Ximena's POV
Mabilis na lumipas ang araw at pareho kaming naging busy ni KJ. Maraming pinapagawa sa amin at gano'n rin sa kanila. Minsan nalang kami makalabas na mag kasama pero lagi pa rin naman naming kinakamusta ang isa't isa kapag tapos na yung ginagawa namin.
Madalas, kami ni Kenzo ang partner sa pinapagawa ng ibang prof kaya hindi maiiwasan yung pagtatalo namin ni KJ dahil do'n pero lagi ko namang pinapaliwanag sa kanya.
Ngayon, nandito ako sa library at nirereview yung inaral namin kanina dahil may quiz daw kami sa monday. Maya maya pa, may naramdaman akong umupo bigla sa tabi ko at pag tingin ko ay nagulat ako nang makitang si Kenzo yo'n.
"Oh, Kenzo. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Sinasamahan ka. Ang tahimik kaya dito. Baka mamaya may multo dito eh." sabi nya kaya natawa ako at napailing.
"Sira. Tanda tanda mo na naniniwala ka pa rin sa multo?" tanong ko kaya nag tawanan kaming dalawa.
"Oh, para sa'yo. Binili ko para naman kahit papa'no eh hindi ka malunod sa pag babasa." biro nya. Tinanggap ko ang inabot nyang milktea at burger sa akin tsaka 'yun sinimulang kainin at inumin.
Habang kumakain ako ay nag-patuloy uli ako sa pagbabasa habang sya naman ay kumakain lang sa tabi ko habang nagce-cellphone. Maya maya pa, narinig namin ang pag bukas ng pintuan kaya pareho kaming napalingon doon at pareho kaming nagulat nang makitang wala namang tao doon kaya nag-katinginan kami at parehong napatayo.
Silip kami nang silip kung may tao ba do'n pero wala talaga kaya nung may narinig kaming bumagsak ay pareho kaming nag tata-takbo doon sa may parte ng library na pwede kaming mag tago.
Pareho kaming kinakabahan at pinapawisan kaya tinignan ko yung cellphone ko. Lowbat ako kaya tinignan ko si Kenzo.
"Huy! Tumawag ka ng tulong dali!" sabi ko sa kanya na agad nyang ginawa pero agad rin nyang binaba ang telepono nya kaya nangunot ang noo ko.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Ubos na yung load ko." sabi nya kaya naman napakamot ako ng ulo ko. Wala pamanding saksakan dito sa library kaya pareho kaming napaupo at natawa nalang sa nangyayari sa amin ngayon.
Minuto ang lumipas at wala pa ring guard o kung sino mang napapadaan dito sa library hanggang sa inantok na ako at naramdaman ko nalang ang pag tapik sa akin ni Kenzo nang mag umaga na.
"L-love," gulat kong sabi nang makita si KJ na nasa likod nung guard kaya nung nauna syang mag lakad ay agad kong kinuha lahat ng gamit ko at sumenyas nalang kay Kenzo tsaka humabol kay KJ.
Nang makadating ako sa tapat nya ay kabado akong tumingin sa kanya. Nakatitig lang sya sa akin. Isang malamig na titig kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"Love, sorry. Na lowbat kasi ako tapos s-si K-kenzo naubusan ng load." pag papaliwanag ko kay KJ pero tumango lang sya at nauna nang sumakay sa kotse kaya naman agad rin akong sumakay pero hindi umimik.
Hanggang sa makauwi sa bahay ay tahimik lang ako. Si Mama ay alalang alala sa akin habang si KJ naman eh agad na nag paalam kaya agad rin akong naligo at pinuntahan si KJ sa kanila pero gaya kanina ay wala pa rin syang imik.
"Oy, sorry na." panunuyo ko kay KJ pero tahimik lang syang nags-sound trip kaya inalis ko yung earphones nya dahilan para mapatingin sya ng masama sa akin at mapalunok ako.
Nandito kami ngayon sa salas nila pero walang ibang tao kung 'di kaming dalawa lang. Wala si Mama at Papa nya, nasa business trip daw. Wala silang katulong dito kaya dalawa lang talaga kami.