CHAPTER 13

437 32 3
                                    

I'm alone in my room, pilit na inaalala ang mga nangyari. I have no more tears to shed. I'm still shocked, tulala lang ako sa kuwarto. Pilit akong pinapakain nila nanay, pero tumanggi ako. Napakasinungaling ni Ares. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa lahat ng ginawa niya. Agad na namang bumalik sa isipan ko ang lahat ng inamin ni Celeste sa akin noong gabing 'yon.

Walang kinalaman sila Celeste sa lahat ng nangyari sa akin. Sina Jaycen at Ares lamang ang nagplano ng lahat. Malinaw na sa akin kung bakit laging magkasama sina Ares at Celeste.

Noong gabing matapos akong pagsamantalahan ni Ares, nagising si Celeste mula sa pagkakatulog. Nagpunta si Celeste sa kusina, ngunit nadatnan niya sina Jaycen at Ares na nag-uusap. Narinig niya ang lahat ng pinag-usapan nila. Hindi niya mapigilan ang umiyak noong nalaman niya ang ginawa sa akin ni Ares. Nakita siya ng dalawa kaya agad siyang tinakot ni Ares. Katulad ko ay blinackmail din siya. Pilit siyang pinatahimik ni Ares. Noong araw na nakita ko sina Celeste at Ares na pumasok sa bakanteng classroom. Plano na pala ni Celeste na sabihin sa akin ang lahat pero agad siyang pinigilan ni Ares. Sinaktan ni Ares si Celeste, ang lahat ng pasa ni Celeste si Ares ang may gawa.

Walang alam sina Devyn, Jayana, Calista, Aiden at Jace sa lahat ng nangyari sa akin noong gabing 'yon. Niluko ako ni Ares, pilit niyang itinatak sa isipan kong may kinalaman sila. Sobra kong sinisi ang sarili dahil naniwala ako kay Ares. Hindi ko man lang tinanong sa kanila kung talaga bang may kinalaman sila. Nauna ang galit ko, kaysa ang alamin ang totoong nangyari sa akin. Noong araw na narinig ko sina Celeste at Calista sa dressing room. Akala ko talaga ako ang pinag-uusapan nila. Pero hindi, totoong sinira ni Jaycen ang project ni Calista kaya nagpanic ito at pilit na tinatanong kay Celeste kung ano ang gagawin niya. Buong akala ko nagsinungaling sila kay Erin.

Nalinawan na rin ako kung bakit ako pilit na nilalapitan ni Jaycen para takutin o gawan ng masama. Dahil inutos lahat ni Ares na gawin niya 'yon. Binayaran niya si Jaycen, perang hindi kaylanman matatanggihan ng katulad ni Jaycen. Akala ko talagang ipinagtanggol ako ni Ares kay Jaycen noong birthday party niya. 'Yon pala hindi! Dahil lahat ng 'yon ay palabas lamang niya. Para magmukhang masama sa harap ko si Jaycen at mapaniwala akong si Jaycen talaga ang gumahasa sa akin.

Noong malaman ko ang lahat ng 'yan kay Celeste ay wala akong ibang inisip kung hindi ang mawala na sa mundo si Ares. Sobrang galit ang nararamdaman ko. Dahil lang sa pagkagusto niya sa akin nagawa niya ang lahat ng 'yon. Sinira niya ang buhay ko at sinira niya ang tiwala ko sa ibang tao.

"Anak!" Nagising ang diwa ko. Nagulat ako nang makita sina nanay at tatay sa harapan ko. Halos madurog ang puso ko, when I saw my mother in tears. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni tatay. Halata ang galit sa mukha nito.
Dahan-dahang napaupo si nanay sa harap ko. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang nalaglag sa mga mata ko.

"A-anak!" Agad na ipinakita ni nanay sa akin ang papel na hawak niya. Nabasa na nila.

"Ano 'tong sulat na 'to? Ano ang ibig sabihin niyan!" malakas na sigaw ni nanay sa akin. Imbes na sagutin siya agad akong yumakap sa kanya. Umiyak ako na parang bata.

"B-bakit? Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga? Sa ganitong paraan mo pa pinaalam sa amin! Bakit hindi mo na lang sabihin! Anak totoo ba ang nakalagay sa papel na 'yan?!" Patulo na rin ang luha ni tatay pero pinilit niyang pigilan iyon.

"Tay, Nay, sorry po! H-hindi ko alam kung sasabihin ko sa inyo. A-ayokong mawalan kayo ng trabaho. H-hindi ko kakayanin!" I can't even talk properly. My mother looked at me. Pinahid nito ang kamay sa mga mata ko.

"Wala kaming pakialam sa trabaho anak! Ikaw ang importante sa amin! Anak! Ikaw ang kayamanan namin!" umiiyak nitong tugon sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak. Makita ko pang umiiyak ang mga magulang ko ay para na akong pinapatay.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon