Ximena's POV
"Panget!!" bigla ay napabalikwas ako ng bangon mula sa kama nang marinig ang malakas at pangit na boses ni Kuya.
"Ano ba!" sigaw ko pabalik kaya naman si Mama, pumasok narin sa kwarto.
"Ano ba kayo? Ang aga aga eh nagsi-sigawan agad kayo. Rinig kayo hanggang sa baba." galit na asik ni Mama kaya hindi kami naka-imik ni Kuya.
Pag-baba ni Mama ay hinampas ko si Kuya ng tuwalya ko tsaka pumasok sa banyo. Monday nanaman pala. Tss.
Madali lang akong natapos maligo. Pag katapos nun ay sinuot kona ang uniform ko at nag ayos lang konti. Nag pulbo lang ako tapos nilagay ang ipit ng buhok sa kamay ko at bumaba na para makakain ng almusal.
Pag baba ko ay nandon narin sila Kuya Mama at Papa. Si Papa, nakasuot narin ng uniporme nya. Si Kuya ganun din. Si Mama, dito lang sa bahay. House wife sya. Ayaw syang payagan ni Papa mag trabaho eh.
Pag katapos naming kumain pare-pareho ay sabay sabay din kaming umalis. Hinatid kami ni Papa ni sa school. Pag dating sa school, sinalubong kami ni Jera at ni KJ. Kung nagt-taka kayo kung bakit hindi ko tinatawag na Kuya si KJ, Ako din.
"Xixi!" masayang bati ni Jera sakin.
"Mm? Parang ang tagal nating hindi nag kita e, 'no?" sarkastikang tanong ko kaya sumimangot sya.
"Ang taray mo talaga." aniya kaya napa-irap nalang ako.
"Tara na nga sa classroom." sabi ko at papasok na sana ng hilahin ni Kuya ang bag ko.
"Ano nanaman ba!" inis kong asik.
"Mamaya, hindi ako makakauwi ng maaga." aniya kaya nangunot ang noo ko.
"Pake ko?"
"Aba, pre. Ang taray talaga ng pandak mong kapatid eh, 'no." singit ni KJ kaya inirapan ko sya.
"Ang epal mo talaga kahit kailan, 'no?" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"So yun nga. Hindi ako makakauwi ng maaga kasi may ta-tapusin kaming school project." sabi ulit ni Kuya kaya napangisi ako.
"Sus. School project daw. 'Wag ako, Kuya. Kilala kita. Magb-bar kalang kasama nitong kapre na 'to eh." sabi ko sabay turo kay KJ.
"Ano? Hindi, 'no. Good boy kaya ako." aniya.
"Utot mo bulok. Dyan na nga kayo!" sabi ko at tsaka hinila si Jera palayo kila Kuya.
Habang nagl-lakad kami. Walang naimik. Nang tignan ko si Jera, ganon nalang ang pag ikot ng mga mata ko nang makitang nakangiti sya na para bang may nakakakilig na nangyari sa harapan nya kanina.
Hindi ko sya pinansin ngunit hindi rin ako nakapag-pigil dahil sobra talaga yung ngiti nya. Minsan iniisip ko kung baliw na 'to eh. Bigla bigla nalang kasi syang ngingiti minsan tapos hindi mags-salita.
Nang hindi ako makapag-pigil ay ginulat ko sya kaya naman ang sama ng tingin nya sakin ngayon. Hindi ko sya pinansin. Sus. Sinong matatakot sa tingin nya eh ang amo ng mukha nya.
"Ano ba, Xixi!" nakanguso nyang sabi sakin kaya natawa ako. Ang cute ng best friend ko.
"Eh kasi para kang tanga dyan. Bakit ka ba nakangiti mag isa?" tanong ko sa kanya tsaka kami nagpa-tuloy sa pagla-lakad.
"Eh kasi nakakakilig kayo ni Attorney KJ kanina." natatawa tawa pa nyang sabi, kinikilig talaga ang gaga.
"Pero, teka. Ano bang nakakakilig doon? Eh nakaka-irita nga sya eh. Tsaka anong Attorney?" irita kong tanong sa kanya.