CHAPTER 7

463 29 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Isang araw na ang nakalipas matapos mangyari 'yon pero hanggang ngayon inaalala ko pa rin.

Noong gabing 'yon, inuwi agad ako ni Erin. Hindi ito umalis hanggang hindi nakakauwi ang nanay at tatay ko. Nakatanggap din ako ng text no'n mula kay Ares. He told me na huwag akong magsasabi kay Erin ng kung ano. Ang kapalit daw ng pananahimik ko ay sisiguraduhin niyang hindi na makakalapit si Jaycen sa akin. Ginawa ko nga ang sinabi niya. Nanahimik ako sa harap ni Erin. But I know kitang-kita ni Erin ang nangyari noong gabing 'yon. Sinabi pa ni Erin sa aking nag-iiba na ang ugali ni Jaycen at parang hindi na niya ito kilala. Maging ako ay ganoon din ang iniisip. Sobra na si Jaycen, mas natatakot na ako sa kanya.

Dahil suspended ang klase, nagpunta na lamang ako sa store ni tita. I would rather help her at the store kaysa magkulong sa bahay. Boring din naman dahil wala sina nanay at tatay. Sana nga lang may kapatid ako para naman kahit paano hindi ako nag-iisa. Pero wala, isang anak lang talaga ang gusto ng mga magulang ko.

"Buti na lang pumunta ka, ikaw muna magbantay dito. May pupuntahan lang ako," tugon ni tita.

I nodded. "Ingat, Tita!" pahabol ko nang paalis na siya. Naupo ako sa counter at naghintay ng customer. Buti na lang medyo maraming nagsidatingan para bumili hindi ako naboring.

"Here po," ani ko at nakangiting ibinigay ang sukli sa isang matandang babae. She just smiled. Maya-maya lang ay napansin ko ang pamilyar na taong papasok sa store. Nagulat ako nang makita si Erin.

"M-mara?" gulat niyang tawag sa akin. Hindi siya makapaniwalang nandito ako. He's wearing polo shirt and black pants. Bumagay ang suot niya sa maamo niyang mukha. Hindi ako sanay na magsabi ng ganito. Pero he's really handsome.

"Yes," I said casually.

"Nagtatrabaho ka rito?"

"Tinutulungan ko lang si tita," I answered.

"Tita mo si Ma'am Allison?"

Kilala niya si tita.

"Oo, bakit?"

Inilayo niya ang paningin sa akin. "Dito ako laging bumibili ng bulaklak," sabi nito.

"Para saan?"

He smiled. "Para sa ate ko." Bigla siyang tumamlay pagkasabi non. May kapatid pala siya, buong akala ko nag-iisa niyang anak.

"Weekly akong nagpupunta rito para bumili. Kasi weekly din akong dumadalaw sa puntod niya," ani pa nito.

I feel guilty sa ginawa kong pagtatanong.

Wala na ang ate niya.

"Sorry." Naibaba ko ang paningin nang sabihin 'yon.

He just laughed. "Hahaha, okay lang! Matagal na siyang wala, maayos na kaming lahat, totally healed na."

I smiled at him. "Mabuti naman."

"Pero may galit pa rin sa puso ko..." Pahina nang pahina ang boses niya.

"P'wede ko bang malaman kung ano ang ikinamatay niya?"

Ayaw kong ibalik ang lungkot sa kanya pero nacurious lang talaga ako.

He looked at me, hindi ito nagsalita.

"I'm sorry, okay lang h'wag mo na sagutin 'yong ta-"

"She's a victim of rape."

Nanlamig ang buong katawan ko. I regret asking such question. Agad akong nakaramdam nang matinding galit. I clenched my fist secretly.

"Unforgivable ang ginawa sa ate ko. Sana binuhay man lang siya. Pero hindi eh, pinatay niya ang ate ko ng walang awa. Hindi sapat 'yong kulong lang." Galit ang nakikita ko sa mga mata niya habang sinasabi 'yon.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon