Ximena's POV
"Huy! Ano 'yon?" nakangising tanong ni Jera sa akin pag pasok ko ng classroom.
"What? Anong ano yun? Edi wala! Malisyosa ka talaga." sabi ko sa kanya tsaka sya inirapan.
Buong klase ay nakikinig lang ako sa teacher kaya naman pag dating ng lunch break inasar ako ulit ni Jera na lalo kong ikinainis.
"Inspired na ang best friend ko, hmm." pang-aasar nya kaya inirapan ko sya.
"Hindi kaya!" sabi ko pero ngumisi lang sya.
Habang kumakain kami, bigla kong naalalang hindi ko pa pala sya nababati kaya naman minadali kong tapusin ang kinakain ko tsaka uminom ng tubig at tsaka sya hinarap.
"Happy birthday pala, Jera." nakangiting bati ko.
"Ay. Akala ko naka-limutan mo na sa sobrang kilig mo eh," aniya kaya napa-irap ako ulit.
"Hindi ako kinikilig. Naiinis ako sa ginawa nya." mataray kong sabi kaya nag bigkit balikat nalang sya.
Pagka-tapos kumain, pumunta rin agad kami sa classroom. Dumaan ang mag hapon na wala kami gaanong ginawa. Quiz, recitation at nakinig lang ang ginawa namin.
Nang mag uwian, sinabihan ako ni Jera na ala-sais ang start ng party nya kaya naman meron pa akong dalawang oras para mag ayos. Gaya kaninang umaga, nag lakad nalang uli ako pauwi sa bahay.
Pag dating sa bahay, sinabi ko kila Mama't Papa yung tungkol sa birthday party ni Jera. Pumayag naman sila kaso bigla nalang sumingit si Kuya sa usapan.
"Ma, sigurado ba kayong papayagan nyo 'yan? Baka mag-inom lang 'yan do'n." ani Kuya kaya inirapan ko sya.
"Hindi kaya ako umiinom!" pagta-tanggol ko sa sarili ko.
"Hindi 'yan iinom. Kasama ka nya eh." sabi ni Mama pero umiling si Kuya.
"May pupuntahan ako, Ma. Hindi ako pwede kaya h'wag nyo nang payagan 'yan." sabi ni Kuya kaya sumimangot ako at nagpa-awa kila Mama't Papa.
"Teka, hindi ba pupunta naman ang best friend mo, Xavier?" seryosong tanong ni Mama kay Kuya.
"Opo, Ma." si Kuya.
"Oh edi sa kanya mo pa-bantayan 'tong kapatid mo." sabi naman ni Papa kaya walang nagawa si Kuya kung hindi ang pumayag nalang din.
"Yes! Thank you, Ma, Pa!" nakangiting sabi ko kila Mama't Papa tsaka ako umakyat sa kwarto ko para pumili ng isu-suot.
Pag akyat ko, agad akong nag tingin sa cabinet ko. Tinulungan din ako ni Mama at napili naming isuot ko ang isang red na dress na likod. Inayusan ako ni Mama. Kinulot lang namin ang buhok kong hanggang bewang tsaka ako nilagyan ng make up na light at tsaka ko sinuot ang high heels ko na hindi naman ganon kataas.
Bumagay sa akin ang porma ko lalo na ang damit ko dahil maputi rin ako tapos black na black pa ang kulay ng buhok ko. Pinag-dala ako ni Mama ng isang bag na maliit para pag lagyan ko ng cellphone at pitaka ko.
Bandang mga 5:30 ay dumating na si KJ. Poging pogi sya sa tuxedo nyang damit kaya napa-iling nalang ako. Pag tingin nya sakin, natulala sya kaya naman napa-ngisi ako at nag salita.
"Oh, bilib ka nanaman sa kagandahan ko." nakangising biro ko sa kanya.
"Ikaw? Maganda? Pwede na. Kaya lang ang taray mo eh." nakangising ganting biro nya rin.
"Ewan ko sa'yo!"
"Biro lang naman, eh. Tara na?" sabi nya sakin kaya tumango ako.
"Mmm, Ma, Pa! Alis na po kami ah? Babalik din po ako mamaya." nakangiting paalam ko kanila Mama't Papa tsaka humalik sa pisngi nila.