CHAPTER 1

619 34 3
                                    

It seems like my tears don't want to stop from dripping. I'm alone in my room, kahit kumain ay hindi ko magawa.

"Anak, buksan mo ang pinto nandito si Celeste," ani ni nanay.

I fixed myself at saka dagling lumabas. I found Celeste, she was sitting on the small sofa. Ngumiti siya sa akin and pinilit ko rin na ngitian siya.

"Bakit ka nagpaunang umuwi? Hindi pa tapos ang house party nila Jaycen," she asked happily.

J-jaycen.

Marinig ko lang ang pangalan niya, nandidiri na ako.

"I'm tired," I answered.

Mukhang nag-alala naman siya sa sinagot ko.

"Lasing ka kagabi, saan ka natulog?" she asked confusingly.

Kinabahan ako sa tanong niya. I know to myself na hindi ako lasing no'n. Sadyang may ipinainom lang sa akin si Jaycen.

"S-sa guest room," utal kong sagot.

Tumango-tango siya. Sana hindi niya nahalatang nagsisinungaling ako.

"I see, by the way I have to go na," she said as she smiled at me.

I just gave her a tight hug. Nakahinga ako ng maluwag pagkaalis niya.

"Nag-enjoy ka ba sa house party ng mga kaibigan mo?" I heard mom asked me from the kitchen.

I feel bad.

"Opo, Nay!" sigaw ko na lamang mula sa sala. Hindi naman na siya muling nagtanong pa.

"Nak, puwede bang ikaw muna maglinis ng bakuran nila Ma'am Iza," utos ni nanay.

I need to act normal, na parang walang nangyari sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nawalan ng trabaho ang mga magulang ko dahil sa akin.

"Opo, Nay, pupunta na." Pinilit kong maging masigla nang sabihin 'yon.

My mom smiled at me, dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.

I slowly walked papunta sa bahay nila Ares. Naalala ko kung paano niya ako itinuring na kaibigan. He let me join to his circle of friends. Kabilang na ro'n si Celeste. Mas close ko si Celeste kaysa sa kanilang lahat. Pero ngayon hindi ko na alam kung paano pakikisamahan ang mga taong 'yon. Ni hindi ko alam kung lahat ba sila may kinalaman sa ginawa sa akin ni Jaycen.

I have reached their house without knowing. Sobrang lutang ko na.

"Iha, saan si nanay mo?" tanong ng hardinero nila Ares.

"Nasa bahay po, ako po muna ang maglilinis ng bakuran," I answered normally.

"Ang sipag talagang bata nito."

Nginitian ko na lamang siya.

Sana hindi pa umuwi si Ares, ayoko siyang makita. Natatakot ako sa kanya. Nagsimula ko na linisan ang malawak nilang bakuran. Pagod na ang katawan ko, pero hindi ko dapat ipahalata. Maya-maya lang ay may bumusina mula sa labas.

"Iha, ikaw muna magbukas ng pinto baka nariyan na si sir Ares."

I started to get nervous, and I've felt rapid heartbeats. Nagpapawis na rin ang noo ko. Hindi dahil sa pagod ako sa paglilinis kung hindi dahil kay Ares.

"Iha?" ulit na tawag ng hardinero sa akin.

"Ahh opo, pupunta na po."

I acted normally. Tumakbo ako palapit sa gate at binuksan iyon. Tama nga ang hardinero nandito na si Ares. Halata namang namataan ako ni Ares. Pagkapasok ng sasakyan niya ay isinarado ko na ang gate. Bumalik ako sa garden at pilit na iniwasan si Ares. Pero I failed, hindi ko siya naiwasan. Lumapit ito sa akin and he stared at me coldly.

"Come with me." He has the authority on his voice.

Mas lalo akong kinabahan. "No, hindi ko pa tapos ang trabaho ko rito," I said, rejected him.

Akmang tatalikuran ko siya nang marahas niyang hawakan ang braso ko. Pilit ko mang bawiin ang braso sa kanya kaso hindi ko magawa. Hinila niya ako paalis sa garden at ipinunta sa parking lot nila.

"Let me go!" inis kong sigaw sa kanya.

And finally, he released my arm.

"A-ano ba ang kaylangan mo? After you threatened me, magpapakita ka pa talaga sa akin?" ani ko habang pinipigilan kong maiyak.

He sighed. "Gusto ko lang siguraduhing hindi ka magsusumbong," direktang tugon sa 'kin.

Hindi ako makapaniwala. Wala na ba talaga siyang puso?

"Sagutin mo nga ako! Plinano niyo ba ito?" I desperately asked him.

He sighed again. "Yes."

Then a tears ran down my face. "How about Celeste? Devyn? Jayana? And Calista? Aware ba sila sa ginawa ni Jaycen sa akin?" pagtukoy ko sa mga babaeng kaibigan.

He took his eyes off me, hindi siya makatingin ng maayos. "Yes."

After I heard his answer, napaupo ako sa lupa.

Even them? They betrayed me? Ano 'yong nakita kong Celeste kanina? Nagpapanggap siyang walang alam?

"Hindi ko alam kung ano'ng rason ni Jaycen kaya ka niya pinagsamantalahan. I suggest, just keep quiet, Amara. Magpasalamat ka na lang na buhay ka. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari. Let's act normal, lalo na school."

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon