Chapter 24

122 5 0
                                    

Ximena's POV

Kinabukasan, naisipan kong puntahan si Ate Ella sa hospital. Pag dating ko doon, agad kaming iniwan ng mama nya kaya kinausap ko rin sya agad.

"Hi, ate." nakangiting bati ko sa kanya.

"Why did you do that?" walang ganang tanong nya kaya bumuntong hininga ako.

"For you. I did that for you to be happy again-" natigil ako sa pagsa-salita nang unahan nya ako.

"But you hurt him. I'm sure he's in pain now." sabi ni Ate Ella kaya natahimik ako. Minuto ang lumipas at muli akong nag salita.

"I'm sure he'll understand when he finally knows the reason why I need to that, ate." pilit ang ngiting sabi ko pero umiling lang sya.

"And how about you? No, Xixi. You need to talk to KJ. Kailangan nyong mag balikan dahil mahal nyo ang isa't isa." napaluha si Ate Ella matapos sabihin iyon pero umiling ako.

"No, ate. Nag-kabalikan na kami nang ex ko." sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Now, you and KJ just need to be happy with each other again, okay? You two need to pretend na walang Xixi na pumasok sa buhay nyo." sabi ko kay Ate Ella at lumabas ng kwarto nya tsaka tumakbo palabas ng hospital.

Dinala ako nang mga paa ko sa garden dito sa may hospital. Mabuti nalang at walang tao kaya malaya kong nilabas lahat ng sakit. Hindi ko alam kung paano ko nagawang palayain ang taong mahal ko para lang sa kasiyahan ng iba.

Iyak lang ako nang iyak hanggang sa may maramdaman akong tao sa likod ko kaya agad kong pinunasan ang luha ko at pinunasan 'yon. Pag tingin ko sa taong nasa likod ko parang gusto kong umiyak ulit pero pinigilan ko dahil si KJ ang nasa harap ko ngayon.

"I heard your conversation with Ella, Xixi..." malungkot na sabi ni KJ.

"I hope you understand, KJ. Gaya ng sinabi ko kay Ate Ella, kailangan nyong maging masaya ulit sa piling ng isa't isa." mapait akong ngumiti at aalis na sana nang mag salita sya.

"But I love you, Xixi-"

"I don't love you anymore, KJ." masakit para sa akin na sabihin ang mga katagang 'yan pero kailangan. Sya yung mahirap iwanan pero kailangan.

Araw, linggo at buwan muli ang lumipas at nabalitaan kong nagiging maayos na ulit si Ate Ella. Bumabalik na yung masiglang katawan nya at nang nakalabas na sya sa hospital ay nag kita pa kami. Hindi ko alam kung anong balita sa kanila ni KJ at hindi ko rin alam kung nasaan si KJ dahil walang nababanggit si Ate Ella. Ang sinabi lang nya ay lumipat na si KJ nang school.

Si Kuya Xavi at Jera ay nag sama na sa iisang bahay kaya naman dalawa nalang kami ni Mama sa bahay. Yung pag-aaral ko ayos naman. Kami ni Kenzo mag kaibigan pa rin hanggang ngayon. Sinabi ko sa kanya yung sinabi ko kila KJ at ang loko gustong totohanin pero umayaw ako dahil hindi pa ako ready na pumasok sa isang relasyon ulit.

Ngayon, nandito ako sa kwarto at nakatunganga lang. Wala kaming pasok ngayon dahil holiday. Maya maya pa, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon.

From: Kenzo

Hey, you free today?

To: Kenzo

Yeah. Why?

From: Kenzo

Let's go out? I'm getting a little bored here at the house.

To: Kenzo

Yeah. Me too. Sure. Ligo lang ako.

The Happy Ending We Never Had (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon