10 - Changes

3.6K 116 1
                                    

CF's

Two days before the concert with a cause at Dark Knights Arena.

Pabagsak na initsa ni Colette ang sarili sa sofa. Puspusan na ang paghahanda nila para sa concert. She's exhausted.

"What the hell is this?"

Napapitlag siya sa lakas ng boses ni Bryce. Ibinalibag nito sa kandungan niya ang cellphone nito. Napaigik siya nang tumama iyon sa kanyang buto sa tuhod. Agad din na nag-init ang kanyang ulo. Ganito na ang naging routine nila lately. Nawala na ang paglalambing nito sa kanya. And she has no idea why.

"Ano bang problema mo!?" Pasigaw niyang ganti. Pagod na siya sa kaka-rehearsal ay ganito pa ang trato ng asawa sa kanya. Ilang araw itong hindi magpapakita saka bigla na lang lilitaw sa condo nila nang galit na galit.

"Ikaw! Ikaw ang problema!" Muli nitong sigaw. "I told you not to do it, right? Pero sinunod mo pa rin ang gusto mo. Bakit ba napakatigas ng ulo mo?" Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga kamay. Namumula ang mukha sa galit.

Tinignan niya ang cellphone kung ano ba ang ikinagaglit nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. It's a stolen shot of her and his mother-- whom he loathed very much.

"I... I..." Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya kahapon. Sinabihan na siya ni Bryce na huwag nang makipagkita pa kay Beatrice pero hindi niya ito sinunod.

"You know what, your parents are right about you. Hindi ka talaga nag-iisip ng maayos! Padalos-dalos ka lagi sa mga desisyon! Look at you now. Isa ka lang dancer dito sa Pinas where you can be the next president in your company. Ni hindi ka nga naka-graduate ng college."

Lalo siyang nag-init sa ginawa nitong pang-iinsulto. Isang malakas na sampal ang iginawad niya dito. Parang hindi naman ito makapaniwala sa ginawa niya. Punong-puno na talaga siya. Their relationship is getting toxic and toxic each passing day.

"How dare you insult my way of living? Huwag mong nila-lang ang pagiging dancer ko ng VMPH because it's my profession! At ano bang kinalaman no'n sa pakikipagkita ko sa mother mo, ha?" Nanginginig sa galit niyang ani. Pero tila mas nagliyab pa ang galit nito dahil sa sinabi niya.

Mabilis itong lumapit sa kinauupuan niya. He grabbed her forcefully. His hands on her neck. Almost choking her.

"That. Woman. Is. Not. My. Mother! You understand!" May diin sa bawat bigkas ng mga salita nito. His eyes is burning with madness. Mas lalong humigpit ang pagkakasakal nito sa kanya.

Natakot siya. This is the first time he laid hands on her.

"B-bryce... you're... choking me... ca-can't b-breathe."

Tila natauhan naman si Bryce na mabilis siyang binitawan. Parang hindi rin makapaniwala sa nagawa. She knew her husband has an anger issues pero hindi niya alam na aabot sa ganitong punto na pati siya ay magagawa na nitong saktan.

Wala na. Tuluyan na yata silang masisira ng kanyang asawa. Akala niya ay magtutuloy-tuloy na ang kanilang magandang samahan. What went wrong? Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas na ang kanilang pagtatalo even in the simplest thing. Napakabilis mag-init ng ulo nito. At first she thought that he might be just stressed out from his work dahil kabi-kabila ang problemang kinahaharap ng pamilya nito. Pero maging ang personal na niyang buhay ay nadadamay na.

Nanlalambot siya muling napaupo sa sofa. Si Bryce ay nakasandal sa pader na nakatingala ang ulo. Mariin itong nakapikit. Panaka-naka ay napapasuklay ito sa buhok.

Napahikbi siya. Tinignan niya ang mga palad na hindi niya namalayang nanginginig na pala. Her whole body is trembling too.

Ganoon na ba kalala ang kanyang nagawa para tratuhin siya ng ganito ng kanyang asawa? Now she regretted her decision for disobeying her mother.

"I'm telling you, Franchezca. Wala kang mapapala sa Pilipinas. You know the right thing to do but you still choose to be with your... your husband."

"Here we go again, mommy. Are we really talking about this now. It's dad's birthday for Pete's sake." She hissed. Alam na kasi niya kung saan tutungo ang usapan nila.

"No. Listen to me, you ungrateful brat. Finish your studies and do your part in our family. Malapit na tayong maubusan ng mga pinsan mo. Tira-tira na lang ang mapupunta sa'tin kung magpapakabobo ka pa rin sa lalaking 'yon."

Tinamaan siya sa sinabi ng ina. But that doesn't mean na magpapagamit siya dito para lang mas malaki ang makuha nilang share sa ari-arian ng mga Jones.

"Hindi lang naman ang asawa ko ang dahilan ng pag-stay ko sa Pinas, mom. You knew that. I love my job there. I love to dance. And the corporate world, it doesn't suit me." Sinubukan niya pa ring magpaliwanag kahit alam niyang wala siyang magagawa para maintindihan siya ng ina.

Halatang nauubusan na ng pasensiya ang mommy niya. Pero nagpigil ito dahil maraming tao.

"Anak, I'm not doing this because there's a clout behind it. I'm doing this for your future. Para sa inyo ng mga kapatid mo. Para sa mga magiging anak mo someday."

Natahimik siya. Sa totoo lang ay nakokonsensiya na rin siya dahil pakiramdam niya napakamakasarili niya. Her parents are good in manipulation kaya nga naging asawa niya si Bryce. Pero tutol doon ang mom niya. Masiyado pa daw siyang bata para gawing collateral. But she insisted. She wanted to chase her dreams without her parents' telling her what she has to do.

She found marrying Bryce Maverick Gamboa a ticket to escape her parents' manipulation.

"Alam mo bang gusto ng magkaapo sa inyo ng dad mo?"

Tumango siya.

"Wanna know why?"

Nang-aarok ang kanyang mga tingin. Nasabi na iyon ni Bryce sa kanya.

"Your father wanted to have a heir dahil nakikita niyang wala kang interes sa negosyo. Na baka sakali ang magiging anak niyo na ang susunod sa mga yapak niya."

She can't believe what she's hearing. Pati ba naman ang magiging anak niya?

"No, mom. Hindi ko panghihimasukan anuman ang gustuhin sa buhay ng magiging anak namin ng asawa ko." Lumingon siya kay Bryce na seryosong nakikipag-usap sa dad niya.

"Ugh! You're a hopeless case, Colette Franchezca." Her mother exclaimed. "Hindi aasenso ang mundong 'to kung lahat ay katulad mong mag-isip. You should go out there and be a warrior. Hindi lahat aayon sa gusto mo. Hindi lahat magiging mabuti sa'yo kaya kailangan mong lumaban. Madudurog ka, anak. That kind of perspective you have will surely crush you in the near future. You need to be tough and brave enough to conquer this chaotic world, pero kailangan mo ng matitibay na sandata. At hindi mo iyon makukuha kung mananatili ka lang sa likod ng asawa mo."

Her mother was right after all. She thought that she's already living her dream. May maayos siyang trabaho kaya hindi na siya umaasa sa kanyang pamilya. At may asawa siyang kahit moody ay sweet din naman. Pero ngayong tila nagbago na ang lahat sa pagitan nila ng kanyang asawa?

Kakapit pa ba siya? Kaya pa ba niya? ang isip niya gusto ng sumuko pero ang puso niya ay hirap na hirap magdesisyon. Pero naniniwala siyang kailangan niya ng oras para sa sarili. She need a breather. At magagawa lang niya iyon kung malayo siya kay Bryce.

Inipon niya ang kanyang lakas at tumungo na sa kanilang silid. Hindi na niya tinapunan pa ng sulyap ang asawa.

She did her nightly routine the fastest way possible so she can rest immediately. She's exhausted physically and emotionally. Humiga siya sa kama at binalot ang sarili ng blanket.

But the pain is unbearable. She sobbed. Nagpaplano na kasi siya ng magandang gagawin paggising. She's planning to leave their safehouse. For good. Her efforts to make things work in their relationship just got wasted.

Hindi niya nagawang mahalin din siya ng asawa. And worst magkakahiwalay pa sila sa ganitong paraan. It never crossed her mind that she will leave his side. But the truth slapped her hard and help her realized her worth.

You're right, mom. Hindi lahat umaayon sa gusto ko. Is this my karma for disobeying you? It hurts, mom. Sobra. And it's crushing me.








DKRCS: Mr. CEO's Kept WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon