11 - Heavy Hearts

3.8K 93 0
                                    

CF's

( Please play the song on the media above while reading this para mas feel na feel niyo yung moment ni Bryce at Colette. )

Hindi niya alam kung anong oras na siya dinalaw ng antok at nakatulog. Basta naramdaman na lang niya na may yumakap sa kanya mula sa likuran. Amoy alak ito. It's almost four in the morning, the clock says.

Nagbaba siya ng tingin sa brasong nakayakap sa kanya. She took the courage to put it away from her but Bryce didn't let her. Mas lalong humigpit ang pagyapos nito. No matter how much she wanted to feel his warm embrace now, she shouldn't be. Hindi iyon makakatulong sa plano niyang paglayo.

Sinubukan niya muling kumalas sa yakap nito.

"Don't push me away, please babe." He muttered and nuzzles his face on her neck. Giving her tiny little kisses there.

She fought the urge to respond.

"Stop it, Bryce--

"No!" He spat. "You're not going away. Please, pag-usapan natin 'to." He's voice is almost begging.

She heard him sniffing. Wait. Is he crying?

Parang natunaw naman ang kanyang depensa nang masigurong umiiyak nga ito. He's silently crying. Lumuwag na rin ang pagkakayakap nito. Nakasubsob ito sa kanyang likuran. Patagilid ang kanilang higa. Hinayaan na lamang niya ang ganoong posisyon nila. Magpapakulong siya sa yakap nito sa huling pagkakataon.

"We failed." She whispered. Enough for him to hear.

"I'm s-sorry." He sobbed.

"You p-promised to make things w-work, right?" She immediately wiped her tears. "And you d-did. But... b-but you didn't get there." She hardly suppressed her sobs.

She appreciated Bryce's effort. Nakita naman niya ang mga ginawa nito noong mga panahong masaya pa sila. But aren't they supposed to be with each other for better or for worst? Naging taga-salo lang siya ng mga frustrations nito at galit sa mundo. Paano naman siya? She's already losing herself kaya hangga't maaga pa, bibitaw na siya.

"I think.. it's time for us to give ourselves a break." Hirap na hirap siyang banggitin iyon. Pero kailangan.

Napabangon ang kanyang katabi.

"W-what do you mean?" Her husband's voice sounds scared.

Bumangon na rin siya. She gain all her strength to speak.

"Let's end this."

Those words... Sobrang hirap bigkasin. At mas lalo siyang nahihirapan sa ipinapakitang anyo ng kanyang asawa ngayon.

"Iiwan.. iiwan mo na 'ko? Can you.. can you hold onto me a little longer? Please, babe. Don't leave me. Huwag mo naman akong bitawan oh. Huwag ka naman sumuko, oh. Nangangako ako, hindi na mauulit ang nangyari kanina--

"Puro na lang pangako, Bryce eh. Yan ang hirap sa'yo alam mo ba 'yon? Mangangako-ngako ka but in the end ako ang nga-nga. Bryce, iniwan ko ang supposed life ko sa US to be with you. Alam mo ba kung bakit? Kasi mahal kita." Bryce looked surprised on her sudden confession. "H-hindi lang dahil sa spoiled brat ako katulad ng sinasabi ng mga m-magulang ko. I fell in love with you the v-very first time I saw you talking with my father." Tuloy-tuloy ang agos ng luha niya. Si Bryce ay nakatulala lang sa kanya. "M-mahal na kita noon pa man. Bryce, kumapit ako. Umaasa kasi akong balang araw masusuklian mo 'yon. But I guess umasa lang ako sa wala."

Bryce hugged her tightly after what she said.

"I'm sorry. I'm sorry. Baby, I'm sorry." Paulit-ulit nitong sambit.

DKRCS: Mr. CEO's Kept WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon