Ximena's POV
Dumaan ang ilang araw mag mula nang mapag usapan namin ni KJ 'yon at hindi na naulit pa. Nandito kami ngayong apat sa cafeteria at masayang kumakain.
Tuwing lunch break namin ay sabay sabay na kaming kumain na apat dahil ayaw naming mamiss ng sobra etong si Jera. Next week ay last examination na namin at malapit na ang graduation namin pati ang pag alis ni Jera.
Pag-katapos naming kumaing apat ay nag review na ulit kami ni Jera. Nang matapos ang pagre-review, pumunta kami sa cafeteria para bumili ng pagkain. Habang nakain kami ay napag usapan namin yung gusto naming trabaho in the future.
"Anong gusto mong trabaho?" tanong ni Jera sa akin at sumubo sya ng hawak nyang burger.
"Basta gusto ko mag doctor. Ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Chef siguro. Ewan ko. Depende." sagot nya at naubusan kaming pareho ng sasabihin sa isa't isa.
"Tara na sa room." sabi nya bigla nang tumahimik ang pagitan namin kaya pareho kaming nag punta sa room.
Nang dumating ang uwian ay sabay sabay kaming umuwi. Nang maihatid si Jera sumunod naman si KJ tapos kami na ni kuya ang nahuli.
Pag dating sa bahay ay nag review ulit ako at tsaka bumaba para kumain. Pag gising ko kinabukasan ay sabay kami ni kuya na pumasok sa school. Pag dating doon ay nag-basa basa ulit kami ni Jera.
Mag hapon kaming nakinig at nag review ni Jera kaya naman pag uwi ko sa bahay ay kumain lang ako at agad na nakatulog. Hindi ko na nakausap pa ng matagalan si KJ dahil pagod ako at gano'n rin naman sya kasi may exam daw sila.
Mabilis ulit na dumaan ang ilang linggo at ngayon ay exam na namin. Kabado kami ni Jera ngayon pero hindi naman kami natatakot na bumagsak dahil alam naming papasa kami kasi nag review kami.
Sa lahat ng subjects na in-exam namin ni Jera ay halos sabay lang kami kung matapos. Nang last exam na ang it-take namin ay natuwa kami dahil madali nalang 'yon.
Pag-katapos ng exam naming pareho ay hinintay lang namin sila kuya at KJ tsaka kami sabay sabay na nag celebrate dahil tapos na ang stress week naming apat.
Lumabas kami at kumain sa korean resto na malapit dito sa school. Habang nakain ay masaya kaming nagkwe-kwentuhan hanggang sa napunta ulit kay Jera ang topic.
"Anong oras raw alis ninyo?" tanong ni kuya sa kanya.
"Mhm. After lunch daw sabi ni daddy." sabi ni Jera kaya tumahimik ang pagitan naming apat.
Buti nalang dumating yung waiter na bumasag sa katahimikan pero after no'n, wala na ulit nag salita hanggang sa pag uwi namin. Mag-kahiwalay na kaming apat ngayon. Ako nandito sa kotse ni KJ habang si Jera naman ay nasa kotse namin nila kuya. Ibang daan ang tinahak ni kuya at KJ dahil mag kaiba kami ng daan pauwi ni Jera.
Habang nasa sasakyan ay nakatingin lang ako sa labas at walang imik. Tanging tugtog lang sa radyo ni KJ ang maririnig. Hanggang sa makauwi ay wala kaming imik pareho.
"Salamat sa pag hatid, love. Mag-ingat ka pauwi ha?" malambing kong sabi kay KJ tsaka yumakap sa kanya at gano'n rin sya sa akin.
"I will." sabi nya at nagulat ako nang bigla nya akong halikan sa labi pero hindi na ako umalma at ngumiti nalang ako tsaka lumabas ng kotse nya.
Nang makababa ako ay hinintay ko muna syang makalayo tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Kinabukasan pag gising ko ay agad akong nag handa para pumasok sa school.
Pag dating doon ay masaya kaming magka-kaklase dahil wala na kaming ginagawa lahat. Bigayan na ng card next week, sabihan na rin kung sino ang with honors.