"I don't know, maybe I'm jealous."
What? He keeps on confusing me!
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" inis na tanong ko.
Natawa siya sa pagtaas ng boses ko. "Nevermind." Tumayo siya. "Let's go, ihahatid na kita," anyaya niya. Inilahad nito ang kamay sa akin pero tinignan ko lang iyon. "Wala ka nang maaantay na masasakyan dito. Ihahatid na kita."
"Ako ang maghahatid sa kanya."
Pareho kaming napatingin sa nagsalitang 'yon. Nakaramdam ako ng tuwa nang makitang si Erin iyon.
Akala ko ba may gagawin siyang importante?
Ares smirked. "Ikaw ang maghahatid? Why?" tanong ni Ares.
Mukhang nainis si Erin. Imbes na sagutin si Ares ay sa akin ito tumingin. "Mara, tara na." Then he smiled na para bang kami lang dalawa ang nasa waiting shed. He acted na parang hindi nag-e-exist si Ares.
"Buti na lang dumating ka," I said as I smiled too.
I don't need your concern Ares.
Tumayo ako at dagling lumapit kay Erin.
"Mauuna na kami, Ares," walang ganang paalam ni Erin kay Ares. Hindi na nakapagsalita pa si Ares dahil dali-dali kaming umalis.
I looked at Erin. "May something din kayo ni Ares, ilang araw ko nang nakikitang hindi kayo nagpapansinan."
"Hindi ako ang problema kung 'di siya. Maayos naman kami noong birthday party niya pero bigla na lang niya akong iniwasan. Alam mo namang si Ares ang pinakaclose ko sa mga kaibigan natin."
Napababa ako ng tingin. Kaibigan namin? Wala akong kaibigan, ikaw lang Erin.
I just nodded.
"Halatang iniiwasan niya ako. Kapag kinakausap ko siya ng maayos tatalikuran lang niya ako," anito. I feel the sadness on his voice.
"Baka may problema siya," tugon ko na lamang.
"Ayoko ng isipin hahaha, basta ako lang ang sasamahan mo palagi. Kapag inaya ka ni Ares na sumabay sa kanya, tumanggi ka," he said.
"Tsk, nagseselos ka lang."
Tumigil ito sa paglalakad.
"Oo nagseselos ako, Mara," he seriously said.
Napalunok ako sa naging pagseryoso niya.
"Hey! Chill ka lang," nakangiwing tugon ko.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Makasarili ako pagdating sa mga taong mahalaga sa akin. Masyado man akong mabilis but I want you to be mine someday. So reserve yourself, Mara."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Kinabahan ako sa sinabi niya.
How could I reserve myself, Erin? I'm not a virgin anymore. Nagalaw na ako, I don't even know kung matatanggap mo pa ba ako kapag nalaman mo.
•••
Tahimik lang ang naging pagbyahe namin pauwi sa bahay. Erin told me na nagskip siya sa utos ng mom niya. Sympre nagulat ako at pinagsabihan siya. Hindi naman niya kaylangang ipagpaliban 'yon para lang sa akin. Pero he said na hindi siya kampanteng hindi pa ako nakakauwi.
We finally arrived.
Nanatili ako sa loob ng kotse.
"Next time kapag ganoong importante ay puntahan mo," nakasimangot kong tugon.
He refused. "Mas importante ka!"
I feel butterflies in my stomach.
Natawa na lamang ako. "Oo na! Hahaha!"
But I regret laughing, he gave me a serious look. So I avoid the eye contact.
"Ang seryoso mo masyado!" singhal ko.
"It's crazy na iniisip ko pa kung hihingi ba ako ng permiso sa 'yo if I want to do that thing." Pahina nang pahina ang boses niya.
Ano ba ang sinasabi niya?
"Hihingi ng permission, para saan?"
"Don't mind me hahaha!" biglang pagbawi niya.
"Hey tell me, ano 'yon?"
He looked at me. His eyes speak. Kahit hindi niya sabihin kung ano 'yon may clue na ako.
"Hahaha, don't worry hindi importante 'yon."
"A kiss?"
His eyes widen, I think nagulat ito sa sinabi ko.
"Hahahaha, I'm just kidding!" he akwardly said.
"Just kiss me if you want." Then I smiled. "You're really something, Erin, you always respect me. I don't even know if I deserve you." A sad voice came out when I said those words.
"Amara."
"Tinatanong ko sa sarili kung ano ang meron sa akin? Bakit mo ako nagustuhan? Hindi ako mayaman. Wala kang p'wedeng ipagmalaki sa akin," I said. And a tears ran down my face. Erin slowly wipe it off using his hands.
"Mara, h'wag mong sabihin 'yan. I'm not into social status or anything material. Ano naman kung hindi ka mayaman? We deserve each other," he sincerly said.
Napangiti ako.
Mahalaga na ang lalaking 'to sa akin. Mabilis na kung mabilis pero wala eh, lagi niyang pinaparamdam kung gaano ako kaimportante. Nahulog na ako, wala na akong magagawa pa.
"Then kiss me right now, Erin." I gave him the permission to do it.
He smiled at me. "I can't take my eyes off you, Mara." Then he gently stroked my hair, after that he slowly placed his hand to my face and caressed it more gently. Napapikit ako sa paghaplos niya sa pisngi ko. Then finally, I felt his body closed to mine. I opened my eyes, and I stared on his beautiful eyes. He smiled and I smiled back.
I closed my eyes, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. I wrapped both of my arms around him and pulled him against me. His lips softened. I feel the rapid beat of my heart. And all I can remember about the moment is that when our lips touched, I knew the memory would last forever.
BINABASA MO ANG
I'm Being Blackmailed (COMPLETED)
General FictionThey say friends don't destroy one another. But for me, friends can ruin your life. _____ January 20, 2021 - January 29, 2021