Chapter 12

122 10 0
                                    

Ximena's POV

Pag uwi namin sa bahay, kumain lang ako ng gabihan at pumasok na sa kwarto ko. Hindi alam nila Mama, Kuya at Papa yung nangyari sa'kin sa school. Hindi ko na rin sinabi para hindi na nila ako kausapin. Gusto ko na agad mag pahinga.

Pagka-tapos kong mag linis ng katawan, humiga na ako sa kama. Tapos kona yung mga assignments. Tinapos namin kanina ni Jera sa school. Gusto ko na sanang matulog pero hindi ako mapakali.

Nakahiga lang ako at nakatitig sa labas ng kwarto ko. Ang sarap kasing titigan nung langit na puno ng bituin. Meron pang ka unting ulap tapos ang liwanag ng buwan kaya lalong gumanda.

Muntik na akong malaglag sa higaan ko nang marinig ang cellphone ko na tumunog kaya agad akong kinuha 'yun at nagulat ako nang makita doon ang pangalan ni KJ na tumatawag. Agad kong sinagot 'yun at nag salita.

"Hello,"

"Hello,"

Sabay pa kami kaya natahimik ang parehong linya namin. Ewan ko ba. Marinig ko lang yung boses nya eh kinakabahan agad ako. Hays.

"Uhm, Xixi?"

"Hmm?"

"H-how are you?"

"I should be the one asking that question to you. How are you?" tanong ko sa kanya.

Bakit gano'n? Kapag si KJ ang kausap ko eh kalmado yung boses ko tapos hindi ako nagiging mataray? Tss.

"Still not okay. I'm here. Outside."

Nanlaki ang mata ko nang sabihin nya 'yun kaya dahan dahan akong bumaba. Naka short at sando lang ako ngayon dahil mainit tapos eto na yung pang tulog ko.

Pag baba ko, nadatnan ko nga do'n si KJ habang malungkot syang nakangiti kaya bumuntong hininga ako at pag lapit ko ay bigla nalang nya akong niyakap nang mahigpit ba ikinagulat ko.

"KJ, b-baka makita tayo nila Kuya." kabado kong sabi.

"Just give me more five minutes. I really need a hug right now, Xixi. I'm tired." aniya kaya hinayaan ko nalang sya.

After five minutes, he let go of me. Tinignan ko sya at parang namumula ang mga mata nya. Siguro dahil sa kakaiyak. Nang tumapat ang mukha nya sa ilaw ng poste, mas nagulat ako nung makitang namumula pati buong mukha nya kaya inamoy ko sya.

Doon ko lang na-amoy na amoy alak sya kaya naman sinubukan kong tawagan ang driver nila gamit ang phone nya. Hindi kona nagawa pang tawagin si Kuya para sya nalang ang mag hatid sa isang 'to dahil hindi ako makaalis sa pag-aalala na bigla nalang syang matumba.

Pag dating ng driver nila ay agad ko syang isinakay doon at agad kaming nag tungo sa bahay nila. Habang nasa sasakyan ay tinawagan ko sila Mama sa bahay. Gulat na gulat pa sila nang malamang papunta ako sa bahay nila KJ pero sinabi ko nalang na sabihan si Kuya na sunduin ako mamaya.

Pag dating sa bahay nila, tinulungan ako ng driver na dalihin sya sa kwarto nya. Pag bagsak nya ay lalabas na sana ako ng kwarto nya para kumuha ng towel at tubig nang bigla nalang nya akong hilahin sa pulso.

"D-don't leave me." aniya kaya bumuntong hininga ako.

"Kukuha lang ako ng towel at tubig. Babalik din ako." after that, he let go of my hands.

Pag baba ko, saktong nakasalubong ko si Manang na may dalang isang tabo ng tubig at isang towel. Kinuha ko 'yun sa kanya at agad na bumalik sa kwarto ni KJ. Habang pinupunasan ko sya ay kibakausap ko sya kahit ba puro "Hmm" lang ang nakukuha kong sagot.

"Hoy! Bakit ka ba kasi uminom at nag lasing!?" hindi ko maitago ang katarayan ko.

"Idol kasi kita." nakangising sabi nya kaya inirapan ko sya.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon