BM's
Nangingiti si Bryce habang pinagmamasdan ang mga litratong kuha ni Steven Lo sa kanyang asawa.
"Ano, wala ba man lang 'Excellent job, Steven!' diyan?" Buska sa kanya ng lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin. Kung hindi lang talaga sa pagiging secret agent nito nunca siyang hihingi ng tulong sa bwisit na 'to.
"Tignan mo 'to. Siya na ang tinutulungan sa asawa niya." Bubulong-bulong nitong sabi.
"Nagrereklamo ka yata, Mr. Lo. Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa pamilya ko--
"May iba ka pa bang gustong ipagagawa sa'kin, Sir Maverick?" Mabilis nitong putol sa kanya.
Sumandal siya sa swivel chair at nakapa-dekwatro ng upo.
"I want to see my wife. In person. Is that possible?" Alam niya ang posibleng banta kung sakaling magkikita sila.
He knew everything her evil mother did. Ayon kay Steven ay kung anu-anong kasinungalingan ang pinagsasabi nito kay Colette kaya hindi ito pwedeng pagkatiwalaan lalo at karelasyon nito ngayon si Ronaldi Quevas na sangkot daw sa ilang kasong tinututukan ng FBI. And that only mean one thing. Danger.
Pero hindi lang ang kapahamakang dulot ng kanyang ina ang iniisip niya. His family is continuously receiving death threats. Ayaw niyang madamay pa si Colette sa makakatanggap noon. Kaya kailangan niyang maging maingat. At labag man sa kalooban niya, si Steven lang talaga ang malalapitan niya sa bagay na iyon.
"Your wife will decide about that." Sagot nito.
"Then tell her now." He impatiently hissed.
At kahit halatang hindi nagustuhan ni Steven ang asal niya ay sinunod pa rin siya nito. Tinawagan nito si Colette at kinausap. Kinakabahan siya sa magiging sagot ng asawa. At parang gusto niyang maglulundag nang mag-okay sign si Steven.
"Thanks." Labas sa ilong na pasalamat niya. Umingos lang naman ito pero nag "you're welcome" naman.
"Ano na ang development sa kaso ni Dad?" Tanong niya kapagkuwan.
Kinuha nito ang laptop niya at may isinaksak na flash drive doon. Pagkatapos ay iniharap sa kanya. He scrolled down Steven's report and his propositions on how to deal with his father's case.
Nasangkot na naman kasi sa gulo ng mga Vergara at Gonzalez ang kanyang ama. Ang dalawang magkalabang political family. Kamakailan lang ay nagulo ang mundo nilang lahat nang malaman na napasakamay ng mga Gonzalez ang kaibigan niyang si Juanczo at ang ama nito. Nadamay pa si Stevie na nobya ni Juanczo. At dahil kapartido ng kanyang senador na ama ang mga Vergara pati ito ay nadamay sa galit ng mga Gonzalez.
Kung anu-anong iskandalosong mga issue ang pinaglalabas ng kampo ng mga ito. They want to framed his father up. But he won't let that happen. But then again, walang siyang pagpipilian kundi ang lumapit kay Steven Lo kahit sukang-suka na siya sa pagmumukha ng lalaki.
"I already put everything that you need there." Itinuro nito ang binabasa niya sa laptop. "Pero hindi ko magagawa 'yan hangga't wala sa mga kamay ko ang ebidensiyang--
"Ginagawan ko na 'yon ng paraan." Putol niya.
"Parang sinabi mo din 'yan nung huli tayong nag-usap. That was one week ago na ah."
Tinignan niya ito ng matalim. Gustong-gusto na niyang basagin ulit ang mukha nito pero nagpigil siya. He needs Steven. Madami na din itong naitulong sa kanya lalo nitong mga nakalipas na buwan. Ito ang nagsilbing tulay nila ni Colette. He sighed. Excited na siyang makita ang asawa.
"I am willing to help you with the information you need, Mr. Lo. But at the same time, I want you to promise... that you, will look after my sister while I'm gone." Kalmado na niyang wika pero sa tono maawtorisado.
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...