CHAPTER 11

438 37 1
                                    

As each day passes, Erin and I become more closer to each other. He always made me feel that I deserve better. Mas naging maayos ang pakiramdam ko. Hindi na ako nag-iisa I have a shoulder to cry on.

"Nanliligaw ka sa anak ko?" my father asked while observing Erin.

Erin smiled. "Opo."

Mas kinakabahan pa ako kaysa kay Erin.

My father looked at me seriously gayon din si nanay.

"Seryoso ka ba sa anak namin?" tanong pa ni tatay. Pinagpapawisan na ako pero nanatiling kalmado si Erin.

"Opo, Tito."

"Aba'y payagan mo na 'tong anak natin na magkaboyfriend," biglang saad ni nanay kay tatay.

"Nag-iingat lang ako, nag-iisang anak lang natin 'yang si Amara. Alam mo naman ang mga lalaki ngayon. Minsan ang habol lang sa babae ay katawan. Ayokong ganoon ang mangyari sa anak natin," seryosong tugon ni tatay.

Napayuko ako.

Paano kapag nalaman nila ang nangyari sa akin?

"Huwag po kayong mag-alala, Tito, wala po akong intensyong gawan ng masama si Amara. Nirerespeto ko po siya. Sana po payagan niyo akong ituloy ang panliligaw sa kanya," sabi ni Erin. Naramdaman kong hinawakan ni Erin ang kamay ko mula sa ilalim ng lamesa.

Tinignan ko siya saka nagsalita. "Tay, pumayag na kayo."

Nahihiya ako! Ngayon lang ako nagpakilala ng lalaki sa kanila.

Bumuntong hininga si tatay. "Sige, basta alam niyo ang limitasyon niyo. Pareho kayong mag-ingat at ikaw Erin sana lang talaga malinis ang intensyon mo sa anak namin," wika ni tatay.

Masayang tumango si Erin. "Salamat po!"

Napangiti ako. "Salamat, Tay! H'wag po kayong mag-alala, maayos na lalaki si Erin," nakangiting saad ko.

Mas humigpit ang hawak ni Erin sa kamay ko matapos ko 'yong sabihin. Napangiti si nanay at wala ng nagawa si tatay kung hindi ang maging masaya na lang sa amin ni Erin.

•••

"Kinabahan ako ro'n!" agad na tugon ni Erin pagkalabas namin sa bahay. Sinundo niya ako para magsabay kami papunta sa school.

"Mukhang hindi nga eh," nakangiting sabi sa kanya.

"Hindi ko lang pinahalata. Pero promise nanginginig kamay ko. Kaya nga napahawak na lang ako sa 'yo!" tumatawang saad niya.

I smiled widely nang maalala ko ang pagpunta namin sa bahay nila. Pinakilala niya ako sa parents niya. At sobrang saya ng mga magulang niya para sa amin. Ang bait ng parents ni Erin. Kung titignan, perfect family na sila kung hindi lang nawala ang ate niya.

Nag-aasaran kami sa byahe hanggang makarating sa school. Hindi namin alintana ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. We're not even holding each other hands pero grabe ang bulungan.

Nang makarating kami sa classroom ay dumistansya muna kami sa isa't isa. Nakita kong nakatingin lang samin sina Devyn at Jayana. Hindi ko na lang sila pinansin. I turned my attention to Ares and Jaycen. May pinag-uusapan ang dalawa at wala akong pakialam kung ano man 'yon.

"Class, alam kong excited na kayo sa party bukas." Nag-umpisa na mag-announce si prof.

Bukas na ang last day and night namin sa pagiging 1st year college. Ganito talaga sa school na 'to. Nagcecelebrate bawat year end and first time naming mararanasan 'to as 1st year college, well mararanasan ulit namin 'to sa mga susunod na year namin. Pero mas paghahandaan ko ito. Sa wakas matatapos na rin ang 1st year ko sa pag-aaral. At espesyal 'to dahil kasama ko si Erin.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon