Ximena's POV
Pag dating namin sa bahay ay nagulat sila Mama't Papa nang makitang umiiyak ako. Tinignan nila si Kuya pero nag iwas lang ng tingin si Kuya tsaka sinabi kila Mama't Papa ang nasaksihan nya kaya gulat na gulat sila Mama sa akin.
"Anak, bakit ka uminom?" alam kong galit si Papa ngayon pero pinipigilan nya dahil hindi kami magkaka-intindihan.
"P-pa, I'm sorry." napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Naiintindihan namin ng Mama mo kung bakit mo nakuhang uminom pero paano kung wala kang kasama do'n?" nando'n ang pag-aalala ni Papa kaya napa-yakap nalang ako sa kanya tsaka sinabi ang dahilan.
"Masyado po kasi akong nasasaktan sa nakikita ko kaya dinaan ko nalang sa inom." sabi ko sa kanya kaya bumuntong hininga si Papa at niyakap ako pabalik.
"Ma, Pa, I'm really sorry. Hindi ko po sinasadya,"
"Eh yung pag halik mo kay KJ? Hindi mo sinasadya?" taas kilay na tanong ni Kuya sakin. Seryoso sya at nagpi-pigil ng galit.
"Kuya, I swear to God hindi ko yun sinasadya." bigla ay napahawak ako sa malapit na upuan sakin dahil naramdaman ko ang pag ikot ng paningin ko. Nananakit din ang ulo ko. Siguro dahil sa alak.
"Pag-pahingahin muna natin ang kapatid mo, Xavier." sabi ni Mama at inalalayan akong pumunta sa kwarto.
Pag pasok namin ni Mama do'n ay tinulungan ako ni Mama na alisin ang make up ko tsaka ako hinayaang mag linis ng katawan. Pag labas ko ng C.R ay nando'n pa rin sya. Pinaupo nya ako dun sa upuan na nasa harap ng cabinet ko.
Si Mama ang nag suklay ng mahaba kong buhok. Bigla kong naalala yung panahong sya lagi ang nagsu-suklay ng buhok ko. Bata pa ako no'n. Tapos nung nag dalaga ako, hindi nya na yun nagawa dahil ako na mismo ang nagsu-suklay sa buhok ko. Ngayon nya lang ito uli nagawa kaya pag tingin ko sa kanya, nakangiti sya.
"Ma, hindi ka po ba galit sa akin?" tanong ko kay Mama tsaka sya hinarap.
"Hindi. Naiintindihan kita, Ximena." sabi ni Mama kaya nag decide akong sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit ako nasasaktan at kung bakit ako uminom.
Nang mai-kwento ko 'yun kay Mama, umiiyak pa ako kaya agad akong binigyan ni Mama ng tubig at pinatahan. Tapos, binigay nya sakin yung nebulizer.
"Alam mo, 'Nak? Siguro kung ako ang nasa sitwasyon mo ganyan din ang gagawin ko. Pero dapat, inisip mo pa rin yung pwedeng mangyari sa'yo kapag nalasing ka. Paano kung wala ka sa bahay nila Jera nang mga oras na 'yun? Baka napahamak ka pa." sabi ni Mama.
"Sorry, Ma."
"Okay na 'yun, 'Nak. Basta sa susunod, h'wag mo nang uulitin. Malinaw ba?" tanong ni Mama kaya tumango tango ako.
Akala ko, doon na matatapos ang usapan namin pero hindi pa pala. Bigla akong tinanong ni Mama tungkol do'n sa sinabi ni Kuya about sa amin ni KJ.
"Eh yung inyo ni KJ, hindi ba talaga ninyo iyon sinasadya?" tanong ni Mama kaya umiling ako agad at pinatay ang nebulizer.
"Ma, maniwala ka. Hindi ko 'yun sinasadya. Basta, may naramdaman nalang akong malambot sa labi ko tapos nung sumigaw si Jera, doon ko po nalaman na..." hindi ko masabi kay Mama ang nangyari kaya nag iwas ako ng tingin.
Nahihiya ako.
"Dalaga na ang Anak ko." sabi ni Mama at nagulat ako nung may luhang tumulo sa mga mata nya.
"Ma! Bakit ka umiiyak!?"
"I'm just happy for you, Anak. Sana si KJ na ano?" nagulat ako bigla sa sinabing 'yun ni Mama.