3-Safehouse

4.7K 130 1
                                    

CF's

(SPG)

Being with him once again is a treasure for her. Though for him, her presence is not welcome at all.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng condo unit na pagmamay-ari nilang dalawa. Medyo maalikabok na ang kanilang mga gamit doon dahil dalawang buwan na rin noong huli silang narito.

"Your father wants to see us next week. Clear your schedule." He said flatly while plugging the refrigerator. Hindi man lang siya tapunan ng tingin.

Birthday ng dad niya next week at palagi nitong nire-request na dumalo sila ni Bryce.

"Okay. Nagsabi ba siya ng gusto niyang iregalo natin?" Nakangiti niyang tugon kahit kinakabahan siyang kausap si Bryce. He's very intimidating. At kahit ilang taon na niya itong kilala ay hindi pa rin mawala-wala ang nerbiyos niya sa tuwing nasa malapit ito. Yung tipong kahit tatlong building ang layo nito sa kanya ay ramdam pa rin niya ito.

Habang hinihintay niyang sumagot ang binata ay pinagpagan niya ng alikabok ang sofa. Hindi naman iyon gaano karumi kaya madali lang linisin. She mentally note to herself to hire a cleaner tomorrow.

"You wouldn't wanna know what he wants for a present." Sa wakas ay sumagot ito makalipas ang dalawang minuto. Akala niya tuloy ay nagtanong lang siya sa hangin kanina.

Sasagot din pala. Tss. Gwapo nga tamad naman magsalita.

"What my dad wants this time, huh?" Siyempre nakangiti pa rin siya. Hindi niya pwedeng sabayan ang pagka-aburido ng binata na animo galit sa mundo lagi. Gusto na rin kasi niyang magpahinga at ayaw na niyang makipagtalo pa dito.

"Can you stop smiling, woman! Walang nakakatuwa sa mga sinabi ko." Singhal nito sa kanya.

See? Galit talaga sa mundo. Pati pag-ngiti ko pinupuna. Haisst.

Pero sinunod niya pa rin ang gusto ng mahal na hari. Ginaya niya ang poker face look nito bago nagsalita.

"Sabay ba tayo ng flight next week?" She asked though she already knew the answer.

Bryce sarcastically laughed.

"Now you're being funny. Mag-isip ka nga." Muli nitong singhal. And he make face.

Kala mo 'di lalaki kung makairap si Sir ah.

Daig pa siya. Napahilot siya sa sintido dahil wala na siyang nakuhang matinong sagot dito. Sabagay, kelan nga ba siya kinausap ng matino ni Bryce. Palagi lang kasi itong pabalang sumagot sa mga tanong niya at madalas ay nakasinghal. Except may ibang tao silang kasama.

"Kung wala ka ng ibang sasabihin, Sir. Magpapahinga na 'ko. Maaga pa 'ko bukas. Dito na lang din ako matutulog. I don't think I can drive at this state." Pagal niyang saad saka walang paalam na dumiretso sa silid niya.

Pero bago pa man niya mapihit ang seradura ng kanyang pintuan ay may magaspang ng kamay ang humigit sa kanyang braso.

Napangiwi siya sapagkat medyo masakit ang pagkakahawak ni Bryce sa kanya.

"What?" Nauubos na ang pasensiya niya sa lalaking ito.

"Don't you dare use that tone on me, woman. At sino ba kasi ang may sabi sa'yong mag-pole dancing ka sa The Club 2Gs at ibilad ang katawan mo! And you just wore a fucking two piece! Wala ka na ba talagang natitirang hiya sa katawan mo, ha!?"

Naputol na ang pisi ng kanyang pagtitimpi. She slapped him hard. Namuo din ang luha sa kanyang mga mata sa walang habas nitong mga paratang sa kanya.

Tila naman natauhan si Bryce at bahagyang lumambot ang ekspresyon sa ginawa niya. A lone tear fell from her eyes. Marahas niya iyong pinahid.

"Tell me. Kelan ba kayo magiging proud sa mga accomplishments ko? You have no idea, Bryce sa mga pinagdaanan ko bago ka pa pumasok sa eksena. All my life! I am doing what will make my family happy. Lahat ng gusto nila sinunod ko. Even this fucking set up that we have!" Sigaw niya rito.

DKRCS: Mr. CEO's Kept WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon