Wala pa ang prof kaya sobrang ingay sa classroom. Tahimik naman akong nakaupo sa tabi ng bintana. I silently watched my classmates. I saw Ares entering the room. Nakasunod sina Devyn at Jayana sa kanya. Hindi nila ako napansin. Diretso silang naupo sa kanya-kanyang upuan.
Celeste, Calista, Jace and Aiden are my friends too. Pero hindi namin sila classmates dahil iba ang course nila. Sampo kaming magkakaibigan, pero siyam lang kaming sumama sa house party ni Jaycen.
Now I don't know who is my real friend.
Maya-maya lang ay nakita ko na ang pagdating ni Jaycen. He entered the classroom quietly na halos walang nakapansin sa kanya kung 'di ako lang. He saw me staring at him. But he took his eyes away from me. Gusto kong manakit. Makita ko lang siya, nagwawala na ang buong pagkatao ko. Ang kapal ng pagmumukha niya.
"Mara..." I felt a hot breath behind me.
Agad akong tumingin sa likod ko.
It's Erin, one of my friend. He didn't join in the house party.
He sat beside me. "Buti na lang hindi ako nagpunta sa house party ni Jaycen. Nag-enjoy ako sa out of town namin."
"Good for you," sabi ko sabay pagbuntong hininga.
"Oh? Bakit bumuntong hininga ka? Hindi ka ba nag-enjoy sa house party?" he asked me.
I clenched my fist secretly.
Buti na lamang dumating na si prof, kaya hindi ko na lang siya pinansin.
"Class, may test tayo ngayon," bungad nito sa amin. Umatungal naman halos ang lahat dahil biglaan ang paquiz ni prof. Maging ako ay napasinghal.
"Okay let's start the test," ani pa niya. Hindi niya pinansin ang pag-atungal namin. He distributed the test papers. Nagstart na nga ang quiz. 30 minutes lang ang binigay na oras sa amin.
I don't know how to answer those questions. Lutang ako, sobrang lutang. Pasimple kong tinignan si Jaycen na katabi sila Ares. Nagtatawanan sila dahilan para mas ikuyom ko ang mga kamay.
"Hey, Mara!"
I finally stopped thinking about them. Erin caught my attention.
"Ano?"
"Wala ka pang sagot? 10 minutes na lang," tugon nito.
"Hindi ko alam ang isasagot ko," I honestly replied.
Natawa siya. "Give me your test paper."
"No, kaya ko 'to," I refused.
He sighed and he took it without my permission. "Ako na, take my test paper para hindi tayo mahalata ni prof."
Wala na akong nagawa. Kinuha ko na lang ng patago ang test paper niya. Nagulat ako dahil nasagutan na niya lahat.
He's smart and kind. Hindi ko siya dapat katakutan dahil wala siyang alam sa mga nangyari sa akin. He's completely innocent.
Maya-maya lang ay nagpapasa na si sir ng test paper. At natapos na rin ni Erin sagutan ang paper ko.
"Tara sa cafeteria, nag-aaya sila Jaycen," he said.
Ito na naman ang galit na nararamdaman ko.
"Ayos lang ako, pumunta ka na," I said as I smiled at him.
"Himala ba 'to? Tinatanggihan mo ang pagkain? Hindi ikaw si Mara," tumatawang tugon nito.
Napangiwi ako. "Busog ako."
"No, halika na ililibre kita. Dali!" nakangiting pilit sa akin.
Napansin ko naman sila Devyn na tinatawag ako. They acted normal na parang walang nangyari. They are not my friends anymore. I don't want to trust anyone right now.
"E-erin, I can't." Nanginginig na ang mga kamay ko.
"May sakit ka ba?" He even put his hand on my forehead just to check my temperature. "Wala naman ah? May problema ka ba?" tanong pa nito.
I aggresively removed his hand on my forehead. It's traumatic, nagiging sensitive na ang katawan ko tuwing may hahawak sa akin.
"I need to go home, sorry."
I grabbed my bag, and ran away. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just need peace of mind. I sat on the bench in the hallway. Ang ikli lang ng tinakbo ko pero napagod agad ako.
"Act normal? How? Narape ako at blinackmail pa. How can I act normal?" I cried.
Nagtagal ako sa hallway. Buti na lamang at walang masyadong estudyante. Inisip ko lang nang inisip lahat ng nangyari. Mula noong pumasok ako sa bahay nila Jaycen, nagsaya at nagtiwala sa mga itinuturing kong kaibigan. Pilit kong hinanap kung ano ba ang nagawa kong masama sa kanila para pagtulungan nila ako.
Nawaglit lahat ng isipin ko nang maramdamang may tumabi sa 'kin. At hindi nga ako nagkamali ng hinala. Si Erin iyon, napansin ko pa ang dala niyang drinks at cookies.
"Sabi ko ililibre kita, kaso mukhang ayaw mo. But here, take this," aniya at inabot niya sa 'kin ang pagkaing binili.
I stared at him.
Mukhang nailang naman siya sa pagtitig ko.
"Amara, I know may problema ka. Just tell me wh—"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin. Agad ko siyang niyakap dahilan para mabitawan niya ang hawak na pagkain. I cried, umiyak lang ako nang umiyak. And he hugged me back.
"Erin, please be real. Nagmamakaawa ako please be real." Hindi ito umimik, nagtataka lang siya sa kilos ko. "Erin, please!"
"Yes I will, don't worry whatever it is I got your back."
I smiled while crying. "Thank you."
BINABASA MO ANG
I'm Being Blackmailed (COMPLETED)
Ficción GeneralThey say friends don't destroy one another. But for me, friends can ruin your life. _____ January 20, 2021 - January 29, 2021