CF's
Bryce immediately called her after learning what happened earlier. She had no idea who told him. Maybe it was Annabelle or one of the bodyguards.
She already took a pregnancy test and the two red lines confirmed that she's really pregnant. She happily showed her husband the PT kit through video call. Kinailangan pa nitong takasan ang mga kaibigan para magkulong sa silid nito upang makausap siya.
"You just made me the happiest birthday celebrant ever. Sabi ko, ikaw lang sapat na for my birthday. Pero may bonus pa palang regalo sa'kin. Oh I can't wait to be with you, baby. Magkakaanak na tayo!" Maluha-luha ang mga mata ng kanyang asawa habang nagsasalita. Hindi maitatanggi ang kasiyahan nito na nakaguhit sa napaka-gwapo nitong mukha.
Her eyes welled up too because of happiness.
"I can't wait to be with you too, my love. Uwi ka na, please. Miss na miss na kita agad." She said dramatically.
Bryce chuckled.
"Miss you more, asawa ko. Don't worry. Susubukan kong takasan ang mga tao dito."
But unfortunately, he didn't.
Hindi umuwi si Bryce nang araw na iyon. Sinusubukan niya itong tawagan ngunit hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya. Nag-aalala na siya ng sobra. Lalo pa't naulinigan niya si Sylvester na nagsalita kanina sa labas ng kwarto ni Bryce. Sylvester said to her husband that they had an emergency meeting and they need to talk.
Bago matapos ang pag-uusap nila ni Bryce kanina ay bakas ang pag-aalala sa mukha nito matapos marinig ang sinabi ni Sylvester.
Hindi siya mapakaling kanina pa palakad-lakad sa kanilang silid. Naisip niyang si Caleb ang tawagan dahil batid niyang magkakasama ang mga ito.
"Dammit!" Inis niyang saad nang pati si Caleb ay hindi niya ma-contact. She tried calling Sylvester too but only voicemail is answering her.
"Ano ba kasi'ng emergency 'yon?" Puno ng pag-aalala niyang sambit.
Nakatulugan na niya ang pag-aalala at nagising na lamang siya sa nag-iingay na cellphone niya.
Napabalikwas siya ng bangon. May kadiliman pa sa labas nang masilip niya sa bintanang nakabukas. Nakaligtaan pala niyang isara ang bintana sa sobrang pag-aalala.
Nahigit niya ang hininga nang mapagsino ang tumatawag. Mabilis niya iyong sinagot.
"Bryce! Bakit ngayon ka lang tumawag? I'm so worried." Naiiyak niyang bungad sa asawa.
["I'm sorry, baby. Something happened and I forgot to bring my phone with me. Kakauwi ko pa lang."]
Bakas sa tinig ng kanyang asawa ang pagkahapo.
"Is everything okay? You sound so tired."
["Yeah. Don't worry too much, alright? Everything's fine here. I just need to rest. Hindi na muna siguro ako makakauwi sa'yo, baby.]
"Gano'n ba?" Malungkot niyang saad. Ilang araw na naman kaya niyang hindi ito makakasama? She's starting to hate their situation again.
["Kaya ikaw na lang pupunta dito sa bahay."]
Her eyes widened in disbelief. Tama ba ang narinig niyang sinabi ni Bryce? Pupunta siya sa bahay ng mga ito sa Manila?
"Pero.. di'ba hindi naman alam ng mga kasama mo diyan ang tungkol sa'tin? How would I explain to them kung bakit ako nandiyan?"
Bryce chuckled. Tila naaliw sa mga tanong niya.
["Let me handle that, my wife. I miss you so bad and I badly want to see you now. Please, baby?] He begged.
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...