Chapter 02

233 14 0
                                    

Ximena's POV

"Kuya," pag tawag ko kay Kuya Xavi. Nandito kaming dalawa ngayon sa salas. Parehong may tinatapos na school project.

"Oh?" tanong nya nang hindi man lang tumitingin sakin at titig na titig sa kanyang ginagawa.

"Kasi kanina, nagka-usap kami ni KJ-" agad akong natigil sa pagsa-salita nang bigla syang lumingon sa akin.

Agad rin akong napa-irap dahil 'don.

"Anong pinag-usapan nyo?" nang-uusisang tanong nya.

"About his break-up with Ate Ella." sabi ko kaya nangunot ang noo nya.

"They broke up already? Bakit hindi ko alam?" tanong nya.

"Aba malay ko. Edi tanungin mo sya? Tss." singhal ko at kinuha na lahat ng mga gamit ko at pumunta na sa kwarto.

Pagka-tapos kong maligo, nahiga agad ako sa kama ko para mag basa nang libro. Stay awake agatha pa rin. Habang nagba-basa, nakasaksak ang earphones sa tenga ko habang nagpapa-tugtog.

The one that got away ang tugtog ko ngayon, nasa Epilogue na kasi ako at nainis ako sa pinili kong kanta dahil mas lalo lang akong naiyak kaya naman pagka-tapos kong basahin ay nag-hilamos uli ako.

Maya maya pa, bigla nalang nag vibrate ang cellphone ko. Senyales na may tumatawag kaya tinignan ko agad kung sino yung caller. Si KJ, syempre nakuha ko number nya sa fb acc nya. Tanga eh.

"Oh?" pag sagot ko.

"Xixi? Teka, umiyak ka ba?"

"Ano naman sa'yo? Tss."

"Grabe. Kahit sa telepono ang taray mo."

"Ano ba kasing kailangan mo? At paano mo nakuha number ko?"

"Kay Jera."

"Tss. Oh ano ngang kailangaj mo?"

"Kausap. Kailangan ko ng kausap ngayon."

Syempre, nangunot ang noo ko. Kailangan pala ng kausap tapos ako ang tinawagan? Siraulo yata 'to. Anong silbi nang pagkaka-roon nya ng best friend kung hindi sya doon magsa-sabi? Tss.

"Pwes, hindi ko kailangan ng kausap. Si Kuya, sya ang tawagan at kausapin mo." sabi ko at in-end agad ang call.

•¥•

"Hoy, Jera." pag tawag ko agad kay Jera nang maka-dating sa school.

"Hoy ka rin." ganti nya kaya inirapan ko sya.

"Bakit mo binigay yung number ko kay KJ?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Eh nag bigay ng food eh," kakamot kamot sa ulong sabi nya kaya napa-pikit ako ng mariin.

"Basta pagkain gagawin mo lahat eh." mataray kong sabi tsaka sya iniwan sa may batibot.

Pag pasok sa classroom, ganon uli ang ginawa gaya nang kahapon. Aral, quiz, aral, recitation, makikinig, magsu-sulat tapos makikinig uli. Nang mag lunch break, sabay uli kami ni Jera. Lagi naman.

Habang nakain, wala ulit naimik. Sanay na kami sa ganitong gawain. Gustong gusto naming kumain ng tahimik, tipong walang pakielamanan.

Halos sabay lang kaming natapos ni Jera na kumain kaya sabay rin kaming pumunta sa classroom. Sa pag pasok namin sa classroom, sinabi rin sa aming wala kaming klase ng first at second period kaya naman tuwang tuwa kami ni Jera.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon