CHAPTER 16

489 34 0
                                    

It's 4:55 p.m.

Napakamot ako sa ulo dahil siguradong gagabihin ako ng uwi. O baka madaling araw na ako makauwi. Nakatitig lang ako sa harap ng salamin. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba. Nagmessage na sa akin si Celeste. 5:30 p.m daw niya ako susunduin.

Binuksan ko ang closet at saka naghanap ng masusuot. Kaso panay tingin lang ako sa mga damit. Kaylangan kong paghandaan ng maayos ang susuotin ko.

Marami akong pinagpiliang suotin pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Napili kong suotin ang isang fitted dress. Ang detalyado ng design nito at alam kong bagay ang kulay maroon sa akin.

Dali-dali kong sinuot 'yon at saka nag-ayos na ng mukha. Hinayaan kong ilantad ang mahaba kong buhok at isinuot na ang stiletto heels ko.

Maya-maya lang ay dumating na si Celeste. Nagpaalam na rin ako sa mga magulang ko na malelate ako ng uwi. Panay ang paalala ni tatay sa akin. Tatango-tango na lang ako sa kanya.

Pagkapasok ko sa kotse ni Celeste ay namangha ako sa ganda niya. Mas gumanda siya sa suot na dark green dress.

"Nahahawa ka na rin sa sense of fashion ng mga college students ngayon ah!" tugon nito sa akin.

"College pa naman ako ah!" singhal ko.

Natawa na lang ito.

Tahimik ang naging byahe namin. Hanggang biglaan na lang niyang basagin ang katahimikan.

"Si Jaycen nakalaya na noong nakaraang taon," tugon niya bigla. Pagkasabi niya non ay wala akong ano mang naramdaman. Hindi tulad dati na galit na galit ako. Ngayon ay parang dumaan na lang sa pandinig ko ang mga sinabi niya.

"Good to hear that."

"Ayos lang sa 'yo na nakalaya na siya?" tanong nito.

I sighed. "Siguro sa ilang taon niya sa kulungan may natutunan naman na siya. Saka kuntento na ako sa parusa niya."

She nodded. "Nakita namin siya, halos hindi siya makatingin sa aming lahat. Actually, halos itakwil na rin siya ng mga magulang niya."

Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako sa sinabi niya.

"Pero ang magulang hindi kayang iwanan ang anak. Kaya ayon isinama nila si Jaycen sa ibang bansa. Kaya wala na rito sa Pilipinas si Jaycen," dagdag pa nito.

Buti nakalabas siya sa bansa sa kabila ng pagkakakulong niya.

"Mabuti na 'yong doon na lang siya. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kapag nakita ko pa siya rito," sabi ko.

Celeste looked at me. "Paniguradong malungkot si Ares, lalo na't mag-isa na lang siya sa kulungan. Walang kaibigang makakausap."

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana.

Magtatagal pa siya roon at sana kayanin niya.

•••

Kinakabahan akong bumaba sa kotse ni Celeste. Although kasama ko si Celeste ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-alala.

Sabay kaming pumasok ni Celeste sa isang malaking bahay. Namangha ako dahil napakadetalyado ng bahay na ito. Ang refreshing at aesthetic ng labas hanggang loob. Halatang ginaya ni Erin ang ideya sa bahay ng mga magulang niya.

Pagkapasok namin ay agad kaming nilapitan nina Devyn, Calista, Jayana maging si Aiden at Jace ay lumapit sa amin.

"Wow! Ikaw ba talaga si Amara?" hindi makapaniwalang tanong ni Aiden.

Ang laki rin ng pinagbago ng itsura niya. Mas alagang-alaga ang pangangatawan niya. Ano pa nga ba ang masasabi ko, artista ang kaharap ko.

"Ikaw ba talaga si Aiden?" pagbibiro ko sa kanya.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon