Ximena's POV
Nang maka-uwi ako sa bahay, wala akong nadatnan doon kung hindi bahay lang talaga. Wala si Mama, Papa, at Kuya. Nasan naman kaya yung mga yun? Tss. Pumasok ako agad sa bahay at dumiretsong kusina. Gutom ako eh.
Pag pasok ko dun, sa ref ako dumiretso at bubuksan ko na sana ang ref nang bigla nalang may nakita akong dalawang sticky notes na pink at yellow. Una ko munang binasa yung nasa color pink na sticky notes.
Anak, may emergency kaming pinuntahan nang Mama mo dito sa Batangas. Hintayin mo nalang ang Kuya mo na maka-uwi. Meron nang niluto ang Mama mo na hapunan nyo, iinit mo nalang daw mamaya. Mag-iingat ka.
Ayan ang nakalagay sa sticky notes na Pink. Sulat ni Papa. Sunod ko namang binasa eh yung nasa yellow na sticky notes.
Hoy panget na pandak, bukas ng hapon ang uwi ko. May dayo kami eh, pakisabi nalang kila Mama't Papa. Ako nang bahala sa'yo pag uwi ko. Bigyan nalang kita ng pagkain tutal eh matakaw ka naman.
Agad akong napa-irap dun sa huling linyang sinabi ni Kuya. Tss. Ako? Matakaw? Hindi, 'no? Malakas lang kumain. Dahil mag isa ko lang dito sa bahay, nag bihis nalang ako at napag-pasyahang diligan yung mga halaman ni Mama dahil wala akong magawa.
Habang nasa labas at nagdi-dilig, meron akong nakitang isang aso na tumakbo sa harap mismo nang bahay kaya naman pinatay ko yung hose at binuksan yung gate. White sya na aso. Ang cute cute nya kaya naman agad ko syang kinuha. Sa tingin ko ay babae sya dahil may pink na ribbon dun sa may leeg nya.
Tinitigan ko yung aso. Naka-dila sya sakin at mukhang nauuhaw kaya naman kumuha ako ng malinis at maliit na pwedeng lagyan nang inuminan nya tsaka ako kumuha ng mineral na tubig sa may kusina.
Pag balik ko, agad akong napa-ngiti nang makitang nandoon parin sya sa pwesto nya kung saan ko sya iniwan. Naghihintay sya habang naka-lawit parin ang dila kaya agad ko namang binigay ang hawak ko. Agad nya iyong ininuman at pagka-tapos ay nakatingin na sya uli sakin.
"Sino ba'ng amo mo at paano kang naka-punta dito?" tanong ko sa kanya na para bang sasagot ito sakin.
Napag-pasyahan kong ilabas sya at saktong pag labas ko ay nakita ko si KJ na parang alalang-alala at mukhang may hinahanap. Nang makita kong ka-pareho nung dog lace ang ribbon na nasa leeg nung cute na aso, binitawan ko ang aso at hinayaan kong pumunta sa kanya.
Nagtata-takbo ang aso pa-punta sa kanya at para namang nabunutan ng tinik si KJ nang makita ang kanyang aso. Pinat nya iyo sa ulo nang aso tsaka binuhat at tumingin sa direksyon kung saan nang-galing ang aso at ganon nalang ang gulat nya nang makita ako.
"X-xixi?" utal nyang tanong nang dumating sa harap ko.
"Oh?"
"Ikaw ang naka-kita kay Van?" tanong nya kaya nangunot ang noo ko. Van? Pang lalaki. Tss.
"Yeah. And her name is Van?" I asked him.
"Yup. Short for Vanessa." aniya kaya tumango tango ako at sinenyas ang bahay.
"Papasok na ako sa bahay. Madilim na eh." sabi ko at papasok na sana ako nang mag salita syang muli.
"Actually, your brother told me to go here. He also told me that you were alone 'cause your parents are in Batangas." aniya kaya nangunot ang noo ko.
So alam narin pala ni Kuya? Tss. Eh bakit pa sya nag iwan ng sticky notes- ah. Baka nagka-salisihan lang sila nila Mama't Papa.
"What? Ayoko. Kaya ko namang mag-isa." sabi ko kaya ngumisi sya.
"You sure?"
"Of course I am! Now go home. I have some things to do." kahit na wala naman talaga.