Chapter 11

130 9 0
                                    

Ximena's POV

"Xixi, kakain na!" narinig ko ang boses ni Mama sa labas ng kwarto ko kaya naman dali dali akong nag-ayos at lumabas ng kwarto.

Pag labas ko ng kwarto, gulat na gulat si Mama nang makitang para akong kinakabahan na hindi mapakali kaya pilit akong ngumiti at naunang bumaba sa kanya sa may kusina.

Ayokong makita nyang kinakabahan nga talaga ako. Aasarin lang nya ako eh. Pag pasok ko sa may dining, nando'n na si Kuya na hindi ako pinansin kaya hindi ko nalang rin pinansin.

"Mmm, Ma? Si Papa?" tanong ko kay Mama nang makitang walang pumasok na Papa sa loob.

"Ah. Nasa office pa nya. Hinatiran ko nalang ng pagkain nya dahil maraming tinatapos ang Papa nyo." sabi ni Mama kaya tumango tango nalang ako.

Si Kuya ang naka-toka mag hugas ng plato kaya nang matapos akong kumain, lumabas na ako. Dere-deretso na sana akong lalabas ng kusina nang bigla nalang akong hilahin ni Kuya papasok sa kusina kaya nangunot ang noo ko.

Ano ba'ng problema neto? Diba hindi kami okay? Tss.

"Kuya, ano ba'ng problema mo?" kunot noong tanong ko kay Kuya.

"Crush mo na si KJ, right?" seryosong tanong nya pero hindi na sya nakakatakot gaya nang kanina.

"What? Of course not-"

"Tss. C'mon, Ximena. Aminin mo na. Crush mo ang best friend ko. Hindi na kita pagba-bawalan magka-gusto sa kanya pero kapag niligawan ka nya, sabihin mo agad sakin." sabi ni Kuya kaya nanlaki ang mata kong tinignan sya.

"Kuya, why are you all saying that KJ is my crush, huh? Pareho ba tayo ng nararamdaman?" umirap ako nang sabibin 'yon.

"Hindi. Pero obvious ka masyado. In denial ka pa." nakangisi si Kuya ngayon, nang-aasar.

"Teka, are we okay now?" I asked him.

"Yeah. Basta 'wag nyo lang gawin ang na-abutan ko nung birthday ni Jera." doon ay naging seryoso uli si Kuya.

"Of course not!" sabi ko sa kanya.

"Good. Oh, umalis kana." sabi nya at tinaboy ako kaya umirap nalang ako.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Nadatnan ko si Jera sa class room na hindi mapakali kaya ginulat ko sya na lalo nyang ikinainis pero nang makita nya ako ay bigla syang namula at namutla kaya nangunot ang noo ko.

Ano ba'ng nangyayari sa mga taong nasa paligid ko lately? Tss. Nasisiraan na yata ng bait si Jera. Hindi nya ako pinansin hanggang lunch break na ipinagtaka ko kaya habang kumakain kami ay kinausap ko sya.

"Jera, ano ba'ng nangyayari sa'yo?" tanong ko sa kanya at hindi maitago ang inis sa boses ko.

"M-may sasabihin k-kasi ako." sabi nya at lalo pa akong nainis nang hilahin nya ako papunta sa likod ng building.

"P-please 'wag kang magagalit ah?" tanong nya kaya tumango ako at hinintay ang sasabihin nya.

"Kasi ano.. Uhm.. C-crush ko yung.." hindi nya maituloy ang sinasabi nya kaya medyo tinaasan ko ang boses ko nang mag salita.

"Jera ano ba kasi 'yon!?" sigaw ko sa kanya.

"Crush ko 'yung Kuya mo!" sigaw nya na ikinagulat at ikinatahimik ko kaya nang makita nya ang reaksyon ko, biglang nag tubig ang mata nya na ikinagulat ko.

"H-huy! 'Wag kang umiyak dyan!" sabi ko sa kanya pero lalo syang napa-hagulgol kaya naman inis kong kinuha ang panyo ko at iniabot sa kanya.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon