Chapter 15

129 7 0
                                    

Ximena's POV

Pag uwi namin ni kuya sa bahay, dinunggol ko ang braso nya at tumingin tingin sa paligid para tignan kung nandyan ba sila Treb at Papa pero mukhang wala kaya hinarap ko ulit si kuya at ngumisi.

"Hoy, kuya! May gusto kana siguro sa best friend ko, 'no?" nakangising tanong ko sa kanya.

"Ano? Wala ah. Ang sarap lang talaga nyang asarin." sabi nya at iniwan ako sa salas kaya tinignan ko syang umakyat sa taas habang umiiling iling.

•¥•

Kinabukasan, naligo agad ako para makapag-simula na kami ni mama sa pagde-decorate. Saktong pag dating nya ay nag simula na rin kaming mag decorate. Buti nalang pala naka hotel ngayon si Treb at hindi piniling dito sa bahay mag stay gaya ng nakasanayan nya noon.

Maya maya pa, bigla kong nakita si Kuya Xavi na bihis na bihis at mukhang may lakad kaya sinutsot ko sya. Isang bagay na pinaka-ayaw nyang ginagawa sa kanya pero wala ako pake.

"Hoy, kuya. Saan ka lalakad?" tanong ko sa kanya.

"Susunod kila Papa, bakit? May angal?" mayabang nyang tanong kaya iniamba ko sa kanya ang packing tape na hawak ko kung hindi lang ako pinagalitan ni mama.

"Bakit ka pa pupunta do'n? Tulungan mo nalang kami dito ni mama!" sabi ko pero nag make face lang sya at umalis na.

Kahit talaga 'yon!

"Ay. Hayaan mo na ang kuya mo, Ximena Mabuti na rin yung tayong dalawa lang ang nandito dahil kapag nandito ang kuya mo, siguradong wala kayong matatapos." ani mama kaya ngumuso nalang ako dahil tama sya.

Hinayaan ko nalang si kuya at tinulungan nalang si mama na mag ayos sa may salas. Bukas na ang 20th birthday ni Treb. Nasanay na akong tawagin sya sa pangalan nya dahil yun ang lagi kong naririnig kay kuya noon tuwing nagla-laro kami.

Tinignan ko ang ginawa namin ni mama at tuwang tuwa ako ng makitang nando'n din ang mga pictures naming tatlo nila Treb at Kuya Xavi nung bata kami. Meron doon yung naliligo kami sa ulan, nagla-laro sa playground at kumakain sa Jollibee.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung nagla-laro kami tapos ngayon, malapit na kaming mag tapos pare-pareho. Nami-miss ko tuloy maka bonding si kuya at Treb.

Natigil ang pag-iisip ko nang marinig na may nag doorbell sa labas. Ako na ang nag punta sa labas para buksan 'yon at gano'n nalang ang gulat ko nang makita doon si KJ na may dalang tatlong milk tea tapos meryenda.

Napangiti ako dahil nag effort pa talaga syang pumunta dito. Pinag buksan ko sya ng gate at pinapasok sa loob. Bigla ay naalala kong hindi ko pa nasasabi kila Mama't Papa ang tungkol sa amin ni KJ kaya naisip kong ngayon na sabihin kay mama.

"Oh, Kaiser, hijo. Bakit nandito ka? At talagang may dala ka pa ah? Para ba 'yan kay Ximena?" nakangising tanong ni mama, nang-aasar.

"Ma naman!" sabi ko at napa-yuko para itago ang mukha kong nagmu-mukhang kamatis sa pula.

"Opo, tita. Pero syempre meron din po para sa inyo. Tumataba na 'tong anak ninyo eh." nakangisi ring sabi ni KJ at tsaka tumingin sa 'kin kaya inirapan ko sya.

"Hay, nako! Ewan ko sa inyo!" inis kong sabi sa kanila kaya natawa sila.

"Ito talagang anak ko, ang hilig magpa-suyo." biro ni mama kaya nanlalaki ang matang nilingon ko sya.

"Ma!" sabi ko kaya natawa si mama at pumunta sa kusina.

Kumain muna kami nila mama at KJ tsaka ulit tinuloy ang pagd-decorate. Mabilis lang kaming natapos at pagka-tapos namin mas napangiti ako dahil mas gumanda sya sa tulong ni KJ. Buti nalang pala pumunta sya dito at tumulong sa amin ni mama.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon