"Panigurado mapapagod ako bukas," tugon ni nanay.
Birthday bukas ni Ares at siguradong marami ang bisita. Kaya mapapagod talaga ang mga katulong nila Ares, kasama na roon si nanay.
"Tutulungan ko po kayo, Nay."
"Hindi na, anak, imbitado ka bilang kaibigan ni Ares. Maraming pupuntang estudyante sa school niyo. Ayoko namang makita nilang, nagtatrabaho ka habang sila nag-e-enjoy."
Nalungkot agad ako.
Hindi kami magkaibigan ni Ares at lalo namang hindi ko na siya itinuturing na kaibigan.
"Nay, naman, ayoko rin makitang magpapakapagod kayo bukas tapos ako makikiparty lang. Saka hindi ako invited nay."
"Invited ka, anak! Nagpunta si Ares dito kaninang umaga. Tulog ka pa, kaya hindi na kita ginising. Siya nga 'yong may dala ng prutas." Itinuro ni nanay 'yong prutas sa lamesa. "Boss ko 'yon, nak, baka sumama loob niya kapag pinagtrabaho lang kita. Kaya mag-e-enjoy ka bukas. Maraming makakain at pool party pala 'yon," pagkumbinsi ni nanay.
Ano ba talagang kaylangan sa akin ni Ares? Hindi ko na siya kaibigan dapat ay h'wag na niya akong guluhin pa. Hindi naman ako magsusumbong sa kahit kanino.
•••
I wear simple clothes, fitted shirt tucked in my high waist and a flip flop sandals. I ponytail my hair and bring my shoulder bag. I don't wear makeup. Nagpolbos lang ako ng mukha. Bukod sa hindi ako marunong magmakeup ay hindi ako komportable.
Madaling araw pa lang ay umalis na sina nanay at tatay. Marami silang aasikasuhin kila Ares.
It's 2:37 p.m.
Pool party daw 'yon pero hindi na ako mag-aabala pang magdala ng pang palit. Sandali lang ako roon at aalis din agad.
Kinuha ko na ang paper bag na may lamang regalo ko. Wala talaga akong balak pumunta sa kaarawan ng taong may kinalaman sa bangungot na nangyari sa akin. Pero kaylangan kong maging maayos sa harap ng lahat.
Ang tanga ko lang talaga. Dinalhan ko pa ng regalo ang taong nangblackmail sa akin.
•••
I entered their big house and as I expected halos lahat ng 1st year college ay nandito. I don't know them kaya naiilang pa akong pumasok. Although I saw some of my classmates inside the house, I'm still uncomfortable. Maybe I need to find Erin, siya lang naman ang nakakausap ko ng maayos.
There's a lot of people in the living room. But when I arrived in the backyard, mas marami pa pala. Lalo na't narito ang pool. Napaiwas ako ng tingin dahil may mga lalaking half naked. I feel a little insecure rin sa mga nakikita kong babaeng nakaswimsuit. Honestly they look good and sexy.
I sighed.
Hindi ko na lang pinansin ang mga taong naroon. I looked around the backyard but I couldn't find Erin. Umalis na lamang ako roon. At nagpunta sa dining area. Marami rin ang tao rito. Nakita ko si nanay, lumapit ito sa akin.
"Hindi ko akalain na ganitong bisita ang dadalhin ni Sir Ares." Mukhang pagod na si nanay. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at ipinunas iyon sa noo niya.
"Nasaan ba parents ni Ares? Hindi ko pa sila nakikita nay."
"Nasa second floor, kapag umakyat ka roon ibang kalagayan naman ang makikita mo. Parang formal party 'yong nasa taas. Panay bisita ng parents niya ang naroon," paliwanag ni nanay.
"So nando'n po si Ares?"
"Oo, anak, nga pala nakita ko 'yong mga kaibigan mo. Naroon sila sa garden."
BINABASA MO ANG
I'm Being Blackmailed (COMPLETED)
Algemene fictieThey say friends don't destroy one another. But for me, friends can ruin your life. _____ January 20, 2021 - January 29, 2021