CHAPTER 4

494 37 0
                                    

Hindi ako makapagfocus sa klase. Sobrang lutang ang isipan ko. Hindi na nga ako nakapag PE kanina dahil sa mga nangyari.

"Gusto niya ako..." bulong ko sa sarili.

Hindi ako makapaniwala, still loading pa rin ang lahat sa akin. No'ng sinabi niya 'yon ay nawala lahat ng takot ko. Hindi ko alam, pero gumaan ang pakiramdam ko.

I looked at his table, wala siya. Mukhang nahiya na siya sa akin. Napakamot na lamang ako sa ulo.

Hindi ko seseryosohin 'yon. I guess, he's joking.

Natawa na lang ako.

The class finally ended. Im exhausted, I need to go home and rest. Pagkalabas ko ng campus ay naghintay ako ng masasakyan. Sa kalagitnaan ng paghihintay ay namataan ko ang kotse nila Ares na papunta sa kinaroroonan ko. Sa tingin ko si tatay ang nagmamaneho non.

Napatayo ako nang huminto ito sa tapat ko at bumukas ang bintana nito.

"Anak, sumabay ka na sa amin ni Sir Ares pauwi," tawag ni tatay.

I nodded.

This wasn't the first time na makikisabay ako sa kanila.

I entered the car, and sat down beside Ares. Hindi niya ako pinansin. Tahimik lang ang naging byahe namin. Hindi ko man lang dinapuan ng tingin si Ares. Sa bintana lang ako nakatingin.

"What happened?"

I suddenly looked at him. "A-ano?" pagbabalik tanong.

He looked at me coldly. "Hindi pa tapos ang klase umuwi na si Erin. Hindi niya ugali 'yon at nakita kong may bruises si Jaycen. Magkasama kayong tatlo 'di ba?" tanong nito.

Umuwi pala si Erin.

"H'wag mo kong tanungin, hindi ko alam." Inalis ko ang paningin sa kanya matapos sabihin 'yon.

"I guess sinundan ka ni Jaycen to apologize."

He didn't apologize, instead he threatened me.

Gusto ko sanang sabihin kay Ares 'yan. Pero I need to pretend that I didn't even care. At kahit humingi siya ng tawad sa akin hindi ko tatanggapin. Hindi sapat ang 'Sorry' sa ginawa niyang kahayupan sa akin.

"I don't know," sagot ko na lamang.

Narinig kong natawa siya. "Yeah I guess, okay ka na. Just continue acting like that, 'yong parang wala kang alam. Makatutulong 'yan sa pagmomove on mo."

Gusto kong manakit dahil sa sinabi niya. Pero kaylangan ko na lamang hintayin ang araw na mananagot silang lahat.

•••

Maayos ang pakiramdam kong gumising. Walang pasok ngayon kaya maayos talaga ang gising ko.

"Nay!" tawag ko.

"Bakit, nak? May kaylangan ka ba?" nakangiting tanong sa akin ni nanay.

"Pupunta po ako ng store ngayon. Tutulong ako kay tita sa pagbebenta."

Mas napangiti si nanay. "Ang sipag-sipag talaga ng anak kong 'to!" Agad niya akong nilapitan at niyakap. Gumaan lalo ang pakiramdam ko.

"Ako pa ba, si Amara kaya 'to. Strong 'to!" nakangiting tugon.

I will never waste my time just to ruin myself. Kung iisipin ko lang lagi ang nangyari sa akin mas lalo akong matatalo.

Nagbihis lang ako at nagpunta na sa store.

I finally arrived at the store. Tindahan ito ng bulaklak kaya mas pinili ko na lang na tulungan si tita rito. Dahil tuwing nakakakita ako ng bulaklak, umaayos ang pakiramdam ko.

I'm Being Blackmailed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon