Chapter 18

130 7 6
                                    

Ximena's POV

"Love? Tara na huy! Ano pa'ng ginagawa mo d'yan?" natatawang tanong ni KJ sa akin at agad naman akong umiling tsaka naunang umalis.

Habang nagla-lakad ay narinig ko ang pag tawa ni KJ sa likuran ko pero hindi ko sya pinansin at dere-deretso pa ring nag lakad. Hindi naman 'yun 'yung first kiss pero bakit ganito? Tss.

Pag dating namin, bumili lang kami ng pagkain tsaka kinain 'yon. Habang nakain, wala pa rin akong imik. Maya maya pa, biglang nag text si Kenzo sa akin kaya napatingin ako kay KJ.

"Bakit?" tanong nya.

"Nag text si Kenzo. He needs me right now, love.." medyo kinakabahan ko pang sabi. Bumuntong hininga sya tsaka ngumiti at tumango.

Inubos lang namin 'yung pagkain namin at tsaka agad na pumunta sa hospital. Pag dating namin doon, may nakita kaming babae sa labas ng kwarto ni Kate. Malamang ay mga magulang nya 'to. Pag tingin ko naman sa kabilang side, nakita ko do'n si Kenzo na nakayuko at umiiyak.

Nilapitan ko sya at pagka-kita nya palang sa akin ay niyakap nya na ako. Tinignan ko si KJ at tumango lang sya tsaka sumenyas na lalabas muna. Hinayaan ko si Kenzo na umiyak sa balikat ko hanggang sa mahinto sya.

Pag tingin ko sa kanya, awang awa ako sa itsura nya. Kanina palang na pag dating namin, alam ko nang hindi maganda ang nangyari. Magsa-salita palang sana ako nang maunahan nya na ako.

"Kate left me already, Xixi." malungkot nyang sinabi iyon at tsaka muling umiyak.

"Shh. She did not leave you, Kenzo. And I know she'll never do that. Kate is here. Nasa malayo lang sya habang binabantayan ka. Don't cry, Kenzo. Just be happy kasi sa wakas hindi na sya maghi-hirap pa." sabi ko sa kanya at muli syang niyakap.

Habang inaayos ang mga bills sa hospital, isinama ko na muna si Kenzo sa amin ni KJ. Sinamahan namin sya sa bahay nila habang nakuha sya ng damit. Habang hinihintay namin ni KJ si Kenzo, biglang nag salita si KJ.

"Love, you can stay by his side." nakangiti iyong sinabi ni KJ kaya napangiti ako.

"Why are you like that?" tanong ko kaya nangunot ang noo nya.

"Why?"

"You're so kind. I mean, ex ko si Kenzo pero pinapayagan mo pa rin ako." sabi ko sa kanya kaya bumuntong hininga sya.

"I know that. Alam ko ring may posibility na mawala ka sa akin dahil nga ex mo sya pero hindi gano'n 'yung nasa isip ko. Alam ko namang hindi mo ako iiwan kaya kita pinapayagan. Alam ko rin na kailangan ka nya ngayon." mahabang sabi ni KJ tsaka ako niyakap.

Maya maya pa, dumating na si Kenzo kaya hinatid na namin sya sa bahay nila Kate. Nag paalam kami ni KJ sa kanya at sa mga magulang ni Kate na babalik nalang uli mamaya dahil kailangan pa naming mag palit ng damit.

Pag dating ko sa bahay, boses agad ni mama ang sumalubong sa akin.

"Paano mo sasabihin 'to kay Ximena?" umiiyak iyon na tinanong ni mama kay papa.

"Xander, paano mo nagawa 'to sa 'min?" umiiyak muling tanong ni mama kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mag salita.

"Ma, anong nangyayari?" tanong ko, bagay na ikinagulat nilang pareho.

"A-anak.." ani papa kaya lalo akong naguluhan.

"Ma?" pag tawag ko kay mama. Nang hilahin nya ako at ipaupo sa sofa ay nag salita sya.

"Anak, anak may ibang pamilya na ang papa mo una palang.." umiiyak si mama nang sabihin nya iyon kaya naman nangunot ang noo ko at umiling.

"H-hindi totoo 'yan 'di ba, ma?" 'yan ang tugon ko pero umiyak lang si mama kaya tinignan ko si papa.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon