I fixed myself at dahan-dahan na naglakad sa hallway.
"Amara."
Napahinto ako sa paglalakad. Calista called me, dali-dali itong lumapit sa akin. She looks worried.
"Bakit?"
"Nakita ko 'yong nangyari noong party ni Ares. Are you okay?"
Ano na naman bang palabas 'to?
"Ayos ako," maikling sagot saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag muli niya ako.
"Amara, nag-aalala na ako sa'yo. May problema ka ba? Halos hindi mo na kami pinapansin," tugon nito.
Agad na nabuo ang galit sa dibdib ko.
"P'wede ba! H'wag ka nang magkunwari pa. Hindi ko naman kayo iiwasan ng walang dahilan. At alam mo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito! Stop pretending, Calista!" Hindi ko na napigilan ang sarili. Nagulat siya sa naging pagtaas ng boses ko.
"A-amara? Hindi ko alam ang sinasabi m—"
"Go away, hindi ko kayo kaibigan." Matapos sabihin 'yon ay iniwan ko siya. I held my tears. Hindi ako iiyak. Hindi niya alam? Wala siyang alam? Niloloko ba niya ako?
I entered the classroom at mas nagulat ako nang bumungad sa akin sina Jace at Aiden.
"Amara," pauna ni Jace. Hindi sila makatingin sa akin ng maayos. Pinakalma ko naman ang sarili.
"Gusto lang naming humingi ng tawad," sabi ni Aiden.
"Sorry, Amara, hindi naman namin akalain na gano'n ang mangyayari sa 'yo sa pool," ani pa ni Jace.
"Hindi rin kami makapaniwalang nais kang gawan ng masama ni Jaycen doon. Sorry," sabi ni Aiden.
Hindi ko sila pinansin. Nagpunta na lamang ako sa upuan ko at naiwan silang hindi makapaniwala sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanila.
Bakit gan'yan sila? Nagagawa pa nila akong lapitan at mag-alala sa akin sa kabila ng ginawa nila.
Napansin ko si Ares na palabas sa classroom. Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Nagtaka sina Jace at Aiden sa naging paglabas ko. I followed Ares hanggang makarating ito sa cafeteria. Bago pa man siya makapunta sa counter ay agad kong hinawakan ang braso niya.
He turned around. "Why?" Napatingin pa ito sa braso niyang hawak ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sobrang galit na ang nararamdaman ko.
"Sabihin mo nga ang totoo, alam ba talaga nila ang nangyari sa akin?" malakas ang loob na tanong sa kanya.
He looked around the cafeteria. Then he grabbed my hand. Hinila niya ako palabas ng cafeteria.
"Sinundan mo ako para lang d'yan?" tanong nito.
So he's aware na sinusundan ko siya.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko!" Tumaas ang tuno ng boses ko.
Mukha siyang nag-aalala habang inililibot ang mga mata sa paligid. Natatakot itong may makakita sa amin.
"Oo, alam nila ang nangyari sa 'yo," he seriously answered. Agad siyang napabitaw sa kamay ko.
Nanghina ako. "Pero ang sabi ni Calista wala siyang alam," I said as I held back my tears.
He sighed. "She's lying." Mas sumama ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"Nagpapanggap silang walang alam. Dahil ayaw nilang madamay sa nangyari sa 'yo. Pero kahit ano'ng gawin nila, involve sila. Kahit itanggi nila, may kasalanan pa rin sila. May kasalanan kami. Hinayaan naming pagsamantalahan ka ni Jaycen." When he said those words, nagsimula na akong maiyak. Dahan-dahang lumapit sa akin si Ares at walang pasabing niyakap ako.
BINABASA MO ANG
I'm Being Blackmailed (COMPLETED)
Ficción GeneralThey say friends don't destroy one another. But for me, friends can ruin your life. _____ January 20, 2021 - January 29, 2021