Bonus Chapter: The Promise

201 5 3
                                    

Ximena's POV

Buwan na ang lumipas at sinagot ko na rin si David after seven months. Ngayon ang first monthsary namin at dahil summer, gusto naming icelebrate sa beach dahil si David daw ang nag plano nito. Sabi ko okay na kumain kami sa resto with just the of us pero nag matigas siya kaya wala na akong nagawa.

Nandito ako ngayon sa kwarto naming dalawa ni David habang nag-aayos ako ng gamit namin. Three days and 2 nights kaming mags-stay dito with our fam. Nauna na si David sa baba habang ako ay nag-paiwan para nga ayusin ang mga gamit namin. Habang nag-aayos ako ng gamit namin ay biglang pumasok si Xyriel. Close kaming dalawa dahil mula bata siya hanggang sa mag grade 10 ay ako ang kasama niya kapag wala sila Kuya at Jera.

"Oh, Xyriel. Why are you here? You should be with your Lolo and Lola." sabi ko sa kaniya kaya ngumiti siya.

"I want to go there with you, Tita. Wala pa sila Mommy and Daddy." nakangusong sabi niya kaya natawa ako at tinapos na ang ginagawa ko. Mahuhuli raw sila Kuya at Jera dahil may pinuntahan raw silang importante at baka mamayang gabi pa makakarating.

"Let's go na sa baba." sabi ko at pinauna siyang lumabas ng hotel room tsaka kami sabay na nag-lakad papunta sa elevator. Nang makapasok kami sa loob ay tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa baba.

Sabay uli kaming nag-lakad papunta sa mga kasama namin at niyaya ako ni Xyriel na tumambay kami doon sa may pool area kung saan walang tao dahil may gusto raw siyang itanong.

"Tita, before mo maging boyfriend si Tito David may mas nauna pa ba? Like your first boyfriend?" biglang tanong niya kaya natigilan ako at napangiti. Tumingin ako sa kaniya at tumango.

"Yes. Meron. Si KJ." sabi ko sa kaniya.

"Naabutan mo siya no'n kaso baby ka pa kaya siguro hindi mo na tanda." sabi ko sa kaniya at napa-tango naman siya.

"Tita, can you tell me a story on how did you met each other?" excited niyang tanong kaya natawa ako at tumango. Kwinento ko sa kaniya ang lahat kung paano kami nagka-kilala ni KJ at kung paano niya akong niligawan at sinagot.

"But KJ died because of leukemia a years ago," nakangiting sabi ko at tumingin sa papalubog na araw.

"Oh, I'm sorry, Tita Xi.." sabi niya kaya nilingon ko siya.

"It's okay. I already moved on." nakangiting sabi ko sa kaniya at bigla namang may umakbay sa akin kaya napatingin ako at nakita ko si David na nakangiti sa amin.

"Tito David!" masayang sabi ni Xyriel sa kaniya.

"Hello, there, two pretty girls." sabi niya kaya napasinghal ako at natawa.

"Xyriel, your Mom and Dad is already there and they're looking for you." biglang sabi ni David kaya napatango si Xyriel at pumunta na doon sa cottage kung saan nando'n nga sila Kuya at Jera.

"You enjoying here?" nakangiting tanong ni David kaya ngumiti ako at tumango.

"Of course I am. When I'm with you and my family, I am always happy." sabi ko sa kaniya at bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"Are you okay, babe?" tanong niya at nangunot naman ang noo ko tsaka siya tinignan.

"I am. Why?"

"Nothing. Happy first monthsary!" bati niya kaya ngumiti ako.

"Happy first monthsary. Gusto ko sa susunod na monthsary natin sa simpleng restaurant nalang tayo kumain ah? Kapag isang taon na tayo, travel tayo." nakangiting sabi ko at tumango naman siya.

"Sure why not? Basta request ng babaeng mahal ko." nakangising sabi niya kaya natawa ako.

"Tsh. Yabang." sabi ko at natawa nalang kami pareho.

"Tara na do'n." sabi niya kaya tumango ako.

"Mauna ka na. Susunod ako." sabi ko kaya tumango siya pero bago siya umalis ay hinalikan muna niya ako at pumunta na sa cottage namin.

Nagla-lakad lang ako dito sa tabing dagat habang nababasa ang mga paa ko dahil sa tubig. Tinignan ko ang paligid at lumalamig na ang simoy ng hangin dahil gabi na. Tumingin ako sa langit at nakita ang langit na puno ng bituin. Napangiti ako at nag salita.

"KJ, I know you can hear me," panimula ko kahit na walang KJ na sasagot sa akin. "I am happy now, finally. You're still my first love and will always be my first love. Hinding hindi ka mawawala sa puso ko, KJ. You're still here in my heart." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kalangitan at hindi mapigilang mapaluha.

"I miss you, My Attorney. I know you're happy for me. Don't worry, kapag nag-kaanak kami ni David at lalaki 'yon, sa 'yo ko ipapangalan para kahit wala ka na, parang nandito ka pa rin sa tabi ko. I love you always, Attorney KJ." 'yan ang mga katagang huling lumabas sa bibig ko bago ako pumunta sa cottage. Pag dating ko do'n ay nakangiti lang sa akin si David at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon