SPG
"Goddammit!"
Aligaga si Bryce habang hindi magkandatuto sa pagtatali ng kanyang kurbata. Sa tinagal-tagal na niyang nagsusuot bwisit na kurbata ay ngayon pa talaga ayaw makisama. Hindi niya makuha ang tamang ikot noon. May napanuod kasi siyang video tutorial sa YouTube kung paano mas madaling magtali ng kurbata. And he tried to do that. But fuck! Hindi niya makuha kung paanong naging simple ang nasa video tutorial na 'yon! Ang hirap gawin!
"Tang-ina ka! Diyan ka na nga!" Nabubwisit niyang hinaltak at itinapon sa sahig ang pobreng kurbata na nagkalukot-lukot na dahil nakailang buhol at ikot na rin.
Pabagsak siyang naupo sa pang-isahang sofa na nasa kanilang silid. Naiinis na tinignan niya pa ang necktie na parang tao iyon na kaaway niya. Maya-maya ay natatawa na siyang naiiling sa sarili. Napakabilis niya kasing mainis nitong mga huling araw kahit simpleng bagay lang. Madalas din siyang mahilo at mawalan ng gana. Masaklap ay palagi pa siyang inaantok kaya naaapektuhan na rin ang kanyang trabaho sa opisina.
"Naku, Ser Bryce. Ikaw siguro ang naglilihi. Napasa siguro sa'yo ni Ma'am Colette ang paglilihi niya. Dapat kasi, Ser hindi mo siya hinahatian sa mga pagkaing pinaglilihian niya. Ganoon daw ho iyon sabi ng Inang ko."
Nagbuga siya ng hangin nang maalala ang sinabi ng isa nilang kasambahay kanina. Noong una ay hindi siya naniniwala pero parang ganoon na nga ang nangyayari sa kanya. Nawala rin kasing bigla ang morning sickness ng kanyang asawa. Hindi na rin ito panay ang ungot ng kung anu-anong weird na pagkain. Totoo naman kasi na palagi siyang kasalo ng kanyang asawa sa pagkain. Kaso, sapilitan lang iyon! Ayaw niya lang kasing sumama ang loob nito sa kanya kaya kahit pangit ang lasa ng mga kinakain nito ay napipilitan din siyang kumain.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at sumungaw mula roon ang napakagandang mukha ng kanyang asawa.
"Mavy?" Nakangiti nitong saad habang nakadungaw sa may pinto.
"Yes, my love?" Malambing niyang wika.
Pumasok ang kanyang asawa at para siyang naglaway bigla nang makita ang suot nito. His wife is wearing a yellow two-piece bikini na lalong nagpatingkad sa makinis at maputi nitong balat. May nakasampay na puting roba sa balikat nito at halatang kakagaling lang sa tubig.
May pool party kasi ngayon sa kanilang bahay dahil ngayon ang first birthday ng kanilang anak na si Sharayah. Na mabilis ngang nasundan dahil magdadawalang-buwan na ngayong nagdadalang-tao si Colette sa pangalawa nilang anak.
"What took you so long?" Pinasadahan nito ang kanyang kabuuan. "Ready ka naman na pala."
Ngumuso siya at tamad na isinampay ang dalawang braso sa sandalan ng upuan.
"Nahihilo ka pa rin ba?" Malambing nitong tanong.
Napansin ng kanyang asawa ng necktie na itinapon niya sa sahig at pinulot iyon. "Bakit nasa sahig itong necktie mo?"
Pero tila wala siyang naririnig sa mga sinasabi ng asawa sapagkat nakatitig lang siya sa bawat imbay ng balakang nito habang naglalakad palapit sa kanyang kinauupuan. Pagkatapos ay umangat ang kanyang paningin sa malulusog nitong dibdib na naglalaman pa rin ng gatas para kay Sharayah kaya naman mas lumaki pa iyon kumpara noong dalaga pa ito. Bahagya ring bumilog at nagkalaman ang katawan ni Colette dala ng pagbubuntis ngunit nananatili pa rin ang nakakatulo-laway nitong alindog.
"Too delicious for my sight." Wala sa sarili niyang sabi. His dreamy eyes are never leaving his wife's body movements.
"Mavy."
God! His wife is really a goddess! The water droplets on her skin is making her even more fvckable. Wala itong anumang kulorete sa mukha at nakapusod lang ang kulot na buhok ng messy bun but damn! Hindi niya talaga mapigilang pagnasaan ang kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
DKRCS: Mr. CEO's Kept Woman
RomanceComplete | R18 | SPG | MATURE CONTENT Bryce Maverick Gamboa She always loved him, but he doesn't love her back. She gave him all of her without expecting in return. He keeps her as his dirty little secret. She loves him so damn much that it hurts. S...