EPILOGUE

735 54 27
                                    

This day would be the most happiest day ever. Gagraduate na ako at sobrang saya ng pakiramdam ko.

My mom smiled at me habang inaayos nito ang buhok ko. Maya-maya lang ay nakita kong lumuha ito bigla.

"Nay! H'wag kang umiyak," pigil ko sa kanya.

"Hindi ko lang mapigilan, anak. Kasi makikita na kitang gagraduate. Sobrang saya ko."

Humarap ako sa kanya at saka daglian siyang niyakap. "Nay, salamat sa inyo ni tatay. Kasi ginawa niyo ang lahat para sa akin. Ngayon ako naman ang magbibigay ng lahat ng kaylangan niyo." Pinigilan ko ang maiyak dahil for sure masisira lang ang makeup ko.

Napapikit na lamang ako.

Hindi ko akalain na kakayanin ko hanggang dulo.

•••

The graduation ceremony started. Tinignan ko ang phone ko nang maramdamang nagbeep 'to. Napangiti ako nang makitang si Erin ang nagmessage. Kaso agad din na nawala ang ngiti ko nang sinabi nitong hindi siya makakarating sa graduation ko. Napasimangot ako na agad namang napansin ni tatay.

"May gagraduate bang nakasimangot?" tanong ni tatay sa akin.

Nag-aalala namang tumingin si nanay sa akin.

"Anak, ano'ng nangyari?"

I sighed. "Hindi raw po makakapunta si Erin. Hindi na nga makakapunta sila Celeste maging siya hindi rin."

"Anak, hayaan mo na, baka may mahalaga talaga silang lakad. Alam mo namang mga professional na 'yang mga kaibigan at boyfriend mo," sabi ni nanay.

I nodded.

Siguro nga busy talaga sila.

Maya-maya lang ay isa-isa nang nagsisiakyatan ang mga estudyante sa stage. Makikita mo sa mga ngiti nila kung gaano sila kasaya. Proud na proud ang mga magulang nila sa mga natamong parangal. At nang tinawag ang pangalan ko ay agad akong tumayo. Inalalayan ko sina nanay at tatay paakyat sa stage.

Magalang na iniabot ng prof ang diploma ko. Hindi ko maialis ang paningin dito. Late man akong nakagraduate atleast humabol pa rin.
Kinamayan namin ang mga prof na nasa stage at saka nagpapicture.

Pagkababa namin sa stage ay tuwang-tuwa sina nanay at tatay habang binabasa ang nakalagay sa diploma ko. Hindi ko rin mapigilan ang mga ngiti habang tinitignan sila.

Bumalik kami sa inuupuan at hinintay matapos ang graduation.

Dalawang oras din ang tinagal ng graduation bago ito matapos. Pagkatapos na pagkatapos ay agad kaming lumabas ng hall. At hindi ko inasahan ang nakita ko paglabas.

Sinabi kong hindi ako luluha 'di ba! Kasi ayokong masira ang makeup ko. Pero hindi ko na napigilan ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko.

I covered my mouth nang makita ang lahat ng mga classmates ko noong first year college ako. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Pumalibot ang mga ibang estudyante sa amin.

"B-bakit nandito 'yong mga classmates ko dati, Nay, Tay?" utal kong tanong sa kanila. Imbes na sagutin ako ay ngumiti silang dalawa sa akin.

Naituon ko ang atensyon sa mga matatalik kong kaibigan. Nanguna si Celeste, lumapit ito sa akin at saka daglian akong niyakap. Matapos non ay inabot niya sa akin ang isang tulips.

"Congrats, Amara, I love you." She smiled at me. Hindi ako makapagsalita tanging pagtango na lang ang ginawa ko.

Sumunod na lumapit sa akin si Devyn. Inabot nito ang isa pang tulips. Binati rin niya ako. Sumunod sina Jayana, Calista, Jace gayon din ang ginawa nila. Nang si Aiden na ang lumapit sa akin ay naghiyawan ang lahat. Sympre artista ang isang 'to paanong hindi magsisigawan ang mga estudyante.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon