Ximena's POV
"Hello, Xixi?"
"Um, h-hello, K-kenzo?" utal kong tugon sa kanya.
"Are you free tonight? I... I need someone right now." bigla, nakaramdam ako ng pagka-alanganin kung pupuntahan ko ba sya dahil alam kong hindi ako papayagan nila Papa.
"S-sige, susubukan kitang puntahan. I-text mo nalang sakin kung nasa'n ka." sabi ko at agad na pinatay ang call.
Pumunta ako agad sa damitan ko para tignan kung anong pwedeng isuot. Napili ko yung leggings tapos t-shirt na itinali ko nalang dahil mahaba tapos nag suot ako ng sneakers.
Chineck ko ang kwarto ni Kuya para tignan kung nando'n sya kaso wala. Sa kanya sana ako magpapa-sama dahil natatakot akong lumabas mag isa ngayon. Bigla, naisip ko si KJ. Alam kong sasamahan ako nun, best friend sya ni Kuya eh.
Pag baba ko, nakasalubong ko si Papa. Kunot nya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Alam kong nagta-taka sya kung bakit ako bihis na bihis ngayong gabi kaya naman inunahan ko na sya.
"A-ah, Pa! M-may pupuntahan lang po ako s-saglit." nakangiting sabi ko.
"Gabi na. Baka maulit ang nangyari sa'yo kagabi, Xixi." nando'n ang pag-aalala sa tinig ni Papa kaya naman ngumiti pa ako lalo to assure him that everything will be okay.
"Kaya ko ang sarili ko, Pa. Promise babalik po agad ako." nakangiting sabi ko. Bumuntong hininga si Papa tsaka nag salita.
"Sige. Pero dapat kasama mo ang Kuya mo." ani Papa.
"Pero, Pa. Chineck ko si Kuya sa kwarto nya eh wala sya." sabi ko kay Papa.
"Eh sinong kasama mo?"
"Ako po, Tito." sabay kaming napa-lingon ni Papa sa pintuan nang marinig ang boses ni KJ.
Naka-simpleng hoodie at maong shorts lang sya tapos naka sneakers gaya ko. Umaalingasaw rin sya sa bango pero hindi naman ganon ka-tapang yung amoy ng pabango nya.
Sinabihan lang kami ni Papa na mag ingat tsaka kami pumuntang pareho sa sinabi ko. Habang nasa daan, bigla syang nag salita kaya naman napa-lingon ako sa kanya.
"Anong gagawin mo sa bar? Under age ka pa ah?" takang tanong nya kaya naman bumuntong hininga ako.
"May kikitain lang ako. H'wag mo nalang sabihin kila Papa at Kuya ah?" pakiusap ko.
"Depende kung hindi sila magta-tanong." aniya kaya sumimangot ako.
"Please?"
"Sige. Basta sa isang kondisyon,"
Nangunot ang noo ko.
"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo na ako tatarayan at lagi ka nang magiging mabait sa'kin." nakangising aniya kaya umirap ako.
"Ang hirap naman nyang hinihingi mo,"
"Wow. Eh para yun lang?"
"Tss. Sige na sige na. Basta hindi mo ako aasarin." sabi ko kaya nag kibit balikat nalang sya.
Ilang minuto pa, narating na namin ang bar na sinasabi ni Kenzo. Si KJ, doon ko nalang pinag-hintay sa kotse dahil ayokong malaman nya kung sinong kinita ko. Nung una, nag pumilit pa syang sasamahan ako dahil baka daw may mangyari sa'kin pero buti nalang ay napilit ko din syang manatili na lamang sa loob.
Pag pasok ko sa loob, sari sari ang nakita ko.
May mga nagi-inuman, nagsi-sigarilyo, may mga nagsa-sayawan at nagha-halikan kaya agad akong nag iwas ng tingin. Maya maya pa, narinig kong nag vibrate ang cellphone ko.