7-Agreement

4.3K 113 1
                                    

BM's

[Parang napapadalas na yata ang meeting mo sa J Corp. And the weird thing is that you and Colette. Palagi kayong magkasamang sabay na nawawala.]

Napakamot siya sa kilay sa narinig na sinabi ni Klyde sa kabilang linya. Umandar na naman ang pagkatsismoso ng presidente nila. At wala naman sana itong maiintriga sa kanya kung hindi rin nagtsismis dito ang pinsan nitong si Darius. Ito kasi ang pilotong nagdala sa kanila dito sa Arizona.

I swear, I'm gonna kill that bastard, Darius!

Sumakit tuloy bigla ang ulo niya. Pero kasalanan din naman kasi niya. But he left with no choice kundi isabay na si Colette sa kanya dahil may iniinda ito sa katawan na siya ang may kagagawan.

[Is there anything you wanna share with me, bro?]

Giit pa ni Klyde sa kabilang linya at halata sa tono ng pananalita nito that he is fishing out information. Tama ng si Darius ang nakakaalam na siyang isang katangahan sa part niya dahil sa lahat ng pwedeng mahingan niya ng tulong ay sa tsismoso pa na 'yon. But he made sure na hindi ito magsasalita tungkol sa kung ano ang meron sila ni Colette. Bakit? Dahil alam niya ang nag-iisang kahinaan ng isang Darius Klatten.

He smirked with that thought.

"Hindi pa ba nagsabi sa'yo ang gunggong mong pinsan?" He asked making sure if Darius already betrayed him.

[Magtatanong pa ba 'ko kung may sinabi na 'yon?]

He smirked again. Good job, Darius.

He then cleared his throat at mabilis na nakaisip ng isasagot.

"The old Jones requested me and Colette to attend his birthday..." Which is true. "...at may mga potential inventors siyang gustong ipakausap sa'kin. So, who am I to decline such an amazing opportunity, right?" True again. "And about me and Colette na lagi kamong magkasabay na nawawala, nagkataon lang 'yon, okay? Yes, there maybe times na magkasama nga kami, but that's pure business. Siya ang kinatawan ng company nila, if you still remember." Half truth, half lie. At nakakunot-noo siya habang nagpapaliwanag. Naiirita siya sa pakikielam ng presidente nila.

Klyde chuckled on the other line. He's hoping that he convinced him dahil kilala niya ito. Madali itong makahalata.

[Okay. Sabi mo eh.]

What the fuck?

Mukhang hindi ito naniniwala ah. Ang alam lang nito at ng iba ay kasosyo niya ang mga Jones sa negosyo. But what they didn't know is the secret they've been hiding ever since Colette pursued her dreams in the Philippines.

"You know what, Mr. President. Bahala ka na sa gusto mong paniwalaan. Tutal naman matagal-tagal tayong hindi magkikita." Naiirita na niyang sabi. Naalala niya kasi ang pagkakasuspinde niya sa DKRC noong makipag-away siya kay William Alonzo.

Naalala na naman tuloy niya si Gabbrielle. Nope. He's not broken hearted. Maybe it's just his ever high ego na sadyang ayaw magpatalo at pumayag na may bagay siyang ginusto na hindi niya nakuha. Yes. He likes Gabbrielle Mendel. Very much. Mas nauna niya itong nakilala kaysa kay William.

Kilala na niya ang dalaga bago pa man ito maging manager sa DK Coffee Shop dahil best friend ito ni Beialeigh at close din sila ng dalaga. He actually planned on courting her but William entered in the picture at naitsapwera na lang siya basta. At 'yon ang hindi niya matanggap-tanggap.

DKRCS: Mr. CEO's Kept WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon