CHAPTER 12

452 38 2
                                    

Honestly I don't want to go in the school event. But my mind suddenly changed because of Erin. He texted me na susunduin ako para magsabay na kami. Then I can't refuse, kahit papaano gusto ko namang mag-enjoy kasama siya. Hanggang madaling araw ang event kasi may party sa gabi. Actually 'yong party lang naman ang hinihintay ng lahat.

"Naiayos ko na ang gamit mo nak, saka ito pa...." Nag-abot si nanay ng pera sa akin.

"Nay meron na po ako rito," sabi ko.

She shook her head, senyales na tanggapin ko ang pera.

"Bigay ng tatay mo 'yan. Pagpasensyahan mo na raw dahil hindi ka niya maihatid-hatid sa school tulad ng dati. Lagi kasing may pinupuntahan sila Ma'am Iza," paliwanag ni nanay.

Ngumiti ako. "Nay, naiintindihan ko po. Saka kaya ko naman ang sarili ko at salamat po rito nay."

"Si Erin ba ang susundo sa 'yo?"

"Opo, Nay."

Ngumiti siya. "Aba'y ang masasabi ko lang, maayos na lalaki 'yon. Kahit medyo pangit 'yong unang impresyon ko sa kanya."

Naalala ko rin agad 'yong araw na nalasing siya at nagpunta siya rito.

"HAHAHA kaya nga po, Nay. Kapag naiisip ko 'yon, natatawa na lang ako."

Nilapitan ako ni nanay at saka walang sabing niyakap ako. Sympre nagulat ako. I hugged her back and I cherished the moment.

"Gagawin namin ang lahat para makapagtapos ka ng pag-aaral. Kaya, anak, aayusin mo ang pag-aaral," pangaral ni nanay habang yakap ako.

Tumango-tango ako. "I love you, Nay!"

•••

Nasa loob na kami ng kotse ni Erin. Pinaandar niya ito at tahimik ang naging pagbyahe namin. Nakakapanibago dahil ngayon lang siya tumahimik.

I looked at him with a worried look in my face. "Erin."

"Hmmm?"

"Sorry."

Napakunot ang noo niya. "Bakit ka naman humihingi ng tawad?"

Hindi ko rin alam kung bakit.

"Wala lang, baka may nagawa akong hindi maganda kaya tahimik ka," wala sa sariling sagot.

Then he suddenly laughed. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. "Hahaha, ano ba'ng iniisip mo? Wala kang ginawang hindi maganda! Kung meron man ay 'yong pagpigil sa 'kin para bangasan si Jaycen."

Napangiwi ako. "Ayoko lang ng gulo!"

Tumingin siya sa akin. "Ano man ang sabihin sa 'yo ni Jaycen tandaan mong hindi totoo 'yon. Nababaliw lang talaga ang lalaking 'yon. Sana nga hindi na siya pumunta ngayon. Papangit lang ang araw ko," seryosong sabi nito.

Sana nga, dahil ayoko rin na masira ang araw ko.

"Ikaw nagsabing mag-enjoy tayo 'di ba. Kaya h'wag mo na siyang papansinin." I smiled at him.

He slowly nodded. Then suddenly the silence occupied the atmosphere again. Hindi talaga ako sanay sa biglaang pagtahimik niya. Although alam ko naman kung bakit siya nagkakagan'yan.

"Erin, magagalit ka ba kung sasabihin kong nakinig ako sa usapan niyo ni Ares kahapon?" pagbasag ko sa katahimikan.

He looked surprised but he didn't want to show it. "Usapan namin?"

"Sa hallway." Then I faced the window.

He sighed. "Gusto ka niya." The sadness on his voice kills me. "Gusto ka niya, Amara, and I don't know what to do." At napabuntong hininga ulit siya.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon