Chapter 20

116 6 0
                                    

Ximena's POV

Dumaan ang ilang araw at December 31 na ngayon. Mamaya ay January 1 na at bagong taon na kaya naman naga-ayos na kami.

"Good morning, love." pag gising ko palang, mukha agad ni KJ ang sumalubong sa akin na ikinagulat ko.

"L-love! Hindi pa ako nakakapag hilamos o tooth brush man lang! Labas muna dali!!" sabi ko habang tinutulak tulak pa sya. Nang maka labas.

Pag labas nya, naligo na ako at nag bihis. Pag labas ko naman, nadatnan ko sya doon sa may kama habang naka dapa. Buti nalang eh nakaayos na ako. Napalingon sya sa akin kaya naman agad syang tumayo.

Mabilis na dumaan ang buong mag hapon at tulong tulong kaming lahat mag ayos para salubungin ang bagong taon mamaya. Nang mapagod ay nag pahinga kaming apat sa kwarto at naunang lumabas sa amin sila Jera at kuya tapos ay nahuli kami ni KJ.

"Tara na sa labas. Hinihintay na nila tayo eh." sabi nya kaya nag tungo na kami sa labas.

Pag dating namin sa baba, nakahanda na lahat ng pagkain namin. Mamayang pagka-kain namin ay uuwi na rin kami. Habang kumakain kami ay masaya rin kaming nagk-kwentuhan tungkol sa kanya kanya naming kalokohan nung mga bata kami.

"Guys! 10 seconds nalang at new year na!" sigaw ni kuya kaya naman nag count down na kaming lahat.

"10,"

"9,"

"8,"

"7,"

"6,"

"5,"

"4,"

"3,"

"2,"

"1,"

"Happy new year!" sabay sabay naming sigaw na lahat tsaka kami nag yakapan at tumalon talon.

"Happy new year. I love you." bati ko kay KJ at niyakap sya.

"I love you more. Happy new year, my love."

•¥•
U

maga na at pag-katapos naman naming kumain ay nag ayos na kami ng gamit at sumakay na sa bus. Sa likod kami nakaupo ni KJ. Ako sa bintana at sya naman sa unahan. Habang nasa byahe, nakatitig lang ako sa bintana. Bigla kong naalala si Kenzo.

Hindi pa kami nagka-kausap mula nung burol ni Kate. Tingin ko ay ako talaga ang sinisisi nya kung bakit nag pakamatay si Kate. Gusto kong mag paliwanag pero sa tingin ko hindi nya pa ako gustong makausap o makasama ngayon.

Hindi ko namalayang nakatulog ako at nagising nalang ako nang gisingin ako ni KJ. Nag kanya-kanya na kaming pamilya ng uwi. Habang pauwi kami ay kinausap ako ni kuya.

"Wala bang sinasabi sa'yo si KJ?" tanong ni kuya kaya nangunot ang noo ko. Si mama naman mukhang 'di narinig ang usapan namin kasi tulog.

"Huh? Ano bang kailangan nyang sabihin?" pag-katapos kong tanungin 'yun ay natigilan si kuya at umiling tsaka agad na tumingin sa harapan nya.

Hindi ko nalang pinilit na sabihin ni kuya kung ano 'yon dahil hindi ko na rin napigilan ang antok ko ulit. Pag gising ko, nasa tapat na kami ng bahay. Ako ang unang bumaba at dinala ko ang gamit ko pati ni mama.

Nag linis lang ako ng katawan at nag paalam na magpa-pahinga. Bandang alas singko na ng hapon nang magising ako. Agad akong nag hilamos at nag-ayos tsaka bumaba.

Pag dating ko sa baba, nagulat ako nang makita doon si KJ na nakabihis. Kahit si kuya ay nakabihis rin kaya nag taka ako at tinanong silang dalawa.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon