(Nobody: Ay, finale na agad?
Me: Opo. Finale na agad. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw ng marami pang paliguy-ligoy. Haha.)BM's
"How's your wife's pregnancy?"
Ikinagulat niya ang tanong na iyon ng ama niya. Hindi siya agad nakahuma. Natawa naman ang senador sa naging reaksyon niya.
"I.. I'm so s-sorry, dad. It's not my intention to hide it from you." Nagi-guilty niyang sambit.
Umupo ang kanyang ama sa katapat niyang upuan.
"I understand, anak. Ginawa mo lang naman ang bagay na 'yon para sa kompanya natin. You saved our company back then." Wala siyang anumang nahihimigang galit o pagtatampo sa tinig ng senador na ama bagkus ay pasasalamat pa dahil sa kanyang nagawa. He sighed for a relief because of that.
"Kailan mo pa alam, dad?" Nahihiya niyang tanong.
The senator chuckled again.
"Actually, pinaplano mo pa lang ay alam ko na, anak." Tugon nito.
Napailing siya. May hinala na siya kung sino ang whistle blower niya.
"Sarah told you." He stated.
Tumango ang senador.
"Kahit sa'yo na nagtatrabaho si Sarah, na sa'kin pa din ang loyalty niya. Sa kanya ko din nalaman na magkakaapo na rin pala ako sa'yo. Sa kanya ka daw kasi humingi ng tulong noong pina check-up mo si Colette."
"Tss." Iiling-iling na lang siya. Well at least hindi na pala siya mahihirapang magsabi sa dad niya.
"Akala ko nga noong isinama mo dito sa bahay ang manugang ko ay sasabihin mo na sa'kin sa wakas but instead, you introduced her as your girlfriend."
"I'm sorry about that. That's.. that's just not it." Nagyuko siya ng ulo. Sobra talaga siyang nagi-guilty sa ginawang paglilihim.
"It's okay, my son. I'm still proud of you. Kayo ng kapatid mo. Besides you just did what you thought what's right for you and your wife." Nakangiting sambit ng senador.
He stood up from his seat and pulled his father for an embrace.
"Thanks, dad." Emosyonal niyang saad.
Sa dami ng pinagdaanan nila, ito, ang kapatid niya at asawa niya ang pinaghuhugutan niya ng lakas.
Tinapik ng senador ang kanyang balikat pagkatapos ay nagpaaalam ng babalik na sa Malacañang Palace.
Matapos ang pag-uusap nilang mag-ama ay nakatanggap siya ng napakahalagang tawag mula kay Steven.
["I got them."] Bungad nito.
Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Ibig sabihin ay maaari na niyang ituloy ang kanyang mga plano.
"Good. You know what to do." Aniya na malawak ang pagkakangiti.
["For sure. Kailangan ko rin makabawi sa'yo eh."]
"No. Do that for my sister. Her safety is our most priority. Don't fail me this time, Walker."
["Yes, Sir."]
Tinapos niya na ang tawag at nagbuga ng hangin.
Finally.
Hindi lang ang kapatid niya ang magiging ligtas sa panganib. Lahat sila. Lalo na ang asawa niya't magiging anak.
Nahuli na ang nagpapadala ng death threats sa kanila. Ang mga may-ari ng BSW Channel.
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...