I woke up with a smile on my face. Ngayon lang ako ginanahan ng ganito sa buong buhay ko. Nakalimutan ko lahat ng problema ko. Corny man pero iniisip ko pa lang si Erin ngayon ay napapangiti na ako. Kinakabahan din akong pumasok. Hindi dahil kay Jaycen, kung hindi kay Erin. Kinakabahan akong makita siya.
I covered my mouth. "Mahal niya ako?"
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng kinikilig? Parang lahat ng nakikita mo sa paligid ay maganda kahit hindi naman talaga. Agad akong kinabahan sa naramdaman.
"May gusto na rin kaya ako sa kanya?" tanong ko sa sarili.
I sighed.
Masyadong mabilis, hindi pa p'wede. Tama na muna 'tong masaya ako kapag nakikita si Erin.
"Nak, bakit nakangiti ka diyan?"
Bumalik ako sa diwa. "Nay?"
She giggled. "May nagpapasaya na ba sa anak ko?"
"Wala, Nay! Masama bang ngumiti?" singhal ko.
"Aba'y hindi magandang nakangiti ka mag-isa. Pagkakamalan kang nasisiraan ng ulo," asar nito. "Okay sana kung may hawak kang phone at nakangiti ka diyan. Pero hindi eh, ano ang nginingitian mo? Hangin? Nakakatakot, anak!" dagdag pa nito.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Nay, naman eh!"
"Nagpapakababy ka na naman!"
Hindi ako nagsalita nanatili lang ako sa pagyakap sa kanya.
•••
Masaya akong naglakad papunta sa classroom. Ngayon lang ulit ako naging masaya. Ayoko nang matapos ang pakiramdam na 'to.
In the middle of walking, nakita ko si Celeste. Lumabas siya sa classroom nila. Mula sa malayo ay nakita ko rin si Ares. Nagtaka ako nang nakita ko silang sabay na umalis. Nagtago ako sa bakanteng classroom. Dahil papunta sila sa gawi ko.
Seryosong-seryoso ang awra ni Ares. Si Celeste naman ay hindi makatingin ng diretso kay Ares. Pinagmasdan ko lang sila hanggang makalayo sila sa kinaroroonan ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko na sila nakita. Napapadalas ang pagsasama nilang dalawa. It's weird.
Hindi ko na lamang pinansin 'yon. Ayokong sirain ang araw ko. At ayokong bumalik na naman ang lahat sa akin.
I finally arrived in the classroom. Nabalot ng ingay ang loob. My heart beats fast nang mahagip ng mata ko si Erin. Tingin ito nang tingin sa relos niya at saka titingin sa upuan ko.
I smiled.
I slowly walked closer to my table. He was shocked nang makita ako.
"Mara!"
"Samahan mo ako ipasa natin 'tong activity natin," nakangiti kong anyaya. Napangiti rin ito at saka tumayo na. I laid my bag on the table at sabay kaming umalis ng classroom.
"Hindi ako nakatulog," he said.
"Why?"
"I'm occupied because of you," he replied.
Here comes again, the strange feelings when he talk like that.
"Tsk, dinahilan mo pa ako. Lutang ka lang talaga."
He laughed.
I don't even understand myself. Gustong-gusto kong naririnig siyang tumatawa.
"Baka ikaw 'yong laging lutang sa atin? Hahaha!" biro nito.
I rolled my eyes. "Im not, kung anu-ano lang talagang iniisip mo."
"By the way, pumasok si Jaycen." Bumagal ang paglakad ko dahil sa sinabi niya. "Akala ko hindi na papasok ang lokong 'yon. Kaylangan niyang ipaliwanag ang ginawa niya noong party," sabi pa nito. Naramdaman ko ang inis sa boses niya.
BINABASA MO ANG
I'm Being Blackmailed (COMPLETED)
General FictionThey say friends don't destroy one another. But for me, friends can ruin your life. _____ January 20, 2021 - January 29, 2021