21 - Shocking Revelations

3.8K 96 3
                                    

BM's

"Are you sure it's okay na andito ako sa bahay niyo? Pwede namang doon na lang ulit ako mag-stay sa condo natin." Giit ng asawa niya. Kanina pa nito iginigiit ang bagay na iyon. Nahihiya daw kasi ito sa Daddy niya at kay Beialeigh.

They're still in his room. Ilang oras na siyang gising pero mas gusto niyang manatili muna sila doon ng kanyang asawa. Nagpahatid na lang din siya doon ng pagkain nilang dalawa.

"Sinabi ko na sa'yo, baby. There's no way I'll let you out of my sight. Specially now that your carrying our child." He hugged her from behind and kiss her soft cheek. Ang kamay niya masuyong hinahaplos ang maimpis pa rin nitong tiyan.

Sobra-sobra ang kaligayahan niyang nadarama ngayong nagdadalang-tao muli si Colette. At nangako siya sa sarili na hinding-hindi niya ito pababayaan upang hindi na maulit ang nangyari dati. Ayaw na niyang makitang masaktan ng sobra ang asawa. He can handle his own pain but seeing his wife in pain is another story. Hindi niya iyon kaya.

Noong una ay hindi niya akalaing posible pala na makaramdam siya ng ganoong sakit. Yung hindi naman talaga ikaw yung mismong nasaktan pero mas ikaw yung nasasaktan para sa taong yun. Higit sa lahat, hindi niya inaasahang magmamahal siya katulad ng pagmamahal niya sa kanyang asawa. Yun bang handa kang saluhin lahat ng nakaambang panganib para sa taong mahal mo. Yung kahit ilang minuto mo lang siyang hindi makita, aligaga ka na at miss mo na siya agad. Yung nakahanda kang gawin ang lahat makita mo lang siyang masaya kasi triple ang kasiyahang balik no'n sa'yo.

Dati ay sinabi pa niya sa sariling hindi na ulit magkaka-interes pa sa isang babae. Pakiramdam kasi niya noon, lahat ng mga babae ay katulad ng kanyang ina. Na pera at luho lang ang habol sa kanya.

Lihim siya napabuntung-hininga. Tunay ngang napaka-hiwaga ng pag-ibig. Hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang napapamahal kay Colette. They both love each other. And that made him feel the luckiest man on earth.

"But--

"No buts, okay. At kung ano man ang mga nasa isip mo ngayon. Stop it already, baby. Please let's not argue about you living here. Bahay mo na rin 'to, so wala kang dapat alalahanin sa pagtira mo dito."

Nagpasalamat siya at hindi na ito kumontra pa.

"What happened nga pala sa sister mo? Bakit siya naka-hospital?" Bukas muli nito ng usapan maya-maya.

He sighed upon remembering what happened yesterday. It was hell. Chaotic. Akala niya ay kung napaano na si Beialeigh.  Hindi kinaya ng kanyang kapatid ang masamang balita tungkol kay Steven Lo.

"She's pregnant at malapit na siyang makunan kahapon." Siwalat niya sa asawa.

Colette made a loud gasp. Napabangon pa ito sa higaan sa labis na pagkagulat sa sinabi niya.

"Yes. Beialeigh's pregnant too. Pareho kayong buntis ng kapatid ko." Pagkumpirma pa niya.

"B-but-- how? Ang sabi mo sa'kin noon wala naman siyang boyfriend." Hindi makapaniwalang saad ng asawa niya.

Gusto niyang mapangiti sa reaksiyon nito. Ang cute kasi nito lalo. Hindi niya pinigil ang sarili na pindutin ang matangos nitong ilong. Saka niya ipinaliwanag ang lahat.

"You know Steven Lo, right?" Colette nods her head.

"He's the boyfriend?" Her eyes widened in shock.

He shook his head. "He's the husband."

"What!?" Halos pasigaw ng sambit ng kanyang asawa.

"It turns out that they married secretly-- like what we did." He chuckled a little. Magkapatid nga sila ni Beialeigh.

DKRCS: Mr. CEO's Kept WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon