CF'S
"Have you heard the news, CF?" Basag ni sa kanyang pananahimik James habang ito ay nag-eedit ng ia-upload nilang episode mamaya sa YouTube channel niya. Siya naman ay katatapos mag-make up at buhok na lang ang aayusin. May tv guesting kasi sila ngayon para i-promote ang Dark Knights Riding Club. One of VMPH major sponsor.
Ilang oras pa lang siya nakakabalik mula US pero diretso na siya sa trabaho dahil sa two weeks niyang biglaang pagkawala ay natambakan na naman siya ng mga projects.
Si Bryce ay nauna ng umuwi sa kanya noong isang araw pa. Mainit na daw kasi ito sa mata ng mga DK member dahil sa palagiang pagkawala nilang dalawa ng sabay.
"What?" Tinatamad niyang sagot.
"Balik Pinas na daw ang mother dear nila Sir Maverick."
Napataas siya ng kilay sa narinig.
"You mean Senator Gamboa's ex wife? Beatrice?" Paninigurado niya.
"Eh sino pa bang nanay ni Sir BM. The mother of all gold diggers." Biglang singit Stevie na kapapasok lang sa kanyang dressing room kasunod si Odalie na hindi na naman maipinta ang pagmukha.
She didn't react. Pinagpatuloy lang niya ang pag-aayos sa kulot na kulot niyang buhok. Yes, wala siya pakielam sa nanay ni Bryce. Sa tv at magazines lang niya ito kilala. Hindi pa niya ito kahit kailan nakita ng personal.
"What happened to you, Oda?" Puna ni James sa kaibigan niya na nakabusangot habang nagse-cellphone sa katabi niyang sofa. Nilingon niya ito ng hindi ito sumagot sa halip ay inirapan si Stevie na halatang may pinag-dadaanan sa lungkot na nakabalatay sa mukha nito.
Nagkatinginan sila ni James na nagkibit na lamang ng balikat sa inasta ni Odalie. Tumahimik silang lahat pero maya-maya ay hindi na rin siya nakatiis dahil hindi siya sanay ng ganito. Sanay siyang naririndi sa ingay ng dalawa niyang kaibigan.
"Seriously, guys. Ano bang nangyari sa inyo?" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. Si Odalie at panay pa rin ang irap kay Stevie. "Stevielyne? Ba't ganyan ang mukha mo? May nangyari ba habang wala ako?" Wala siyang aasahan na sagot mula kay Odalie kaya si Stevie na lang ang kukulitin niya.
"I'm just stressed out and tired sa mag-asawang Jazon and Margaux. You know, we're helping Jazon to win his wife back and--
"Bwisit ka! Tell her the fucking truth kesa malaman pa niya sa iba." Nang-gagalaiting wika ni Odalie. Matalim pa rin ang mga tingin nito kay Stevie.
She gave Stevie a "what's going on" look. Naguguluhan na talaga siya sa dalawa. Humugot naman muna ito ng malalim na paghinga bago sinabi ang isang napakalungkot na balita.
"I'm leaving VMPH." Naiiyak nitong sabi.
Para siyang naubusan ng lakas dahil sa narinig. Bumagsak ang kanyang mga balikat. Si James naman ay hindi makapaniwala at pilit na inaarok kung pina-prank lang ba sila ni Stevie at Odalie. Pero maya-maya ay bumagsak na rin ang mga balikat nang mapagtanto na seryoso talaga ang dalaga.
"W-what about the concert?" Tumutulo na ang luha niya. Pinahid niya ito at tumabi na kay Stevie sa kinauupuan nito. Si Odalie ay umiiyak na rin na nakasubsob ang mukha sa mga palad. "S-saka bakit biglaan naman yata. A-ano bang nangyari?"
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...