CHAPTER 15

430 34 1
                                    

I tried to live in the province peacefully. Halos gabi-gabi umiiyak ako. Remembering those things who ruined me. And everytime na maaalala ko si Erin, mas sumasakit ang nararamdaman ko. I know I'm selfish, iniwan ko ang taong nagmamahal sa akin para hanapin ang sarili ko. Pero mas ayokong maging selfless. Hindi ako komportable sa lugar na 'yon. Kaylangan kong umalis doon.

May trabaho na sina nanay at tatay. Nakatira kami sa bahay ng tito ko. Hindi pinaalam ng mga magulang ko ang nangyari sa akin. Gusto nilang magbagong buhay kami rito.

It's been a month mula noong umalis kami sa city. Pero hanggang ngayon, inaalala ko pa rin si Erin.

Matapos kong tulungan sina nanay at tatay sa bukid ay agad akong nagpahinga. I opened my phone. Ngayon ko lang ulit napagpasyahang magbrowse sa social media accounts ko.

I'm shocked, maraming nagmessage sa akin. Inisa-isa ko 'yon at panay mga classmates ko dati. Mga positive ang messages nila, kaya napangiti ako. Kahit mga kaibigan ko ay nagmessage rin sa akin. Panay paalala silang mag-iingat ako rito. Umasa akong makikita ko ang pangalan ni Erin, pero wala akong nakita. Hindi ito nagmessage sa akin. Noong unang araw ko rito, panay ang message niya sa akin. Isang linggo rin 'yon na tuloy-tuloy siyang nagsend ng message. Pero agad din siyang tumigil nang hindi ako magreply sa lahat ng mensahe niya. Alam kong ayaw na niya akong kulitin pa, dahil nirerespeto niya ang nararamdaman ko.

Napabuntong hininga ako.

Mabuti na 'yon para naman kahit papaano makamove on siya, pati na rin ako. Sadly, hindi ko masasabing naging boyfriend ko siya. Ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko man lang nakasama ng mas matagal si Erin. Pero ito na ang desisyon ko, wala na akong magagawa pa.

Matapos kong tignan ang mga message ay chineck ko lang ang newsfeed ko. In the middle of scrolling down, napahinto ako sa isang litrato. Kumunot ang noo ko nang makitang si Erin ang nagpost. Bumilis ang tibok ng puso ko nang muling tinignan ang picture. Dahan-dahang nahulog ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

I covered my mouth then cried like a child. May kasamang babae si Erin sa picture. Nakaakbay siya sa babae, habang ang babae ay nakahalik sa pisngi niya. Ang caption pa nito ang mas nagpaiyak sa akin.

"I found my happiness," pagbasa ko sa caption.

I thought kung dumating man ang araw na ito ay hindi na ako masasaktan. At pipiliin na lang na sumaya si Erin. Pero iba ang naramdaman ko. Sobra akong nasasaktan ngayon. Ang masama pa pilit akong pinapatay ng nararamdaman kong sakit.

Mahal na ba niya ang babaeng 'to? Sino siya? Kaya ba hindi na nagpaparamdam si Erin sa akin? Para sa akin masyadong mabilis ang lahat. Isang buwan pa lang ang nakalilipas pero bakit masaya na siya? Alam kong dapat maging masaya ako para sa kanya. Pero hindi ko magawa, dahil mahal ko pa rin siya.

•••

6 years later...

Anim na taon na ang nakalipas. I'm totally healed, wala ng sakit. Tanging katahimikan at saya lang ang nararamdaman ko ngayon.

Napangiti ako nang iabot sa akin ng prof ang report card ko. Napakasaya ko dahil pasado ako sa lahat ng subject ko. Sa wakas natapos ko na rin ang 3rd year college.

Masaya kong iniabot sa magulang ko ang report card ko. Sabay silang yumakap sa akin nang makitang pasado ang lahat ng grades ko.

"Ang galing-galing talaga ng anak natin!" masayang tugon ni nanay.

Nakangiting tumango si tatay.

"Kayo po ang inspirasyon ko kaya gan'yan kataas ang mga grades ko," saad ko.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon