?" May iritasyon na sa tinig nito at nakakunot na naman ang noo.
"H-happy anniversary..." Naiiyak niyang sambit. Naluluha siya sa sobrang kaligayahan. This is the very first time that they celebrated their anniversary. The day they sealed their agreement.
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...