CHAPTER 5

491 39 1
                                    

Tinulungan ko si nanay sa pag-aayos ng hapag kainan. Si tatay naman ay nagpauna ng kumain dahil may trabaho pa ito. I checked Erin if gising na siya, pero napangiwi ako nang makitang tulog pa ito.

"Buti na lang at hindi siya nakita ng tatay mo," saad ni nanay.

"Kaya nga, Nay, kung 'di lagot ako kay tatay," nakangiwing tugon.

"Eh aba gisingin mo na 'yon. Baka hinahanap na siya sa kanila."

I entered my room, then slowly walked towards him. Dahan-dahan ko siyang kinalabit.

"Erin," I called his name "Hey, Erin, wake up!" Medyo nilakasan ko na ang boses ko.

And thank god, he slowly opened his eyes. Medyo nagloading pa sa kanya kung bakit ako ang una niyang nakita sa umaga. Iginala pa nito ang paningin sa buong kuwarto ko. At matapos mapagtantong wala siya sa bahay nila ay agad siyang napaupo.

He covered his mouth. "B-bakit ako nandito?"

I sighed.

Sabi na nga ba't ganito ang eksena niya kapag gising 'e.

"You're drunk at pumunta ka rito sa bahay namin instead of going home."

He crumpled his face. "What the! I didn't mean it. I'm sorry!" He can't even look me in the eyes.

Natawa ako. "Yeah, I understand gan'yan kasi kapag lasing."

Tumayo siya. "Let me go to your mom, gusto kong humingi ng paumanhin."

"Yah sure, nasa kusina siya."

He quickly left.

Naiintindihan ko naman dahil hiyang-hiya na talaga siya sa akin. So I followed him in the kitchen. The I saw him, talking to my mom.

"Sorry po, Tita. Don't worry po ako ang kusang pumunta rito. Wala pong alam si Amara tungkol dito," pagpapaliwanag niya.

My mom smiled. "Naku, iho, ayos lang naman eh. Kung ano pa man 'yang dahilan mo, naiintindihan ko. Basta sa susunod na iinom ka, dumiretso ka na sa bahay niyo. Panigurado nag-aalala na ang mga magulang mo sa iyo."

Nakahinga nang maluwag si Erin. "Copy po, Tita. Hindi ko na po uulitin."

"Aalis ka na ba?" tanong ni nanay.

Napakaapprochable ni Erin halos lahat ata ay nakakasundo niya.

"Yes po, siguradong nag-aalala na sila sa 'kin. Thank you po sa pagpapatuloy." Wala ng nagawa si nanay. Lalakad na sana paalis si Erin nang makita niya ako. "S-sorry," aniya.

Iyon na lamang ang narinig ko mula sa kanya. Dali-dali itong umalis ng bahay namin.

"Sigurado ka bang classmate mo lang 'yon?" tanong ni nanay.

"Oo, Nay."

"Hindi kayo close?"

"Hindi po, weirdo lang talaga 'yong taong 'yon. Feeling close sa lahat." Then I laughed. Natawa na lang din si nanay.

•••

It's monday, at nasa field ako ng school. Habang hindi pa nag-uumpisa ang klase rito ako nakatambay or should I say dito kami tumatambay. Kaso mag-isa ko na lang dahil wala na akong kaibigan.

Maya-maya lang ay napansin ko mula sa malayo sina Ares at Celeste. Pumasok sila sa isang classroom. Bakante ang classroom na pinasukan nila kaya malamang silang dalawa lang ang naroon ngayon.

"Anong meron?" tanong ko sa sarili.

Hinintay ko lang ang paglabas nila. Hanggang lumabas na nga silang dalawa. Nagpauna si Ares sa paglabas at naiwan si Celeste. Maya-maya lang ay napaupo ito sa lupa na tila ba umiiyak.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon