Chapter 06

162 8 0
                                    

Ximena's POV

"Ba't ka aalis?" tanong ko kay Jera at ganon nalang ang gulat ko nang may luhang tumulo sa kanyang mga mata kaya agad nya iyong pinunasan.

"Hiwalay na sila Mommy't Daddy..."

"W-what? But why?" naguguluhan kong tanong.

"My Mom, cheated on my Dad. On us." she looked at me while crying.

Hindi madalas umiyak si Jera. Minsan lang sya umiyak kapag sobra na syang pagod. Kung makikita mo si Jera, lagi syang naka-ngiti at tumatawa na para bang wala syang problema sa mundo. Kaya naman kapag nakikita ko syang umiiyak, naiiyak din ako.

"Shh, stop crying and tell me what happened."

"Kaninang madaling araw lang. Nagka-gulo sa bahay. Nakita ni Daddy na may pregnancy test sa banyo nila ni Mommy at doon, nakita ni Daddy na may dalawang red line. She asked my Mom and my Mom told us the truth." Jera's voice broke so I hug her so tight.

"Shh, everything will be okay. Okay? I'm here for you. Be strong. I know na malalagpasan mo 'to." sabi ko habang naka-yakap sa kanya.

Hindi ako showy na tao. Pero pag dating sa best friend ko, nagiging soft nalang ako bigla. Siguro dahil matagal kona syang nakakasama? Jera is like a sister to me so I don't want to see her crying. Kapag umiiyak sya, nagagalit pa ako sa kanya but now? Hindi ko sya makuhang pagalitan dahil alam kong mabigat ang pinag-daraanan nya.

Ilang minuto ring nilabas sakin ni Jera yung sakit. Sinabi nya sakin na right after ng graduation, tsaka sila lilipad pa America. Ayokong malungkot pero hindi ko ma-iwasan. Ilang taon rin kaming mag kasama ni Jera eh. Pero wala akong magawa kasi para din sa kanya 'yon.

Gaya ni Jera, nag kwento rin ako sa kanya ng tungkol sa amin ni Kenzo. Nagulat sya nung sinabi kong ex ko si Kenzo at nanliligaw sya ulit. Nabatukan pa nga ako kasi ang rupok ko daw pero nung sinabi ko yung side ko, naintindihan nya rin ako.

"Sayang naman si Attorney Kj." aniya at bumuntong hininga kaya nangunot ang noo ko.

"Anong sayang?" tanong ko sa kanya.

"Ang sweet nyo kaya minsan,"

"Sweet ba yung parang aso't pusa kami araw araw?"

"Nako. Eh dyan nag-simula ang lolo't lola ko, Xixi." nakangising sabi nya. Nang-aasar.

"Hay nako. Ewan ko sa'yo. Tara nalang sa classroom dahil mag-sisimula na maya maya yung first period natin." sabi ko at sabay nga kaming pumunta sa classroom.

Pag dating sa classroom, sunod sunod at iba't ibang topic ulit ang napag-aralan namin ni Jera. Nang dumating ang lunch break, sabay kami ulit sa pag punta sa cafeteria. Ayaw naming lumabas. Pareho kaming tinamad.

Habang kumakain, nagba-basa basa parin kami kasi syempre. Mahirap yung wala kaming mai-sagot sa exam sa monday to friday. Pagka-tapos kumain, tapos narin kaming mag basa basa. Pag dating namin sa classroom, nalaman naming wala nanamang klase ng first at third period kaya kami ni Jera, doon uli sa tambayan naming dalawa.

"Ano palang kukunin mong course sa college?" tanong nya.

"Ewan ko. Siguro Bachelor Of Fine Arts nalang." sabi ko sa kanya.

"Under ba do'n ang pagp-photagrapher?" tanong nya.

"Yup."

"Kaya pala,"

"Yeah. Alam mo namang doon ako mahilig eh. Right?" tanong ko at tumango tango naman sya.

"Eh ikaw?"

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon