Jaycen and Ares are finally imprisoned. Yesterday in the court Jaycen tried to beg me. He was constantly crying in front of me. Pilit siyang humihingi ng tawad. He said just let him go dahil he gave us evidence. Pero hindi ako naawa sa kanya. Wala akong pakialam kung nagsisisi na siya sa mga ginawa niya.
Naging maayos ang hearing kahapon dahil naroon si Celeste para isiwalat ang lahat. Kahit mukhang natrauma na rin siya sa pananakit ni Ares ay itinuloy pa rin niya ang pagiging witness.
Ares did not answer any questions. He remained silent yesterday. Kaya naging matagal ang proceeding kahapon dahil sa kanya. Sinubukan pa niyang itanggi ang lahat pero wala siyang kawala sa mga ebidensya.
Jaycen and Ares declared guilty.
Naroon din si Erin kahapon. Gustong-gusto niyang saktan si Ares. Pero pilit ko siyang pinigilan. Alam kong sira na ang buhay nina Jaycen at Ares. They can no longer finish school at hindi ako makokonsensya. Dahil dapat lang silang magbayad sa lahat ng ginawa nila sa akin.
Nagpunta rin ako kahapon sa mga kaibigang akala ko ay trinaydor ako. They all apologized, pilit nilang sinisi ang sarili dahil wala silang nagawa noong gabing 'yon. They are all clueless, alam ko namang wala rin talaga silang magagawa dahil planado ang lahat. Humingi rin ako ng tawad sa kanila dahil pinagbintangan ko sila sa kasalanang hindi naman nila ginawa. Nagkaayos kaming lahat at ang masasabi ko lang, hindi pala ako nag-iisa. May mga kaibigan na akong kakampi sa akin.
Malungkot ako habang hawak ang phone ko. Nagmessage si Erin sa akin. Gusto raw niyang puntahan ako rito sa bahay. I agreed, dahil may sasabihin din ako sa kanya. Nang maalala ang sinabi nina nanay at tatay ay mas nalungkot pa ako.
Napahawak ako sa dibdib nang maramdamang patulo na naman ang mga luha ko.
Maya-maya lang ay nakita ko na si Erin. Lumabas ito sa sasakyan at sinalubong ako ng yakap. I hugged him back, while forcing myself not to cry.
"Amara..." His whisper caused me pain. Humarap ito sa akin nang hindi ako sumagot. He smiled at me. A pure smile that give me comfort.
"E-erin," I stuttered as I said his name.
Tumango-tango ito. "M-mara..." His voice started to crack.
I held his hand. "Sinabi ko na sa 'yo kahapon. Hihinto muna ako ng pag-aaral at uuwi na kami sa probinsya." I forced myself to talk properly.
Hindi na ako makakapag-aral sa susunod na pasukan. We are financially down. Kaya napagpasyahan ng mga magulang kong umuwi kami sa probinsya. Dahil may trabahong inaalok ang kapatid ni tatay. Ayaw itong tanggihan ni tatay dahil nais nitong makapag-ipon para sa pag-aaral ko. Sobrang naghinayang ako dahil hindi na ako makakapag-aral sa susunod na pasukan. Pero wala akong magagawa, walang ipon ang mga magulang ko. Kung sakali ay maghahanap ako ng scholarship sa probinsya pero hindi ko siguradong makakahanap agad ako. Napagpasyahan ko rin na magtrabaho na lang sa probinsya para makapag-ipon din para sa pag-aaral ko. Erin insisted to help me financially, but I can't take his offer.
"Kaylangan ba talagang umalis pa kayo?" The sadness on his voice makes me want to cry.
I simply smiled. "Yes, Erin, gusto kong ayusin din muna ang buhay ko. Akala ko nga sapat na kasama lang kita para mawala lahat ng nararamdaman kong sakit. Pero hindi, Erin, parang may kulang pa rin. Kasi kahit tumingin ako sa magandang bagay walang nangyayari." I cut my words at huminga nang malalim. "I need to find peace, not here. Kasi tuwing tumitingin ako sa paligid, laging bumabalik sa akin ang lahat. Sa tingin ko kapag nasa probinsya na ako mas magiging maayos ang pakiramdam ko. Makakalimutan ko na siguro ang lahat." Pilit ko man na itago ang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko magawa.
He took his eyes off me. Tinalikuran niya ako, nakita ko kung paano niya pinilit ang sariling h'wag umiyak.
"E-erin, listen to me, I need t—"
"Alam ko, Amara, wala na akong magagawa. Alam kong hindi talaga ako sapat na dahilan para manatili ka." Ngayon ko lang narinig ang boses na iyon. Sobrang lungkot nito and it really breaks my heart.
Lumapit ako sa kanya at walang sabing niyakap siya patalikod. Nagulat ito sa ginawa ko.
"Amara, hihintayin kita," aniya.
Napapikit ako pagkasabi niya ng mga salitang 'yun.
"Hindi mo na kaylangang hintayin pa ako, Erin." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
He turned around and I saw how his eyes desperately begging me. "Mara, kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal. Basta ipangako mong babalik ka," pagmamakaawa nito.
"Hindi ko maipapangako, Erin."
Bumagsak ang balikat nito. Then suddenly a tears ran down to his face. Hindi ko kaylanman nakitang umiyak si Erin. Kaya ngayong nakikita ko na, sobra-sobrang sakit ang idinulot nito sa akin.
"S-sinabi ko naman sa iyong tutulungan kita. Kaylangan ng trabaho ng nanay at tatay mo? Hahanap ako rito, susuportahan kita sa pag-aaral mo. Gagawin ko lahat, Mara. Just stay!" anito habang sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya.
Inalis ko ang tingin sa kanya.
"Mara! Ikaw na ang nagsabi 'di ba. I'm financially stable. Hindi mo na kaylangan pang lumayo, dahil handa akong gawan ng paraan ang lahat," dagdag pa nito. Napahawak ako sa gate namin. Hindi ko siya matignan. "Mara, please let me help—"
"Erin, stop!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Dahan-dahan akong napaupo sa lupa. Akmang lalapit ito sa akin pero agad ko siyang pinigilan. "Sinabi ko na sa 'yo, Erin. Hindi ko kayang mabuhay dito sa lugar na 'to. Akala ko ayos na ako! Pero hindi pa pala. Erin, I'm so sorry." Then my tears flows out.
Natahimik ito.
"Erin, hindi ako kaylanman nagsinungaling noong sinabi kong mahal kita. Dahil totoong mahal kita, Erin. Pero hindi sapat na mahal lang kita. Kasi gusto ko rin na mahalin ang sarili ko." Napahawak ako sa dibdib dahil sa sakit na nararamdaman. "Erin, h'wag mo na akong hintayin pa." Pagkasabi ko non ay akmang lalakad na ako paalis nang bigla niyang hawakan ang braso ko at agad akong niyakap.
Doon ko ibinuhos ang lahat, umiyak lang ako nang umiyak habang yakap-yakap niya ako. Naramdaman ko ang mga kamay niyang hinahaplos ang likuran ko. At bago pa magbago ang isip ko sa mga desisyon ay agad akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya.
Malungkot ang mga matang tumingin ito sa akin. "Just let me hug you, Mara." He cut his words at tumingin sa lupa. "After that pakakawalan na kita." Nakita ko kung paano niya ikuyom ang mga palad.
Sobrang sakit ng mga salitang 'yon. Pero wala na akong magagawa pa. Desisyon ko 'to dapat ay panindigan ko.
I slowly nodded.
Lumapit siya sa akin at doon na niya ako niyakap ng mas mahigpit kaysa kanina.
"Before you go, I want you to remember these words..." he whispered. I closed my eyes and waited for it. "I love you, Amara."
BINABASA MO ANG
I'm Being Blackmailed (COMPLETED)
General FictionThey say friends don't destroy one another. But for me, friends can ruin your life. _____ January 20, 2021 - January 29, 2021