CF's
She stayed with the Gamboa's for one week. Her family arrived the next week at kasama na niya ang mga ito ngayon sa Dark Knights Riding Club. Bryce let her use his DK Black Card for their expenses inside the premises of the club.
"I didn't know that a place like this exist in this country. Now I know why you consider Philippines your second home." Her father said while looking at the vast surrounding.
She thought that this day would never come because of their misunderstandings before. Hindi naman kasi lingid sa kanya na maging ang kanyang ama ay hindi aprubado ang pag-stay niya ng Pinas for good. Pumayag lang ito dahil sa agreement nga ng kaniyang pamilya kay Bryce.
"Thanks, dad. Thank you for coming here."
Sobrang saya niya sapagkat hindi na pinilit ng kanyang mga magulang ang gusto ng mga ito para sa kanya. Maging ang mommy niya ay mukhang tanggap na rin ang kanyang pag-aasawa ng maaga. Totoo nga ang sabi ng iba na once na nagkaapo na ang isang tao, mababago na ang mga pananaw nito sa buhay.
Ang ipinagbubuntis niya ang naging susi upang magbago ng mga pananaw sa buhay ang kanyang mga magulang. Susuportahan na daw siya ng mga ito simula ngayon. Kahit ano pang plano niya. Pero nangako naman siya na pagkatapos niyang manganak ay ipagpapatuloy na niya ang pag-aaral para makatulong sa mga negosyo nila.
"Paminsan-minsan kailangan din nating maglibang. Hindi puro trabaho." Masayang tugon nito sa deretsong tagalog.
"Wow, dad. Your tagalog is improving." Tuwang-tuwa niya namang saad.
"Siyanga pala, 'nak. Yung lola mo, nag-request na isama ka naman daw namin pauwi. The old woman misses you so much." Singit ng mommy niya na inaayos ang riding boots na suot. Magho-horseback riding ito at mga kapatid niya na nauna na sa DK Stable.
"I'll consult my OB muna, mommy if pwede ako magbyahe ng malayo. Pero kakausapin ko na din ang asawa ko about that. Miss na miss ko na rin naman si lola." Aniya.
"Sana payagan ka ng OB mo at alam mo naman ang lola mo, makita ka lang sumisigla na."
Nag-init ang kanyang mga mata sa narinig. Sana talaga payagan siya ng doctor niya. Doble-ingat na kasi ang kanyang ginagawa sa ikalawang pagbubuntis niya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa una niyang pagbubuntis. Hindi biro ang sakit na naramdaman niya noong makunan siya na parang halos buong pagkatao na rin niya ang nawala.
Few minutes later ay nagpaalam na kaniyang pamilya para mangabayo. Siya naman ay hinihintay ang pagdating ni Bryce. Susunduin daw siya nito para makapagpahinga na siya. Kung siya ay doble-ingat ang asawa niya naman ay triple ang ginagawang pag-iingat sa kanya.
Nagpasya siyang sumilong muna sa ilalim ng isang puno malapit sa kanya. Mayroong nakapaikot doon na wooden table and chairs. She seated and fished her phone out from her bag. She texted her husband telling him where she at para madali siya nitong makita.
Ilang beses siyang tumanggi na huwag na siyang sunduin at magpapahatid na lang siya sa mga DK staffs sa hotel room pero sadyang mapilit ang asawa niya. Nangangamba kasi siyang may makakita sa kanila na ibang tao. Iilan pa lang ang mga kaibigan ni Bryce na nakakaalam sa relasyon nila pero katulad ng mga Gamboa, ang alam ng mga ito ay girlfriend pa lang siya ng kanyang asawa.
Isa pa ay iniisip niya ang mga posibleng banta kung sakaling may masamang loob na makakita sa kanya kasama si Bryce. Ayaw niyang pati siya ay dumagdag pa sa poproblemahin nito kung sakali. Though her husband is always telling her that the security inside DKRC is very tight, hindi pa rin sila maaaring makampante.
Ang mga PSG na nagbabantay sa kaniya at sa pamilya niya ay nakapang-sibilyan muna ngayon upang hindi sila makatawag ng pansin. Siguradong maraming magtataka kung bakit PSG ang mga bodyguards niya. Nasa paligid lang naman ang mga ito at tahimik silang binabantayan ng kaniyang pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/255176561-288-k616269.jpg)
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...